CHAPTER 10

9 0 0
                                        


Pagkagaling ni Francesca sa mama niya ay dumalaw pa siya sa bahay nito. Napahaba ang kuwentuhan niya kaya ginabi na siya ng uwi at hindi na siya dumaan pa ulit sa boutique niya. wala pa si Greg sa bahay nito dahil sinabi nito sa text nito sa kanya na mag oovertime daw ito. Kaya kahit ayaw niyang magluto dahil kakain naman sila ng mga girls sa labas mamaya ay pinagluto niya padin ito ng dinner na inilagay sa mga Tupperware. She cooked a simple menu for him. Pagkatapos niyang magprepare ay nagsahower na siya at nagbihis. She wore a scarlet dress and a pair of black heels. She put a simple make up on her face, then grab her bag. Pagkatapos ay nagdrive na siya papunta sa opisina ni Greg na kanina lang niya nalaman kung saan.

Pagkadating niya doon ay halos wala ng tao. Past nine na kasi ng gabi kaya medyo madilim na din doon dahil naka off na ang mga lights sa mga desk ng mga empleyado.pagkakita niya ng office ni Gregory ay binuksan niya agad iyon, only to find out the man with his plain white shirt staring at the load of papers in front of him. Kahit naka puting tshirt lamang ito ay napakaguwapo parin talaga nito.

Akala ko maling opisina tong pinasok ko e. biro niya dito na nag angat agad ng tingin sa kanya.

What brought you here? Late na ah. Supposed to be natutulog ka na. tumayo ito at lumapit sa kanya. Don't tell me...

Yes. I bought you a dinner for only five hundred pesos. Nakangiting itinaas niya ang dala niyang pagkain nito.

Napailing ito at inabot iyon. Thanks. Siguraduhin mo lang na masarap to dahil kung hindi palalayasin kita sa bahay ko.

Natawa siya ng mahina dito at umupo sa upuan na nasa harap ng table nito. Malinis at sobrang manly ng design ng opisina nito. It was color gray, black and white na may touch ng kaunting blue.

Ganda ng opisina mo ah. Ano yang malaking painting diyan? Bakit kulay black lang na lines ang nandiyan? Curious na tanong niya dito, the painting was plain yet intriguing.

It was given to me by a friend. Nasa Italy na siya ngayon. He's a damn good painter. Sabi nito at inumpisahan nang lantakan ang dinala niyang pagkain. Mukhang gutom na gutom ito.

Dika nag lunch no? pinanlakihan niya ito ng mata. Tumango lang ito at pinagpatuloy ulit ang pagkain. Ipagpatuloy mo yan at nang pumanaw ka agad, at sakin ang bagsak ng mga kayamanan mo. Pagkatapos ay nag evil laugh siya.

Tss. Pero bakit parang ang ganda natin ngayon ha? Tanong nito at tumigil sa pagkain.

Tumayo siya at umikot sa harap nito. Chicks ba? Lalabas kami ng mga girls ngayon sa boutique e, birthday kasi ni Hershey.

Ahh.. tumango tango lang ito at sumubo ulit.

Sige kumain kana muna, aalis na ako. Ako na lang hinihintay ng mga yun for sure. Tumayo na siya at inayos ang laylayan ng damit niya.

Teka, bago ka umalis ipagtimpla mo muna ako ng kape. Yung parang timpla mo kanina. Nakangiting utos nito sa kanya.

Huh? Maleleate na ako. Kaya mo na yan. Sabi niya dito, may mga kamay naman ito e. Tsaka napakalapit lang naman ng pinagtitimplahan nito ng kape. He has his own mini kitchen and Cr inside his office.

Please. He pleaded in a way that she can't resist.

Huminga siya ng malalim at nilapag muna niya ang bag sa upuan. Fine.

Ibig sabihin ay nagustuhan nito ang kapeng tinimpla niya kaninang umaga. Nakangiti siya habang pinagtitimpla niya ito ng kape. Pagkatapos niyang magtimpla ay dinala na niya iyon dito.

MY SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon