Kabanata 2-Saan kaya ako pupunta

1.2K 11 0
                                    



"Kuya, sa'n ka pupunta?" tanong ng kalaro kong bata.

Ewan ko ba. Ang dami-daming bisikleta, motor at mga paa na dumadaan sa kalsadang 'to, ako pa ang tatanungin ng ginagawa ko.

"Dun sa malayo. Sama ka?" ngumiti ako syempre. Bata yun e.

Hindi sumagot.

"O sya sya, 'pag nagkaroon ako ng time, makikipaglaro ulit ako!"

Pumadyak na ako sa malayo.

"Dan, hoy! May jamming ang batch next week. Wag ka munang aalis a!"

"O sige!" Hindi ko na tinignan pa kung sino tumawag sakin. Obvious naman e.

Sanay na akong may nagtatanong kung saan ako papunta. Kadalasan sinasabi ko, "Wala lang". Minsan "Roundtrip lang".Minsan, "Wala kang pakialam, bye". Buti pa ang ibang tao gustong malaman ang pupuntahan ko, ako hindi ko pa naisip 'yon e.

Wait nga. Tanong ko lang: ano ba talagang gusto kong marating sa buhay? Siguro gusto kong magkaroon ng stable ng trabaho. O mag-educational tour muna sa lahat ng kurso sa college. O magkaroon ng pamilya na may maganda at mabait na asawa at mala-demonyong mga anak. Pero ang pinakamalapit siguro na sagot sa tanong ng buhay ko ay ito: ang gusto ko munang marating sa buhay ko ay ang lahat ng lugar na maisip kong puntahan. Sayang naman ang pagiging lakwatsero ko kung tutunganga lang ako sa bahay. Magko-computer. Magte-text. Travel-travel ba. Astig 'yon. Pangarap ko kasing maabot ang lahat ng sulok ng mundo. Kung meron.

--------

Isa sa mga nakakikilabot na tanong sa slam book ay What's your Ambition. Ang totoo nga nyan ay ito ang pinakahui kong sinasagutan. Ang hirap naman kasi e. Pero walang magawa. Kadalasan konsyensya na ang kalaban ko kapag sumulat na sa slam book ang lahat kong classmates tapos ako ayaw pa. For the sake of batch record daw. Kapag sasagutan ko na ang Ambition, ang isinusulat ko lang ay Bahala na. Basta maging happy lang ang buhay. Pangit naman kasi kung isusulat ko pa lahat ng profession na maisip ko at ang mga pambihirang pangarap ko, tulad ng pag-sky diving, at pagsulat ng mga aklat na pupuno ng isang library, at ipaglaban ang hustisya para sa mga naaping mamamayan. Ambisyoso kasi ako. Pero ningas-kugon.

Nung first year high school ako, nag-research ako ng buhay ni Charles Babbage. Siya ang imbentor ng Analytic Engine, isang mahalagang tuklas sa kasaysayan ng computers. Nai-imagine ko nga itsura nyon e. Parang komplikadong DNA na gawa sa bakal tsaka mataas. Bilib na bilib ako sa kanya. Pero sa katapusan ng research ko, nabasa ko na Because his attention was diverted to other studies, Babbage discontinued the development of the Analytic Engine, and his invention was never finished. Last sentence na 'yon. Pambihira. Ano kayang nangyari kung ipinagpatuloy nya ang computer technology na sinimulan nya?


Ningas-kugon kasi.Parang ako.

  --------  

Bale mag-iisang oras na siguro ako ng kaba-bike. Wala kasi akong dalag cellphone pag-alis e. Nakalimutan ko. Di ko tuloy sigurado ang oras.

Sabi raw nila, kapag nakalimot ka raw ng phone, ibig sabihin wala kang ka-text. Natawa ako nung marinig ko 'yun. Totoo naman kasi pero sakin, konti lang. Sa dami kasi ng nagte-text ng gud morning at quotes at sayings, ayoko ko nang buksan ang inbox ko. Ayoko naming mag-reply kasi parang istorbo lang. Sayang nga load e. Sayang ang prepaid. Sayang ang pera.

Paano kung may kabit si AdanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon