Kaba na ata 8-Ang dahilan ng palayaw kong Dan

301 7 0
                                    


Dan.

Hindi naman talaga Dan ang pangalan ko. Palayaw lang yon.

Ang tunay ko talagang pangalan ay Donald... Donald Abogado. Donald, kasi pinagsamang pangalan ni mama at ni papa. Dona + Geraldo. Pero sa eskwelahan, inaasar akong McDonald. Obvious naman eh. Ang pangit nga naman na pinangalanan ko sunod sa pinakapopular na fast food restaurant, na may clown na trademark. Buti na lang nauso ang pagtawag sakin ng Dan. Nagbago ang kwelang impression ng mga nakakakilala sakin.

Ba't nga naman Dan? Pwede naming Don...o Nald.

Nagsimula kasi iyon noong bata pa ako. Yung ninong ko palaging bumibisita sakin. Sa kung anong dahilan, alam ko na para makipaglaro sakin. Sa kanya ako natutong makihalibilo sa tao. Wala naman kasi akong kapatid eh. Kapag nasa bahay siya, tinuturuan niya akong magpaandar ng mga laruang tren at helicopter. Kapag pasko, binibilhan niya ako ng mga pambihirang laruan at pagkain. Parang tatay ko na rin iyon. Siya lang siguro ang ninong na hindi nagbibigay ng aguinaldo dahil alam niya na nararamdaman ko naman na sobra-sobra ang binibigay niya sakin. Siya rin kasi ang nagturo sakin kung paano magdasal. Isa siyang mabuting katoliko.

Dahil sa kawilihan niya sakin, tinawag niya akong Adan. Adan, yung unang tao sa Bibliya. Ang asawa ni Eva.

Sabi niya, total unico hijo ako, dapat Adan ang ipalayaw sakin. Dan na rin ang ipinantawag niya habang lumalaki ako. Yun nga lang, pumanaw na siya pitong taon na ang nakararaan.

Akala ko noon, maglalaho na ang ipinalayaw niya sakin. Hindi pa pala. Noon kasi, usong-uso sa elementary ang kung anu-anong mga pagkain. Meron sweet corn, may manggang babad sa bagoong, may banana cue at turon, cotton candy, scramble, at masasarap na street food. Pampalusog ng atay. Kaya nga hindi nawawalan ng may hepa sa eskwelahan.

Lahay siguro ng pwedeng bilhin sa tabi-tabi, meron talaga akong iniiwasan na pagkain. At iyon ay ang dalandan.

Ewan. Hindi masarap eh. Orange ang gusto ko. Ang problema sa dalandan na yan, eh mabentang-mabenta. Kapag naamoy ko ang dalandan na nilalasap ng seatmate ko, nanunuyo ang lalamunan ko. Parang gusto kong manapak nang di oras.

Naaasar pa ko kaag nagduduraan ng mga buto ng dalandan. Parang pellet sa sakit. Tapos kapag naubos na ang mga buto, yung balat naman ang pinagdidiskitahan. Pinipisil nila ang balat ng dalandan sa may mata. Ang hapdi kaya non! One time nga merong nanadya na pisilin ang balat ng dalandan sa mata ko habang nagsusulat ako.

"Ay sori, di ko sinasadya. Masakit ba?" Tumatawa pa tong classmate kong babae.

"Arrrgh! Bulag ka ba!? Ansakit!" Gusto niya siguro akong bulagin.

Parang nagsisi siya, kay humingi ng tulong sa iba. Ilang minute pa, bumalik na siya. "Eto, eto, eye dropper!" Pinapwesto nya ako para mapatakan ang humahapdi kong mata.

Bumwelo na siya pagpatak, nang dumating ang siga ng classroom. Isang bakla. "Ano yan?" sabay pisil ng balat ng dalandan sa nakabukas kong mata.

At ang resulta? Nang dahil sa katangahan niya, nilusob siya ng tropa ko, gamit ang mga balat ng dalandan. Giyera.

Ako naman, kahit halos lumuha na ang mata ko sa sakit, hindi ko pa ring mapigilang tumawa. Habang tinitignan ko sila, feeling ko commander ako. "Hawakan niyo ang paa, bilis! Yung kamay kumakapit sa doorknob, alisin niyo!" Sabi ko sa babaeng nagpatak ng eyedrops sakin, "Eto, kinse. Bumili ka pa ng dalandan. Siguraduhin niyong hindi tayo mauubusan ng armas." Tinanggap niya yung pera. "Masusunod po."

Akala ko noon, fulfilled na ang resbak ng tropa ko. Mali pala.

Pag-uwi ko ng bahay, hindi ko napansin na medyo bumigat ang bag ko. Pagbukas ko, puro na pala balat ng dalandan at ang sakit sa ilong ng amoy. Isang taong gulang pa lang noon si Crispin. Nang umingay na sa bahay dahil sa sumbong ko na pinagtripan ang bag ko, puro dalandan at dalandan at dalandan ang naririnig ko. "Bakit ba kasi naglalaro ng dalandan? Baka sarili mong kalat ang mga dalandan na yan." "Bumili ka na sana dapat ng dalandan para may prutas tayo." Pambihira. Dalandanin ko kayo diyan eh!

Paano kung may kabit si AdanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon