CHAPTER 13

5 0 0
                                    



Hindi alam ni Gregory kung anong gagawin niya sa biglang pag iyak ni Francesca.

Bakit ka umiiyak? Naguguluhang tanong niya dito, kanina pa ito parang hindi okay. He can feel it in her hold.

Shit talaga e. Akala ko hindi na ako masasaktan ng ganito e, Malay ko ba na makikita ko siya ulit after ten years? Humihikbing sabi nito, inabutan niya ito ng tissue.

Sunod sunod ang pagsingang ginawa nito. Hindi niya parin maintindihan ang sinasabi nito.

What do you mean? Hinawi niya ang buhok nitong nalaglag mula sa pagkakaipit nito.

Justin bieber ikaw ba yan? Pamimilosopo nito sa kanya, nagawa pa nitong ganunin siya samantalang umiiyak na nga ito.

Francesca... seryosong sabi niya ditto.

Pwede I hug mo na lang ako? Tumingala ito sa kanya, namumula na ang ilong at mata nito sa kakaiyak.

Walang anumang niyakap niya ito. Hinagod niya ang likod nito. Tahan na, napaka iyakin mo talaga.

Masakit kaya. Lalong lumakas ang iyak nito.

Bakit ba kasi?tinignan niya ito,pero hindi pa din ito sumagot.

Tara na. Alis na tayo dito. Sabi nito na bumitaw na sa pagkakayakap niya.

Huminga siya ng malalim at pinaandar na lang ang sasakyan niya. Pero bothered padin siya kung bakit ito biglang umiyak na lang.

Pagkadating nila sa bahay niya ay dumiretso na ito agad sa kuwarto nito. Bumuntong hininga na lang siya at hinayaan ito. Wala lang talaga siguro itong balak na sabihin sa kanya ang nangyari.

Nagpalit lang siya ng pambahay at bumaba din agad, pero laking gulat niya nang madatnan niya si Francesca at tumutungga ng beer.

Balak mong maglasing ng hindi ka nagtatawag? Sabi niya at kumuha din siya ng isang bottle ng beer. Prutas ang pulutan nito.

Malay ko bang gusto mo din palang maglasing?inisang tungga lang nito ang beer na kalahati pa.

Sabihin mo na kasi sakin kung anong problema mo. Para kahit papaano naman ay mbawasan yang bigat ng nararamdaman mo. Gusto niya talagang malaman ang dahilan ng pag iyak nito kanina.

Nagkataon lang naman na tatay ko yung kaibigan ng tatay mo, at half sister ko yung babaeng dapat mong pakasalan. After ten years, we met again. And you know what fucking hurts? Na after those years... I just ended up being rejected by him. Umagos nanaman ang luha nito, he wanted to wipe those tears. Ang gusto niyang makita ay ang ngiti nito at hindi ang pag iyak nito. Gusto ko lang naman malaman kung bakit niya kami hindi pinanindigan ng mama ko e. Pero nung nalaman ko naman... pucha. Parang tinapak tapakan ang puso ko e. Hawak nito ang dibdib nito at tumuro sa ere. Eto pa mas matindi. Ni minsan hindi niya ako tinanggap at kinilalang anak niya. Gusto ko lang naman maramdaman na may tatay ako kahit isang minuto lang e. humagulgol ito at yumuko sa mesa.

Nilapitan niya ito at niyakap, sa ngayon ay yun lang ang kaya niyang gawin. Tama na, mukha nang kamatis yang mukha mo kakaiyak.

Hindi ka naman nakakatulong e. inundayan nito ng mahinang suntok ang tagiliran niya.

Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin at sabihin para lang mabawasan yang sakit na nararamdaman mo...pero kung anuman ang dahilan ng daddy mo, sigurado akong mahal ka din nun. Hinagod niya ang likod nito.

MY SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon