CHAPTER 9

8 0 0
                                    

Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit niya ay nagpahinga muna siya saglit.Dalawang maleta lang ang pinuno niya at dalawang box para sa iba pa niyang mga gamit. Balak pa din naman niyang umuwi sa apartment niya kapag weekend at kung may bakante siyang araw. Habang hinihintay niya si Greg ay nakaidlip siya ng hindi niya namamalayan dala na rin siguro ng pagod niya. Pagkagising niya ay pasado alas sais na at nag uumpisa ng dumilim sa labas. Pagka on niya ng ilaw ay dumiretso siyasa banyo at naligo. Saktong pagkabihis naman niya ay may kumatok,paniguradong si Greg na iyon. Hindi pa siya nakakapagsuklay ng buhok.Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya ang pagod ngunit guwapong mukha ng asawa niya. Parang biglang naglaho ang galit at inis niyadito sa nangyari kagabi, naawa tuloy siya dito. Kaya sinubukan niyang pagaanin ang loob nito.

Anong nangyari sayo? Daig mo pa ang napagtripan sa kanto ah. Dirediretsong pumasok ito at umupo sa sofa niya at nahiga. Malamang ay galing ito sa opisina nito dahil naka business suit ito.

Hindi ka na ba galit sa akin? Kung ano man yung nasabi ko sayo kagabi hindi ko dapat sinabi yun. Pasensiya ka na, masyado lang siguro akong maraming iniisip. Sorry. Mahinang sabi nito bigla nang papunta na siya sa kusina para magluto dahil nagutom siya. Napatigil siya at tumingin dito. Hindi niya matukoy kung talagang sincere ito sa sinasabi nito dahil nakapikit ito.


Huminga siya ng malalim. Kumain ka na?

Hindi pa, magluluto ka ba? Bigla ay dumilat ito at tumingin sakanya.

Tss.Oo magluluto ako ng kakainin KO lang. tumungo siya sa kusina at nag umpisang kumuha ng lulutuin niya. Lahat ng nandun ay na frozen ng husto kaya dinefroze niya muna ang manok na kinuha niya.

UyyyyFrancesca... sorry na. hindi niya namalayan na sumunod pala ito sakanya.

Magluluto ako kaya wag kang magulo. Dun ka na lang sa sala. Pagtataboy niya dito habang sinasalang niya ang kanin, nag umpisa na din siyang maghiwa ng mga rekado.

Tulungan na kita. Prisintanito. Gustong gusto niyang tanggapin ang offer nito pero hindi lang siya makakapagluto ng husto dahil isang malaking distraction ang kaguwapuhan nito sa gagawin niya. Kung tutuusin ay kanin lang talagaang kailangan niyang lutuin dahil ulam na ulam na ito.

Wag na. Dun ka na lang. Wag kang mag alala papakainin parin kita. Hindi siya tumingin dito at nagsimula na siyang maghiwa ng carrots. Chicken curry ang lulutuin niya.

Ahhmm..alam mo ba talagang magluto? Halos pabulong na tanong nito sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin dito at pinaningkitan niya ito ng tingin. Gusto mo bang ikaw ang lutuin ko?

Eto naman di na mabiro. Masyado ka namang beastmode, magmumukha kana naman tuloy si Maleficent niyan e. natatawang sabi nito. Pero hindi siya natutuwa, at mukhang naramdaman nito iyon at dahan dahan itong tumalikod.

Kung kailangan mo lang ng tulong andito ako. Sabi nito habang naglalakad pabalik sa sala niya. Narinig niyang inopen nito ang TV.

Nakahinga siya ng maluwang at pinagpatuloy ang ginagawa. Kasalukuyan na niyang niluluto ang chicken curry nang magulat siya dito.

Luto na? malakas ang pagkakatanong nito.

Nabitawan niya ang sandok na pinanghahalo niya. Ay lintik na gumamela!

Nagulat ba kita?Hindi pa ba obvious na nagulat siya?

Hindeee.. ulitin mo pa yun sa susunod ha. Ngiting aso ang binigay niya dito. Habang ito ay ngiting ngiti sa kanya.

Mukha ka kasing sasali sa cooking show e. Ang seryoso mo masyado. Baka magmukha kanang manok niyan. Lumapit ito sa kanya at tinignan ang niluluto niya. Parang ang sarap . Nagugutom na ako. Di pa ba maluluto yan?

MY SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon