CHAPTER 15

8 0 0
                                    



Nang makarating siya sa boutique ni Francesca ay nakita niyang pasakay na si Rico sa sasakyan nito, dali dali siyang bumaba at hinila ito saka inudayan ng suntok. Natumba ito at halata ang pagkagulat sa mukha nito.

What the heck is wrong with you bro?! nakakunot ang noo nito at halatang naguguluhan.

What are you doing here?! Galit na sigaw niya dito, nakita niyang naglabasan ang mga empleyado ni Francesca pero wala ito dito. Nasaan si Francesca? Tanong niya sa mga ito.

Wala po siya Sir. Sagot ng babaeng maiksi ang buhok, she was Hershey. Natatandaan niya ito.

You thought I came here for your wife Gregory?! Hinila siya ng kuya niya.

Yes! Then why are you here??! Naguguluhang tanong niya dito. Kung hindi si Francesca ang imimeet nito ay sino? Imposible naman na dumayo pa ito Pilipinas para lang magpatahi sa boutique ni Francesca ng tuxedo o chef uniform nito.

Damn it! You know that I will never betray you! I came here for my wife too! Sigaw nito sa kanya. Naguluhan siya lalo sa sinabi nito.

Wife? You have a wife? How come you didn't tell me. Tanong niya dito, nawala na nang tuluyan ang galit na nararamdaman niya dito.

Yes. I do have a wife. But she ran away. And I am not sure if I will be able to catch her because you just punch me in my face and spent my precious time just because of your doubts about me. So if you will excuse me I gotta go. Nagmamadaling umalis ang kuya niya. Naiwan siyang nakakunot ang noo sa nagyari, sino ang asawa ng kuya niya?

Nang tumingin siya sa mga empleyado ni Francesca ay wala na ang mga ito roon. Nag drive siya patungo sa apartment ni Francesca pero wala ito roon. Pakiramdam niya ay na drain ang energy niya kaya naisipan na lang muna niyang umuwi sa bahay niya. Pagparada niya sa sasakyan niya ay may narinig siyang nagsasalita sa may garden. Hindi kaya nagkaroon na rin ng bunganga ang mga halaman doon dahil madalas niyang kausapin ang mga iyon at pagsabihan ng mga hinanakit niya?

Dahan dahan siyang naglakad patugo doon at nakita niya si Francesca na iniispreyan ang mga halaman doon. How he missed her. May sinasabi ito kaya lumapit pa siya lalo para marinig ang mga sinasabi nito.

Alam niyo wag niyong hayaan yang mga insektong kumakapit sa inyo, papatayin kayo niyan at tatanggalin ang ganda niyo, kasi parang virus yan e. Tignan niyo ako unti unting nawawala ang ganda ko dahil sa lintik na virus na kumapit sa akin, tang inang pag ibig yan. Lumipat ito sa pulang rosas na sobrang tingkad at ganda ng kulay. Buti kapa may tinik ka kaya hindi ka masyadong nakakapitan ng insekto, sana ako din may ganyan para hindi din ako kapitan ng pag ibig na yan. Nang sa ganun hindi na ako masaktan pa. Ang sunod na kinausap nito ay ang bonsai. Sana parang ikaw na lang yung nararamdaman ko sa may ari ng garden na to, para hindi na lang mag grow. Yung ganyan na lang kaliit. Para kahit papaano magaan lang dalhin. Kaso parang puno na yung nararamdaman ko sa kanya e, parang akasya. Sobrang laki na. bumuntonhg hininga ito at nagpatuloy sa pag iispray.

Hindi na niya natiis ang hindi sagutin ito. Parang akasya? Na mahirap nang tibagin pag malaki na?

Ang akala niya ay titingin ito sa kanya at magulat pero mukhang tangang kinausap nito ulit ang bonsai. Sinagot mo ako? Nagsasalita ka? Parang sa wansapanataym? Suminghap ito ng malakas., oh my gosh! Tinakpan nito ang bunganga at binitawan ang pang spray saka hinawakan ang bonsai sa harap nito.

Bumagsak ang balikat niya sa itsura nito, ngayon hindi na siya sigurado kung bakit niya minahal ito. Paano siya na inlove sa isang abnormal na tulad nito? Siguro nga ay dahil doon kaya mas lalo niyang minahal ito.

MY SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon