Kaba na ata 9-Ang bespren ko at ang Lady in Pink

303 7 0
                                    



"Ano nga ulit? Dalandan? Hala ka Dude! Baka kulang ka sa Vitamin C."

"Araw-araw na kaya akong umiinom ng multivitamins. Baka ikaw ang nangangailangan ng Vitamin C. Vitamin Sipa!"

"O easy lang...tsaka ano nga ulit? Adan? Ikaw daw si Adan? Haha. Pumasa ka na ba sa World History?"

"Lam mo, ang labo mo! Walang Adan sa World History. Nasa Bibliya iyon. Yung unang tao. Unang Tao, Brad."

"So ano pala ikaw, Unang Tao? Ang akala mo sakin unggoy pa? Haha!"

Naiinis na ako. "Unggoy? Akala ko Giraffe ka! Haha."

"Haha. Baliw. So anong plano mo?"

"May sayad ka ba? Nakakita ka na ba ng nagplano dahil sa panaginip?"

"Tse. Tinutulungan na nga kita, ako pang inaasar mo."

"Hehe. O sige. Sorry na. Share lang naman 'yon eh. Sige bye, paalis na rin kami eh."

Binaba ko na ang phone.

Iyon ang bestfriend ko. Si Brad. Babae 'yon. Emo. Britney and tunay niyang pangalan, pero hindi siya kasing alindog ni Britney Spears. Emo nga kasi siya. Ang emo version ni Avril Lavigne. Maganda sana siya, sexy, pero tadtad ng accessories. Exaggerated ang porma. Tapos palaging natatakpan ng bangs ang kalahati ng mukha niya. Emo nga kasi.

Nakilala ko kasi siya one time habang nakaupo ako sa may park malapit sa university. Lumapit siya at bumulong, "Pakihawak. Suicidal note ko yan. May address diyan. Sabihin mo sa tiyuhin ko, nagpatiwakal na 'ko. Bye."

Huh? Ano raw?

"Suicide? Nahihibang ka na ba? Ba't ka pa magpapakamatay na may note na iwan? Gusto mo bang sumikat dahil dito? Ang dami-daming kawawang mamamayan na may taning ang buhay, tapos ikaw, itatapon mo lang ang buhay mo? May AIDS ka ba?"

"Wala! Akin na yan. Pinapahawak ko lang sayo, sinusumbatan mo na ako."

"Ah hindi!" Pinilas ko ang papel hanggang magpira-piraso.

"Sira ka shit!" Sinuntok niya ako. Sa ilong. Dumugo agad.

"Tignan mo na ginawa mo! Inistorbo mo na nga ako, sinapak mo pa ako. Tignan mo kung anong ginawa mo! Me' dugo na! Ipinaglaban ko na nga buhay mo, ikaw pa 'tong may ayaw."

"Ba't mo naman ako ipaglalaban. Abogado ka ba?"

Pinakita ko ID ko. Abogado, Donald A.

"Hindi lang Abogado apelyido ko," tumindig ako nang maayos. "I am a law student, too."


Sa madaling salita, napakalma ko siya. Niyaya ko siyang kumain sa restaurant pero ayaw niya. Karenderia ang trip niya. Matagal rin kaming nagkwentuhan at madali kaming naging malapit sa isa't isa. Dumaan ang mga buwan na parati kaming magkasama. Doon lang naming na-realize...mag-bestfriend na pala kami. Brad sana ang gsto naming tawagan, sunod sa nickname niya. Pero ayaw eh. Dude raw kasi malapit sa Donald. Ayoko rin naman kasi ng Dude kasi tunog slang at pangtomboy na tawag yon. Pero iyon na ang tinawag niya sakin at Brad naman ang tinawag ko sa kanya. Barkadang tunay.



Nasa kotse na kami papunta sa Baclaran. Doon talaga kami nagsisimba.

Paano kung may kabit si AdanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon