CHAPTER 4

10 0 0
                                    


Pagkagising ni Francesca ay pasado alas otso na, and the sun was already passing through her window. Pagtingin niya sa account niya ay may message sakanya si Earl.

Hi  Francesca.

Heard you're here in New York.

I'm having my conference here too.

Can we meet?

Just tell me where when you read this.

Take care.

Hindi niya alam kung ano ang irereply niya kaya bumangon na lang muna siya at naghilamos. Napag usapan kasi nila ni Greg na lumabas at maglibot sa Times Square. Kinuha niya ang phone niya at nireplyan ang message nito.

Maybe tomorrow? I'm still busy. Sorry.

Kahit papaano ay may pinagsamahan naman sila nito kaya maano lang naman na pagbigyan niya ito. She was somehow guilty. Wala itong kaalam alam na nagpakasal na siya. Well, it's not her responsibility though. Pero hindi padin niya maiwasan ang makonsensiya. Kaya sasabihin niya nalang iyon dito kapag nagkita na sila. He might think that she was still giving him a chance kaya kailangan na talaga niyang sabihin iyon dito. Earl was a good guy, and he deserve someone else. Not her.

Nag ring ang phone niya, it was Greg.

Maligo ka na at mag ayos. May pupuntahan tayo. Pagkatapos sabihin ang mga iyon ay pinatay na nito ang tawag.

Kahit kalian talaga ay walang modo ang mokong na iyon. Ni hindi man lang nag good morning. Hinawakan niya ang phone at iyon na lang ang binati niya. GoodMorning..

Tss. Magpapaganda talaga ako ng bongga ngayon. Tignan lang natin. Pumasok na siya sa banyo habang kinakanta ang paborito niyang kanta. Kahit wala siya sa tono ay pinupush niya padin.

Pagkatapos niyang maligo ay kung ano anong pampaganda sa balat ang pinahid niya sa katawan para hindi mag dry. Malamig doon kaya pinili niya ang black na coat niya, actually she was going to wear her full blackoutfit. Ano pa at naging designer siya kung hindi niya iaapply sa sarili niya.

She wear her red matte lipstick, and put some mascara on her eyelashes.And done, that was her simple look for the day. Then last but not the least her most favorite gold leaf shaped necklace that her mother gave her on her eighteenth birthday. Kahit siguro maghirap sila ay hindi niya isasangla iyon. She never celebrated her debut in a way that her typical age will do that time. Wala siyang escort pero kasama naman niya ang pinaka importanteng tao sa buhay niya, that was her mother. That was enough for her.

Thinking of her mom made her miss her so much. Huminga siya ng malalim, dahil alam niyang kapag nalaman nito ang totoong dahilan kung bakit siya nagpunta ng New York ay malamang na magtatampo ito ng bongga sa kanya at magagalit. Her mother believed in the sacrament of marriage. And she knew that she want to be there when she got married. Pero ang gusto nito kapag kinasal siya ay sa simbahan at hindi sa kung saang court room lang sa ibang bansa at pagkatapos ng ilang buwan lang ay makikipag divorce din. Minsan lang niya suwayin ito pero pang international pa, malamang pang universe naman ang galit na aabutin niya dito.

Huminga siya nang malalim dahil naiistress na siya sa iniisip niya ngayon.Kailangan muna niyang isipin ang ngayon bago ang bukas. Sabi nga sa nabasa niyang libro.. "Don't let your worries for tomorrow take away the joy of your today." That's why she composed herself.

Sakto naman na kumatok si Greg. She wear her boots and her bag then walk to the door.

Hindi niya maipaliwanag ang reaksyon nito. Sinabi ko bang burol ang pupuntahan natin?

MY SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon