Kanina lang ay nasa Pilipinas siya, and now she was standing near the window watching those gleaming lights from afar in New York. At hindi lang iyon, she was a married woman now. Sa sobrang bilis ng pangyayari sa buhay niya ay dinaig pa ng mga iyon ang bulalakaw na nahulog mula sakalawakan. Napabuntong hininga na lang si Francesca at umupo sa kama niya. She was still wearing her white simple dress. And the memories of her wedding was still fresh, lalo na sa part na you may kiss the bride. Malayo sa naisip niya ang nangyari kanina. Instead of Greg kissing her in her lips, he kissed her in her cheeks na parang beso lang ang naganap. Kaya hanggang ngayon siguro ay dismayado padin siya, sana kasi hindi na lang siya ulit nag expect mula dito. Sasusunod ay hindi na talaga. Sana.
Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya at tumingin sa salamin. Maganda naman siya. Pero hindi lang siguro siya type nito kahit katiting.Naiiritang nagtanggal siya ng damit at inalis din niya ang wedding ring na suot niya. Kailangan niya ng warm shower. May isang oras pa naman siya bago ang sinabi ni Greg na dinner nila.
But instead of just taking a shower ay nagbabad siya sa bathtub. Narelax naman ang pakiramdam niya kahit papaano, to the point na hindi na niya namalayan ang oras, at nakatulog na din siya. Naalimpungatan siya sa sunod sunod na tunog mula sa cellphone niya.
Si Greg ang tumatawag.
Hello?Bakit? Anong kailangan mo? Medyo inaantok na tanong niya dito.
What the heck are you doing?! Francesca kanina pa ako sa labas ng room mo. Pangatlong balik ko na to! And I was calling you for how many times,tapos ngayon mo lang sinagot. What the heck! Kanina pa ako nagugutom.Halos mabasag na ang eardrums niya sa lakas ng boses nito, he was irritated. Obviously.
Pasensiya.Tao lang, nakakatulog. Hindi ko lang namalayan. Saglit lang boss ha.Pagbubuksan na kita. Chill ka lang muna diyan. Tumayo siya mula sa tub at binalot ang sarili sa tuwalyang naroon.
It was still early to sleep. Dalian mo! Ayoko ng naghihintay. Pinatay na nito ang tawag. Patakbong tinungo niya ang pinto at pinagbuksan ito. Magkahiwalay sila ng room. Pero magkatabi lang naman.
Dumungawsa kanya ang madilim pero gwapong mukha nito. Sorry.
MyGosh! All this time nagbabad ka? Ganun na ba kakapal yang mga balat mo? Sarkastikong sabi nito saka dumiretso sa kama niya at humilata. Ni hindi man lang nito pinagtuunan ang kaseksihan niya. Magbihis ka na. I will give you five minutes. Ipipikit ko lang saglit.
Npatingin siya dito at napailing. Kumuha siya ng damit niya sa maleta at pumasok agad siya sa Cr para magpalit. Doon na din siya nag ayos.Pagbalik niya ay nakahiga padin ito at nakapikit. Pakiramdam niya ay nakatulog na din ito.
Haaayyy.Kahit ano ata ang gawin nito ay guwapo padin ito. At sa ngayon kaiinggitan siya ng mga kababaihan dahil asawa na niya ito. Napangiti siya sa naisip, pero agad din namang nawala iyon dahil alam niyang pansamantala lang ang lahat. Ayun nanaman kasi siya, umaasa sa mga bagay na hindi dapat.
Niyugyog niya ang balikat nito. Uuyy gutom na ako. Gumising kana. Greg gising na.
Masyado atang mahina ang pagyugyog niya dito kaya hindi man lang ito natinag sa ginawa niya. Hayyy nako. Oy Greg!
Tinampal niya ng malakas ang braso nito. Napamulat ito agad at tinignan siyang masama.
Aray!Ang sakit ha. Ang ganda nang panginip ko e. Istorbo ka naman. Umupo ito at tumingin sa relo. Pasado alas nuwebe na. Lalabas pa ba tayo? O room service na lang?
Tamad ka talaga e no? pinagbihis mo pa ako, magpaparoom service lang pala tayo. Pinamaywangan niya ito tinignan niya ng masama.
Magbibihis ka din naman talaga a. Hindi ka naman siguro kakain ng nakahubad lang. Pilosopo talaga ito kahit kalian.
BINABASA MO ANG
MY SECRET LOVE
Lãng mạnTo love even secretly is one of the best things in life. It's okay to love and not be loved, because seeing the person you love is sometimes enough.