Hindi alam ni Greg kung anong pumasok sa isip niya at pinuntahan niya si Francesca sa sinabi nitong bar. At nangyari nga ang hindi niya inaasahan. At sa pagkakataong iyon ay hindi na talaga niya matukoy kung ano ang nararamdaman niya para dito. Tama ito nang sabihin nito sa kanya na hindi sila normal na mag asawa. Hindi dapat siya nagalit dito. But he was more angry with what he felt when he saw that man kissing her wife. Lalo na nang makita niyang umiyak si Francesca kanina. Hindi niya alam pero ayaw niyang makitang ganun ito. At ang huling tanong nito ang mas nagpagulo sa kanya.
Bakit ikaw pa?
Patuloy na nagrereplay sa utak niya ang tanong nito. He was afraid to know about it. Kahit alam na niya ang sagot. Natatakot siyang malaman na gusto siya nito dahi alam niyang masasaktan niya ito ng husto. Then all of a sudden he felt like a stone. He must not fall for Francesca. At hindi din dapat siya magustuhan nito. It can't happen. He needs to do something. Because wether he admit it or not he was being unfair and an asshole.
Kinaumagahan ay maaga siyang nagbihis para pumasok sa trabaho niya. pagbaba niya ay kasalukuyang nagkakape si Francesca at nakaupo. Parang malakas padin ang hang over nito dahil nakatulala ito sa mug nito.
Aalis na ako. Paalam niya dito.
Tumingin ito sa kanya at parang nag aalangan sa sasabihin. Yung tungkol kagabi nga pala..
Wala yun, hindi na mauulit. Sagot niya dito at ngumiti siya ng bahagya, he wanted to act like it was no big deal.
Hindi na ito sumagot pa at tinignan na lang siya at tinanguan. Pagkatapos ay tumingin ulit ito sa kapeng nasa harap nito. Then he saw that she prepared some breakfast, kahit gusto niyang kumain kasama ito ay pinigilan niya ang sarili at lumabas na siya ng bahay niya.
Pakiramdam ni Francesca ay binagsakan siya ng langit. Pilit niyang inalala ang mga sinabi niya kagabi at muntikan na siyang umamin kay Gregory. Wala talagang magandang naidudulot ang alak sa katawan. Pati ang ulo niya ay sumasakit. Pakiramdam niya ay pang buong araw ang hang over niya, kaya pinili na lang niyang hindi pumunta sa boutique at tinext na lang si Belle. Panigurado din naman na iinttrigahin siya ng mga ito dahil sa nangyari kagabi at wala din naman siya sa mood para magkuwento sa mga ito. Kaya inabala na lang niya ang sarili sa pagtambay sa garden. Ang mga halaman na nadun ay parang mood niya lang, lantang lanta. Tuyong tuyo at walang kagana gana.
Kaya naman naisipan niyang ayusin ang mga ito, napagdesisyunan niyang ayusin ang garden ni Gregory at ibalik ang buhay at kulay niyon. habang nagbubungkal siya ng lupa ay tagaktak din ang pawis niya kaya medyo nawala ng kaunti ang katamaran niya at ginanahan na siyang mag garden. Pero wala siyang halaman na ilalagay doon, tumawag siya sa kakilala niyang nagdedeliver ng mga halaman at nag order ng ibat ibang uri ng halaman at mga bato para sa landscape na pinaplano niya. halos hindi na niya namalayan ang oras nang biglang kumalam ang sikmura niya, nagugutom na siya. Pagtingin niya sa cellphone niya ay pasado ala una na pala.
Papasok na sana siya sa loob ng bahay nang may dalawang matanda ang nakita niyang pababa sa labas ng gate. Lumapit siya sa mga ito, parang pamilyar ang matandang babae pero hindi niya sigurado. Pumunta ang mga ito sa harap niya, wala siyang nagawa kundi ngumiti.
Hi po. Ano pong maitutulong ko sa inyo? Nakangiting binuksan niya ang gate. Hindi niya magawang iabot ang kamay sa mga ito dahil madumi ang mga iyon at tagktak din ang pawis niya sa mukha na sa mga pagkakataong iyon ay madumi na din. Even her blouse was soaked in her sweat.
I never knew that your son got himself a nanny. Sabi ng matandang babae at tinignan siya pataas pababa.
Ibig sabihin ay magulang ni Gregory ang mga ito. At hindi niya alam ang gagawin dahil hindi naman siya na inform. Lumunok siya ng halos isang libo dahil nanunuyo ang lalamunan niya.
BINABASA MO ANG
MY SECRET LOVE
RomanceTo love even secretly is one of the best things in life. It's okay to love and not be loved, because seeing the person you love is sometimes enough.