Chapter -26-

2.3K 46 3
                                    


Quenie's POV

Hahahaha.

Ngayon alam ko na, alam ko na ang lahat.

Kasalanan mo to Chanel.

Ng dahil sayo, hindi ako kayang mahalin ni Mark! Simula pala hanggan ngayon.

At ngayong alam ko nang may feelings ka kay Justin, sisiguraduhin kong masasaktan ka ng sobra sa gagawin ko.

Hindi lang pala si Justin ang ginagawa kong laruan pati narin ikaw Chanel. Masarap paglaruan ang feelings mo. Masarap makita kang nasasaktan.

Ang tanga mo lang dahil ikaw pa ang MINAHAL ni Mark.

Sisiguraduhin kong magsisi ka.

BWAHAHAHAHAHA!!!!

*EVIL SMIRK*

***

Chanel's POV

Ang saya ko. Sana ganito nalang palagi. Sana ganito nalang katahimik ang buhay namin ni Justin, yung walang sakit at lungkot yun bang pure happiness lang.

Nandito kami sa sala ni Justin nagmomovie marathon. Nakapatong ang ulo niya sa lap ko, nakahiga siya samantalang ako nakaupo.

Sa isang linggo kong pagbabalik mula sa aking kadramahan haha! Chos lang. Talagang close na close na kami. Ultimong lahat ng ginagawa o gagawin palang niya ipinapaalam niya pa sakin. Ganun din ako sakanya. Minsan pa sinusubuan niya ako pag sabay kami kumain ganun din ako sakanya iniisip ko nga kung hindi ba to naiilang sakin eh samantalang ako hindi na makatingin sakanya sa sobrang ilang at hiya. Iiiihhhh! Kasi naman kinikilig ako eh!

Sa sobrang close namin, hindi ko mapigilang umasa at mabuhayan ng loob. Na baka gusto niya nadin ako o kaya naman mahal niya narin ako. Hindi ko mapigilan. Ang sweet niya pa. Hindi na siya ang dating Justin na bastos kung magsalita. Natutuwa ako. Hindi niya narin ako sinisigawan. Naiinis ako sa sarili ko, umaasa ako sa mga pinapakakita niyang para sakanya wala lang pero para saakin may iba na at malisya. Anong magagawa ko eto ang nararamdaman ko eh.

"Angel." Tawag sakin ni Justin. Ewan ko ba dyan! Nagulat nga ako ng tawagin niya akong Angel eh! Mukha daw kasi akong Anghel chos! Gusto niya lang daw. At sino ba naman ako para tumaggi? Natural gusto rin ng lola niyo! Hahaha kelegs to the max kaya!

"Hmm?" Tanong ko habang nanonod sa movie. Pinaglalaruan ko ang buhok niya. Hahaha! Ang sarap kasi! Dinaig pa buhok ko eh sa sobrang lambot.

"Si Mark? Boyfriend mo ba talaga siya?!" Nagulat ako sa sigaw niya. Here comes again, simula nong umuwi ako, ang dami niyang tanong sakin. Kunyaru galit para masindak ako! Hahaha. Ganyan yan eh. Eto sayo.

"Bakit ka naninigaw?! Alis nga dyan?!" Sabi ko at akmang aalisin ang ulo niya sa lap ko.

"Joke lang! Angel naman! Kailan mo ba ako sasagutin?!" Aba.

"Isa!" Nagbabanta kong bilang sakanya.

"Oo na! Ang sungit neto. Palibhasa PMS eh."

"May sinasabi ka?!" Opo. Baliktad na ngayon ako na ang naninigaw sakanya! Para ngang nabaliktad ang mundo eh! Hahaha.

Ang dahilan niya naman ayaw na daw niya akong maglayas ulit eh. As if namang naglayas ako?! Hahaha, kadramahan ko lang yun eh.

"Wala!" Sabi niya at bumangon na sa pagkakahiga. Natapos narib kasi ang movie na nagsisigawan lang kami.

"Lucky. Wala ka bang lakad ngayon?" Tanong ko habang nagsasalansan ng pagkain para sa hapunan.

Lucky-Angel - Tawagan namin. Matagal ko na siyang gustong tawagin niyan eh.

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon