Narinig niya lahat ng sinabi ni Francesca, at lahat ng mga sinabi nito ay lalo lang naging patunay na isa siyang malaking tanga. He was an asshole. How could he take someone like her for granted.at kahit hindi nito sabihin sa kanya ay alam niyang nasktan niya ito, at patuloy na sinasaktan sa mga ginagawa niya. And he can't stand it anymore. He can't pretend to be sleeping kaya dumilat na siya. Nang makita niyang tumingin ulit ito sa kanya ay nanlaki ang mga mata nito at parang nakakita ng multo..
Lumunok ito ng paulit ulit bago nakapagsalita ulit. Habang siya ay nakatitig sa mukha nito. She was crying. And a struck of pain hit his heart for making her cry.
Na ... na.. narinig mo lahat? Halatang kinakabahan ito at natataranta. Wala yun, pina practice ko lang yung script na ginawa ko para sa isang kaibigan. Nag momonologue ako. Ngumiti ito ng alanganin at lumayo sa kanya.
I'm sorry. Kahit hindi ito umamin ay alam niyang para sakanya ang lahat ng sinabi nito kanina lang. Umayos siya ng upo at yumuko. Nahihiya na siya dito, sobrang nahihiya. How could he become so insensitive and oblivious to her? Galit siya sa sarili niya. Mas nagalit siya nang marinig ang mga sinabi nito. You can hate me Francesca. I know I've been a jerk.
Wa.. wala yun. Kalimutan mo na lang yung mga sinabi ko. Tutal lasing ka naman. Bukas hindi mo na din to maaalala. Sabi nito at inumpisahang damputin ang mga boteng nagkalat sa sahig. Pinigilan niya ang kamay nito at tinignan ito.
Paano niya makakalimutan ang mga sinabi nito sakanya? At paano niya makakalimutan ang nararamdaman niya. He denied it for so long, and at end. He ended up hurting the woman he wasn't supposed to hurt.
Do you love me? Tanong niya dito habang nakatitig siya sa mata nito. Kumurap ito at yumuko.
Lasing ka lang Gregory. Tatanggalin na sana nito ang kamay niya pero hinila niya ito at niyakap.
Don't love me Francesca. Don't love me. I don't deserve someone like you and you don't deserve me because you deserve better. I'm so sorry. He was crying. You can't love me. Niyakap niya ito ng mahigpit.
Tumawa ito ng pagak. She was crying. He knew she was hurt, pero kung ipagpapatuloy pa nito ang nararamdaman sa kanya ay mas lalo lang itong masasaktan. Adik ka talaga e no? Paano kita hindi mamahalin? E ang tagal tagal na kitang minamahal. Kung hindi kita deserve dahil mas deserve ko si someone better.. sino ang mas deserve sa pagmamahal ko? Si Obama? Kahit na seryoso ang usapan nila ay nagagawa padin nitong magbiro.
Alam mo kahit na ang unfair para sakin, hindi ko din alam kung bakit kinakaya ko. I ...
Pinutol niya ang anumang sasabihin nito. Don't. dahil kapag sinabi nito iyon ay lalo lang siyang magiguilty. Kalimutan mo na lang ako. Forget about pretending as my wife, you're free to get your real life back. Leave...
He know that he was being cruel. Pero iyon lang ang alam niyang paraan para hindi niya ito masaktan lalo. Bumitaw siya sa pagyakap dito at tumayo. Kahit medyo nahihilo siya ay kaya pa naman niyang maglakad papunta sa kuwarto niya. Tumalikod na siya at iniwan niya itong nakaupo. He knew she was crying dahil naririnig niya iyon, and it broke his heart. Nang lingunin niya ito ay dinampot na nito ang bag at susi nito. He saw her leaving. Nang sinara na nito ang pinto ay pumasok na siya sa kuwarto niya. He felt frustration and pain. Nang tignan niya ang mukha niya sa salamin ay namumula na iyon. Kinuyom niya ang kamay at sinuntok ang salamin, then he saw the blood dripping.
Napaupo siya, he cried like a young boy lost his first game. How can he let go of the woman he love? Kahit gusto niyang pigilan ang nararamdaman niya para kay Francesca ay hindi niya magawa. How can he avoid something that felt so strong. Siguro noon ay nagawa niyang pigilan ng paulit ulit ang nararamdaman niya dahil marami siyang pinagka abalahan. He forgot what he felt for her or so he thought. Kahit anong gawin niya ay hindi ito babagay sa kanya. He deserve someone who would not dare to hurt her. At hindi siya iyon, dahil kahit hindi nito aminin ay paulit ulit niya itong nasasaktan. Noong college siya ay nakita niya kung paano ito malungkot tuwing nakikita siyang may kasamang ibang babae. Alam din niya na nagpupuyat ito dahil sa mga requirements na pinapagawa niya dito. At sa tuwing may hinihingi siyang pabor dito ay hindi man lamang nito magawang tumanggi.
BINABASA MO ANG
MY SECRET LOVE
RomanceTo love even secretly is one of the best things in life. It's okay to love and not be loved, because seeing the person you love is sometimes enough.