Kaba na talaga 10- 18th Rose

264 7 0
                                    


May konting program, tapos may nag-aanounce na ng dance with the 18 roses.

Ang corny naman ng ganito. Ba't may paisa-isang sayaw pa?

Sinayaw na ng first rose si Selene. Sumunod ang second rose, third rose, fourth, fifth...16th at 17th rose.

"Nasan na 'yung pang 18? Dali matatapos na 'yung 17." May bading na nagsasalita sa likod. Natataranta na yata.

"Umalis na raw po. May LBM," sabi ng kausap niya.

"LBM? Ano by an. Wala ba siyang diaper?" galit na. "Humanap kayo ng papalit, bilis!"

Ang eengot naman. Mag-oorganize ng ganito tapos magka-cramming sa huli.

Nasan na si mama? Hinanap ko siya sa likod. O, ba't kausap si mama?

Sumenyas siya na lumapit ako. "Po?"

"Isayaw mo 'yung may debut. Absent kasi 'yung 18th rose. Kaya mo 'yan."

Nagulat ako. "Ano po ma? Ako? Eh wala naman 'to sa usapan ah. Tsaka wala naming pink sa damit ko. Blue 'to. Blue! Kolorum!"

"Eto na. Go." Nilagyan nung bakla ang chest pocket ko ng pink na panyo tapos inabutan ako ng pink na rosas. Bago pa ako nakasagot, tinulak na niya ako papunta sa gitna. Buti hindi ako nadapa.

Huminga ako nang malalim. Nakatingin na sakin si Selene. Gulat na gulat. Pasimple akong naglakad papunta sa kanya. Naka-ngiting aso.

Alam ko na 'to. Ito 'yung naramdaman ko habang patungo ako sa prutas sa panaginip ko. Matitiis ko bang hindi lumapit? Ang bugtong: kakagat ba ako?

Pagbitaw ng 17th rose, inabot ko na ang huling rosas sa kamay niya. Wala akong maisip. Kinuha na ng kaliwang kamay ko ang kanang kamay niya at sinabit na ang kaliwang kamay niya sa kanang balikat ko habang hawak ang 18 roses. Hinawakan naman ng kanang kamay ko ang baywang niya.

"Ba't parang nakakita ka ng multo," sabi ko. "Happy 18th birthday Selene."

"Bakit nandito ka, Dan?"

"Ewan ko nga eh. Sinama lang ako ng mga maglang ko. Teka nga, diba sabi mo noong isang araw 18 ka na?"

"Anong isang araw. Kahapon lang iyon. Parehas lang naman kahit sabihin ko pang 17." Natawa siya.

"Ba't di mo sinabing birthday mo? E di sana nakabili ako ng regalo."

"Hehe. Regalo na 'tong presence mo. Parehas tayong na-surprise. Hoy tinext kaya kita kanina. Nabasa mo?"

"O? Nagtext ka? Wait." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Ngayon pa lang ako nagbukas ng inbox simula noong tinwagan ko si Brad. Nadoon 'yung text niya: Dan, birthday ko ngayon. "Haha. Parang kang bata magtext."

"Okay lang," ngumiti siya. "Bagay sayo blue long-sleeves mo. Cute ka. Pero mas cute kung dala mo bimpo mo."

"Haha. Cute dahil mukhang constantino." Hindi ako makatingin nang maayos. "Nasa sampayan na bimpo ko. Ang hirap pala alising ng uhog mo 'don."

Tawa siya nang tawa. "Sisihin mo 'yung pawis mo. Hinaluan mo pa ng cheese at chocolate."


Parehas na kaming tumatawa. Pagtingin ko sa gawing kanan nakangiti si mama. Sa tabi niya, ayun, parang estatwa si papa. Naka-crossed arms. Galit kaya siya?


Nang makabwelo, lumayu-layo kami ni Selene. Dinala niya ako sa isang azotea. Wala lang. Kwentuhan. Tawanan. At may konting snacks din. Flavored cheese at chocolate.

Maya-maya mayroong tumawag. "Selene...Selene..."

"Po? Kuya nandito lang po ako." Humarap siya sakin. "Wait lang ah. Si kuya iyon."

"Si—sige. Take your time." Umalis na siya.

Tapos may pamilyar akong narinig na tumatawag. " Dan, anak, Dan, aalis na tayo." Si mama.

"Opo. Nandyan na."

Inaayos ko na mga inupuan naming ni Selene, tapos may nakita akong isang sulat sa lamesa. "Ano 'to?" Selene ang nakasulat. Pababayaan ko na sana pero biglang umambon. Eh di kinuha ko. Ibibigay ko na lang kay Selene pagbaba ko. Pero wala si Selene sa receiving area. Tsk. Baka hanapin niya ito.

"Tara na Dan," si papa na ang tumawag. Wala na akong magagawa.

Dadalhin ko muna 'to. Siguradong greetings lang naman 'to eh. Itetext ko na lang si Selene ara hindi siya maghanap.

Nang makasakay kami sa kotse, tinanong agad ako ni mama. "Dan, anak...galit ka ba?" Naku kung alam lang ni mama na overjoyed ako sa nangyayari, malamang ganito ang tanong ni mama: Anak, hindi ka ba titigil ng kangingisi diyan?

"Ako, ma? Hindi po," mabilis kong sagot.

"Kilala mo ba iyon anak?" si papa naman ang nagtanong. Parang masungit.

"Ako, pa? Ah...oo po. Kilala ko siya. Si Selene 'yon. Kakikilala ko pa lang—kahapon po."

"Close mo na agad?" imbistigador talaga si papa.

"Ewan. Nakakahiya naman po kung hindi ko siya kakausapin—at patatawanin. Birthday niya diba? She deserves to be happy." Pambihira.

"Tama nga naman si Dan, Geraldo," sabat ni mama. "Give him chance to befriend her. Binata na iyang anak mo. At college na. tanungin mo nga kung may nililigawan na?"

"Ma naman. Diba mag-aaral muna ako? Walang ganyan-ganyan."

"Tama iyan anak. Tapusin mo muna pag-aaral mo. Mahirap ang buhay kung walang pinagtapusan," malumanay na sagot ni papa.

Simula pagkabata ko, meron na talagang higpit na pinaparamdam si papa sakin. 'Kala mo dalagang dapat itago sa cabinet. Pero ang iba lang, eh pinapayagan akong magbarkada, maglakwatsa, pati siguro ang magbisyo kahit wala naman akong bisyo. Ang gusto kasi ni papa straight forward ako sa mga goals sa buhay. Ayaw ng may conflict. Ayaw ng napapalya. Siguro iyon na rin ang malaking ugali na namana ko kay papa, kaya ito, aral muna. Gusto ko naman eh. Tama na ring pinagsisikapan kong mabuti ang kinabukasan ko at ng magiging pamilya ko. Tsaka hindi ko naman sila masisisi. Solong anak ako. Hindi naman ako nagde-demand ng kapatid eh.


please vote tenk u =)  

Paano kung may kabit si AdanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon