Kaba na talaga 11- Intro to the other Dan

266 7 0
                                    


Ano kayang magandang gawin? Hindi pa naman ako inaantok.

Pagdukot ko sa bulsa ng pantalon ko, naroon pala 'yung sulat.

Ano na naman kayang kakornihan ito?  Binuklat ko 'yung sulat. Sulat-kamay.

Pwede namang itext o i-call, o bisitahin na lang si Selene. Ba't telegrama pa? Akala ko business letter na lang ang nag-eexist sa mundo. Meron pa palang ganito.

Nagsimula akong magbasa:


Happy birthday.

Masayang-masaya ka alam ko.

Kahit wala ako.

Sorry kasi wala akong regalo para sayo. Sulat lang.

Sigurado ako na marami kang natanggap na regalo galing sa mga kaibigan mo at sa pamilya mo. Baka pinuntahan ka na rin ng mga sumusuyo sayo.

Mahal kita Selene.

Kahit na malayo na ako, hindi kita kalilimutan. Next week doon na ako sa Roma mag-aaral. Ito na talaga. Tuloy na tuloy na ako sa pangarap ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal roon. Baka hindi na rin kita masulatan.

Malay mo balang araw, pagbalik ko ako na ang magkakasal sayo, magbi-blessing ng bahay niyo. At magbibinyag sa mga anak mo.

Salamat dahil tinuruan mo akong magmahal nang tapat at may tiwala.

Salamat dahil ipinakilala ka ng Diyos sakin.

Lagi mong tatandaan na isa ka sa mga inspirasyon ko kung bakit patuloy ako sa pagsagot sa bokasyon na binigay sakin ng Diyos.

Lagi kitang ipinagdarasal.

Mag-iingat ka palagi.

Love,

Dan



Dan.

Dan?

Huminga ako nang malalim. Dan nga. Kaparehas ng pangalan ko—ng palayaw ko pala.

Sino si Dan? At bakit ganoon siya magsalita. Napakapormal. Napakagalang. Napakabait. Balang araw pagbalik ko ako na ang magkakasal sayo, magbi-blessing ng bahay niyo. At magbibinyag sa mga anak mo.

Pari ba siya? Ah hindi. Tuloy na tuloy na ako sa pangarap ko. Eh di magpapari siya.

Magpapari?

Meron bang nagpapari na nagmamahal pa sa babae?

Kay Selene pa.

'Di ko alam kung mai-inspire ako o hindi. Pero kung sino man 'yung Dan na iyon, okay siya. Nakakabilib ang pag-ibig niya dahil kaya niyang isakripisyo ang pagmamahal niya kay Selene para ialay ang pagmamahal niya sa Diyos.

Pambihira. Nabasa na ba 'to ni Selene? Lagot na. Baka hinahanap na niya ito.

Tinext ko agad si Selene. "Selene, gising ka pa ba? May nakita akong sulat sa azotea niyo. Kinuha ko kasi umaambon. Hindi ko naman namalayan na nadala ko na pala. Sorry, ibabalik ko naman sayo ito kaagad." Send.

Paano kung may kabit si AdanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon