Kaba na ata 7-Ano bang meron at wala sa Garden of Eden

319 7 0
                                    


Tinext niya ako. Tinext niya ako!

Bigla akong napangisi. Masaya ba ako?

Ngayon ko lang naramdaman ang bagay na to: na napaka-corny pala ng pinantawag ko sa kanya. Ms Yoga. Sa sobrang corny eh nasipa ko ang unan sa tabi ko. Parang gusto kong mag-suicide. Parang gusto ko munang maglaho.

Pambihira. Ampanget ng Ms Yoga. Sagad sa ka-kornihan. Dapat ko tong pagsisihan.

Kaya yun, nireply ko: Oy ms yoga. Hehe. Buti nakaisip kang magtext. Nga pala, wag na ms yoga. Hindi bagay sayo. Hehe. Yung pangalan mo na lang. Yung tunay.—send.

Lubos kong pinagpapasalamat na may nagtext pa sakin ng love sayings. At least alam ko na may katumbas ang ka-kornihan ko.

Inopen ko yung message na hindi ko tinapos basahin kanina. You will know that you're in love when—titiisin ko na lang to—when you feel your words are not anymore yours and you feel that those words and feeling are in contradiction. Matatawa ka na lang na over-expressed na ang mga sinasabi mo at maiilang ka na lang sa mga corny statements mo. Gud nyt. J


Parang kumidlat. Naka-drugs ba 'ko?



­

Five minutes bago naka-reply si Ms Yo—ewan.

SLR. I'm Selene. J

Ha? SLR? Ano yun? Southland railway? San Lorenzo Ruiz? Single Lens Reflex? Selene pala pangalan niya. Nakakabighani.

Ah. Selene pala. Ang ganda naman ng pangalan mo. Ano yung SLR?—message sent. Bitay na kung bitay.

Sorry late reply.

Ah...yun lang naman pala. Okay lang.—ang totoo hindi. Nasuntok ko pa ang unan ko dahil sa pagiging ignorante ko. Hindi naman ako texter eh. Kahit alam kong maraming vocabulary, acronym at abbreviation na naiimbento sa text, wala akong pakialam. Ngayon lang naman ako nakakita ng SLR nay un. Nakaka-turn-off.

Sa ilang sandali nakatulala lang ako sa screen. Tapos may nagtext.

Dan.

O bakit?

Matutulog ka na ba? O baka may katext ka.

Nagtext agad ako—Hindi pa. Wala akong katext. Ikaw lang.

Ako rin wala.

Pambihira. Parang nakikiliti ako. Hindi sa kilig kundi sa awkward feeling. Hindi naman ako nagtetext ng ganitong mga messages. Business-minded kaya ako. Kaya sinisigurado kong may sense at tanging importante lang ang ita-type ko sa qwerty.

May sense naman ah. At imortante pa. Hindi ko alam kung sino kina masama at mabuti ang bumulong sakin nito. Letse. Bugtong.

Selene.

Poh?

Iniimagine ko na tawagin ka sa pangalan mo nang personal. Hehehehe.

Ano ka ba naman Dan. Ang hina ng kukote mo. Wag ka mag-imagine.

Ah...malayo ba bahay niyo?—tanong ko.

Paano kung may kabit si AdanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon