Chapter -7-

2.8K 54 7
                                    


Chanel's POV

Bagong umaga nanaman. Pero iba ang mood ko..

Bakit ang saya ko naman ata? Pambihira! Pati ba naman yan Chanel itatanong mo pa sa sarlili mo? Seriously?!

Anyways, Ginawa ko na ang morning routine ko bago lumabas ng kwarto.

Nakakapanibago naman...
Walang hyper na Gelay ang sumalubong saakin? At nauna pa akong gumising ah? Kadalasan kasi siya ang mas nauuna saking magising eh!

Yaan na nga! Napapraning nanaman ako. Baka napagod kakaiyak sa nangyari. Somehow, I felt guilt, wala kasi ako sa tabi niya nung time na nahihirapan siya. Alam ko naman kasing gusto niyang mapag-isa at makapag-isip isip. Ayaw niya rin kasing kinakaawaan siya, kagaya ko lang din.

Pumunta nalang ako sa sala. Pupunta na sana akong kusina para magluto ng almusal nang may makita akong note sa lamesa.

Inabot ko yun at tinignan ang bawat sulok nun.

'Sulat? Kanino naman to galing?*

Tanong ko sa isip ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding kaba...

Dear Bess,

Chan, Thank you sa lahat.
Don't worry may pinuntahan lang ako. Sana maintindihan mo ako..
Hindi ko alam kung makakabalik pa ako.

Basta promise ha? Bestfriends forever tayo ah! Wag kang magagalit.

Umalis muna ako diyan sa probinsya. Gusto kong makamove on sa nangyari.

Kung hindi man ako makabalik, maging matatag ka para sakin okay??

Thank you bess.

Your Pretty Bess,

Gelay


Sunod-sunod na luha ang pumatak sa mga mata ko. Ang sakit. May nakita pa akong nakasabit sa dingding na may papel na nakadikit. Kinuha ko yun at tinanggal ang papel.

Chanel! Suutin mo to ah

Isa yung necklace na may pendant na letter C kumikinang pa siya. Ang ganda nito. Sinuot ko siya at tinignan ang sarili sa salamin.

Oo, Gelay. Naiintindihan kita bess. Alam kong nasaktan ka sa nangyari at gusto mong makalimot. Alam kong babalik ka pa kasi yun yung promise mo eh! Tuparin mo dapat yun. Bff forever nga eh. Magiging matatag ako para sayo Gelay.

Hindi ko na yata kaya pang mawalan ulit ng kapatid.

Napaluhod nalang ako sa sahig, naiintindihan ko naman siya eh pero nalulungkot ako kasi wala na siya sa tabi ko pero alam ko, alam ko na babalik siya.

Sana....

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya naligo nalang ako at nag-ayos balak ko kasing maghanap ng trabaho, part time job.

Naalala ko parin si gelay, sana nasa maayos nakalagayan siya.

Nag-apply ako bilang diswasher sa isang cafe pero wala na daw vacant. Naghanap pa ako sa iba kaya lang wala na talaga.

Paano na to?? Kailangan kong makahanap ng part-time job para sa college ko.

"Ayy!! Sorry po!" Sabi ko sa nakabangga ko. Hays! Chanel wala ka nanaman sa sarili mo! Tignan mo tuloy nangyari.

Tinulungan kong tumayo si manong. Mukha siyang mayaman sa suot niya o baka naman mayaman talaga to? Nakasuit siya na black nasa mid 40 narin ang mukha niya pero kita parin yung kagwapuhan niya.

" Ayos lang po ba kayo Sir? " tanong ko sakanya.

Napansin kong nahihirapan siyang huminga. Omg! Anong gagawin ko. Nagpapanic na ako. Bigla nalng siyang bumagsak sa sahig.

"Manong!! Tulong! Tulungan nyo kami! Tumawag kayo bg ambulansya. " Sigaw ko sakanila.

Hindi nagtagal naisakay narin namin siya sa ambulansya.

Nakaupo ako sa bench malapit sa ER.

Lumabas yung doctor. Tumayo agad ako at sinalubong siya.

"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong ni doc.

"Naku hindi ho. Ako po yubg nagdala sakanya. Nabunggo ko po kasi siya habang naglalakad ako. Napansin ko na nahihirapan siyang huminga kaya dinala ko po siya dito" mahabang litanya ko sakanya.

"Ah ganun ba hija. Maayos na siya ngayon. Nabigla lang amg katawan niya. Napagod siya ng husto. Mas makabubuti kung magpahinga muna siya ng dalawa o tatlong araw dito. Magigising narin siya mayamaya lang." Sabi sakin ni Doc, nagpasalamat ako at tumungo na sa kwarto ni manong.

May anak ba siya? Asawa? Paano ko makokontak ang mga yun eh wala nga akong number nila.

===============

Nagising ako sa dahil sa sinag ng araw. Napansin ko na may nakatingin sakin. Nagulat ako ng makita kong gising na si manong. Dali dali akong pumunta sa harap nito.

" Manong! Mabuti naman at nagising na kayo. Pasensya na po dahil hindi ko makontak ang pamilya nyo eh. Maayos na po ba kayo??" Tanong ko habang nakangiti.

Tumawa siya ng mahina. Huh? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Ayos na ako hija. Nakakatuwa ka naman. Naku huwag ka nang humingi ng tawad okay lang yun. Tinawagan konna ang asawa ko kanina nung tulog ka" mahabang litanya niya habang nakangiti.

"Okay po! Sir... ? " tanong ko sakanya.

" Tito Anton nalang hija " ahh ok.

"Saan po ba kayo nakatira tito anton?" Tanong ko habang tinatalupang yung pongkan. Nakita ko lang eh. Haha

"Sa maynila pa ako nakatira. Napunta lang ako dito dahil may kailangan akong ayusin. Teka ano ba ang pangalan mo hija?" Ay oo nga pala!

" Hello po! Ako po si Chanel Ann Madrigal " sabi ko nalng.

"Nasan ba ang mga magulang mo Chanel?" Tanong niya na nagpalungkot ng mukha ko.

"Wala na po sila. Bata palang ako namatay na sila kaya sa orphan na po ako lumaki. Mag cocollege na nga po ako eh saka umalis na po ako sa orphan dahil ayoko nang maging pabigat pa" Sabi ko.

"Ah ganun ba? Saan ka naman magcocollege hija?" Sa totoo lang hindi ko rin alam.

"Ewan ko po. Pinoproblema ko na nga po iyon eh dahil malapit narin pong magpasukan." Sabi ko nalang.

"Gusto mo bang sumama sakin sa manila? Napakabait mo sakin. Gusto kitang pag-aralin. Okay lang ba yun hija??" Sabi niya na nagpatulala sakin.

Tatanggapin ko ba ito?

=================

Eto na po yung Update!

Dedicated to sayo prettykabama.









Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon