Kabanata 4-Ngayon pa ko naging corny

518 7 0
                                    



                "Lam mo ba gusto ko rin mapag-isa pag malungkot ako. Kung hindi sa sarili kong kwarto, andun ako sa malayong-malayo, namamasyal, nagmumuni-muni. Minsan nakaupo lang sa gilid, pero madalas sakay ako ng bike ko para mapagod isip ko," medyo naging seryoso na ko, "Pero noon yon, nung bata pa ko." Pambihira. Ginagawa kopa rin naman ang mga bagay na yon a."Ngayon, sa dami kong natutunan sa buhay, natututo rin akong humanap ng kasama kung nagmumuni-muni ako. Wala namang problema e. Tsaka iba kasi yung nararamdaman ko kapag nagsi-share ako ng kwento ng buhay ko sa iba. Parang light ba. Para light  lang ang buhay."

Habang sinasabi ko yon, may naalala ako: inuman. Sa inuman kasi ako natutong maglabas ng sama ng loob at maging carefree sa mga sasabihin ko. Hindi naman ako adik sa alak. Wala lang. taken for granted ko na kasi yung experience na iinom ako at may nalalasing. Ang totoo nyan, wala akong hilig sa pag-inom. Hindi ko naman kasi nakikita ang kahalagahan ng kalasingan. Ni hindi ko nai-imagine ang sarili ko na magiging lasenggo ako tulad ng magiting kong ama. Pero sa inuman, iba ang tingin sakin ng mga kasama ko. Lasenggo raw. Pano ba naman alak lang talaga ang iniinom ko. Walang juice na pang-alis samid sa lalamunan. Walang tubig para hindi masuka. Ang pakiramdam ko kasi mali yon e. Sa America wala naman nyon. Dito lang siguro sa Pilipinas. Dito lang siguro sa mga barkada ko.

Hindi sumagot. Pipi ba to?

Sa ilang sandali tumahimik ako, nagbabaka-sakaling magsalita sya.

"Pwedeng magtanong?" sabi ni Miss Yoga.

Nagulat ako nang magsalita sya. Ok naman. Pero napakaganda ng boses nya.

"Shh...wag mo muna akong istorbohin. Nagme-meditate ako. Hmmm..." Ano na naman ba tong sinagot ko? Matagal na akong graduate ng Reverse Psychology. Nakakasawa na. Pero kung saguting ko sya, parang ibinabalik ko pa sa kanya yung feeling ko kanina. Revenge Psychology ba yon? Ewan.

Tahimik na naman sya. Parang nirespeto nya ang sagot ko.

"O sya. Sige, anong tanong mo?"

Tumingin sya sa mga mat ko. Parang na-ground ang bukong-bukong ko.

"Na-in love ka na ba?"

Pambihira. Tanong na naman ng buhay. E hindi naman to ang ini-expect ko e. Kung hindi nya gustong tanungin ako sa mga pakay nya, malamang tatanungin nya ako ng background ko. Ng pangalan ko.

Tsaka...ewn. In love? Joke ba yon? Pantaboy lang ba sakin? Pano nya nalaman na allergic ako sa ganyang tanong? Ang hirap-hirap.

"Ahh...in love? Hehe, in love ba kamo? Yung in love na may pagmamahal?  Yung may affection?" engot talaga ako since birth. Pagbigyan na lang.

"Oo." Nakangiti sya.

"Oo? Oo ba kamo? Bakit ka nag-oo?"Engot. Nang marinig ko ang oo nya, parang sinagot na nya ako. Feeling lang. Feeling maglaho sa kahihiyan.

"Ano ba, sasagot ka ba nang maayos?" parang nakulitan na sakin e. "Na-in love ka na ba?"

Sa wakas natauhan ako. "Hindi pa. Bakit?"

"Wala ka bang puso?"

"E di ba ang function ng puso is to pump the blood? Tsaka wala pa yan sa isip ko e."

Paano kung may kabit si AdanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon