Kabanata 1-Biking is my #1 sign of vacation

2.3K 20 0
                                    



Kapag nag-iisip ako ng ideyang heart broken, naaalala ko ang pahayag na, "The best way to heal the heart that has been broken is to kill the one who has made it happen." Malupit yon. Minsan nga natatakot akong isipin na buhay ang kapalit ng pusong nasaktan. Ng sawing pag-ibig. Ang corny kung iisipin. Pero sa dahilang hindi isang simpleng tao ang nagpahayag niyon, aba, napamangha ako...at napaisip...nang malalim, dahil ang nagsabi niyon ay si Adulf Hitler.

Pambihira. Bakit ko ba iniisip ang mga ganoong bagay? Una, wala akong pag-ibig. Syempre meron akong pag-ibig sa sarili, sa pamilya...sa Diyos. Pero yung pag-ibig na kinasasabikan ng mga kapwa ko teenager, malabo. Ikalawa, sa tingin ko, hindi pa yon mahalaga. At huli, hindi ko naiintindihan ang broken heartedness. Ewan. Manhid ba tawag don? Ewan. Wala akong balak alamin.


Ngayon, ang gusto ko lang ay mag-aral, isubsob ang pagmumukha ko sa pagkalikot ng mga bagay-bagay, at mag-enjoy sa buhay bilang isang robot. Robot na engot.



Sa lahat ng umagang ginawa ng Diyos, ito na siguro ang pinakamaaliwalas. Hobby ko kasing maglakwatsa. Lakbay-aral ba. May dala lang akong konting pera kung sakaling bumili ako ng band-aid imbis na biskwit. Sakay ako ng bisikletang pinag-ipunan ko ng pasensya magkaroon lang ako ng isa. Kahit na malikot ang mga paa ko, hindi ko naman nakakalimutan magpaalam sa bahay. Buong pamilya ko bising-busy sa kung anu-anong bagay pero nandyan pa rin ang paggalang ko sa pamamagitan ng pag-iwan ng note sa sala: Aalis po muna ako. Magba-bike. Hindi na po ako kakain dito, may dala po akong pera. Uuwi lang po akong maaga, hindi na po ako magdadala ng duplicate. Salamat.—Dan.

O diba, magalang.

Hehe. Hindi naman talaga ako kasing bait ng mga pusa sa bahay, na himasin mo lang iikot na ang buhay nila sayo. Malambing yon. Hindi ako yon.

Hindi rin naman ako kasing bangis ng mga tigre, na himasin mo lang, ikaw na ang iikot sa mga pangil nila. Sabi ng kaibigan ko, mapapaamo mo raw ang hayop kapag napindot moa ng ilong ng hayop na yon. At ang kaibigan kong yon, andun ngayon sa ospital, scheduled na magpapaturok ng ika-13 na injection sa anti-rabies. Pindutin ba naman ang ilong ng pitbull. Well, hindi ako tulad ng tigre. Suplado yon. Hindi ako yon.

Eh ano lang ako?


Naaalala ko na natutulala ako kapag pinapanood ko sa pelikula ang isang tamad na pusa na paboritong-paborito ang pagkain ng lasagna. Nakakainggit kaya. Gusting-gusto ko itsura nya kapag nanlalambing pero suplado sa totoo. Kahit sa mga daga wala syang pakialam. Siguro yun nga ako, si Garfield. Hehe.



Katatapos ko pa lang mag-almusal. Di ko feel kumain ng marami ngayon eh. Tostadong pandesal, sinangag na may maraming bawang at sibuyas—gustong-gusto ko talaga yon—kapeng matapang na may creamer at konting-konti na asukal, ininit na dinuguan, isang hiwa ng papayas, pritong itlog na binati sa toyo, tatlong kamatis, at pritong karne. Ewan, saksakan talaga ako ng takaw kapag may sumpong. Kapag may sumpong. Kadalasan kasi mga konting subo lang ng kanin at ulam, pagod na akong ngumuya. E di ayun, matatapos na ang meal time na magigising ako dahil nakatulala na pala ako sa malayo. May bintana kasi sa likod ko.

Kung medyo may topak sa routine ko, kukunin ko lang sa kusina at sa ref ang mga pagkaing makikita ko. Hawak ang malaking mangkok, ilalagay ko lahat ng rekadong may iba't ibang lasa. May kanin na, may dalawang putahe na, may dagdag pang toyo, konting suka at asin, mga kamatis at subuyas, mayonnaise, dinurog nan biskwit, sabaw ng nilagang karne o isda, at katamtamang ketchup para may kulay. Hahaluin ko ang mga iyon, at plak! Isa nang kaning-baboy. Naaartehan kaya ako ng kahit mag-isa ka na lang sa bahay, e parang pinapanood ka pa ng sambayanan kumain. Pang-mayumi yon, ayaw ko nyon. Kaya kapag nahalo ko na ang mga pagkain sa serving bowl, pupunta na ako sa sala, bubuksan ang T.V., uupo sa sahig nang nakasanday sa sofa, at isi-share ang konting pagkain sa maiingay na pusa na bantay-sarado sa mga kilos ko.


Nang naikwento ko sa iba, aba, nangasim ang mga mukha. Bastos raw, tsaka walang manners. Ang sagot ko naman e, parehas lang naman na ngunguyain ng mga ngipin ko at ida-digest ng tiyan ko: bakit ko pa kailangang paghiwa-hiwalayin sa plato ang pagkaing magiging isa sa tiyan ko? tsaka mag-isa lang naman ako. Wala pa naming nakakita ng karumal-dumal na bagay na yon sa paraan ko ng pagkain. Sa katunayan, njapakapihikan ng pamilya ko sa table etiquette. Kung anu-anong klaseng disiplina ang itinuturo sa hapag-kainan. Isang beses nga ipinahiya ako ng tiya ko dahil tumatama ang utensils sa ngipin ko kada subo. Tension kasi kami masyadong maga bata.Hindi pwedeng magharutan habang kumakain. Matanda lang ang pwedng magsalita. Kapag tinanong kami saka lang kami sasagot. Sa pinakamagalang na paraan.



"O aalis na ako! Dyan na muna kayo!" SAbi ko yon sa mga pusa sa bahay. Syempre hindi mawawala ang ming-ming...meow...meow para ma-encourage ang mag iyon na sumagot sa pangalan ko. Expected ko na, na madiikitan ang mga damit ko ng mga balahibo nila. Di na bale. At least nai-imagine ko na love rin nila ako.

Lumabas na ako ng bahay. Hindi ko alam kung may naiwan pang tao sa loob. Bahala na.

Sumakay ako sa bike na magtatatlong taon na sakin. May trauma kasi ako noon sa pag-bike. Nung grade 5 kasi ako, nag-try agad akong mag-bike sa school namin. Hinirsm ko lsng sng mountsin bike na ginamit ko. Nung unang padyak, ok na ok, sikat nga e kasi mountain bike pa gamit ko. Yung iba kasi scooter, roller skates at skateboard. Nung dumaan na ako sa may mga mag-aaral, nahilo na ko. Nate-tense kasi ako nang may tumatakbo. Sa hindi sinasadyang pagdaan ko, may tumakbong batang babae at nabangga ko sya. Grabe, malutong ang tama, parang sinadya. E di ayun, natakot na ako. Sa katangahan ko naman ay pinabayaan ko lang ang bata sa kalsada. Bumangon sya, oo, pero halatang napuruhan. Paglagpas ko, nandun pala ang adviser ko, nakatingin sa pangyayari. E di mas natakot pa ako. Patay-malisya pero trauma ang kapalit. Hit and run yon. Buti hindi namatay.

Lumipas ang mga taon. Nakarecover na ako sa bangungot ng kahapon. Ito ako ngayon, adik sa pagbibisikleta. Wala nang takot sa buhay kalsada. Wala nang takot madisgrasya.


please vote tenk u =)  

Paano kung may kabit si AdanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon