PROLOGUE- Nasa Prutas lang ba ang sarap?

3.3K 49 0
                                    


Gaano kaya kaganda si Eva? Siguro napakaganda niya na hindi na titingin sa iba ang natatangi niyang asawa na si Adan. Yung tipong si Eva na ang kanyang apple of the eyes.

Pero noong sinauna pang panahon iyon. Marami ng mga nakatatakam na mansanas na pwedeng pagpilian.

Paano kaya kung si Adan at si Eva ay muling ipinanganak sa kasalukuyan?

Paano kung makalimutan ni Adan ang pinakatatangi sa kanyang puso--at siya'y ma-inlove sa ibang babae. Ang masaklap pa ay kung hindi lang isa ang naging kabit niya kundi marami pang iba.

Ano kaya ang mararamdaman ni Eva? Magpapakamartir ba siya o lalaban para sa pagmamahal ni Adan?

Ewan. Bahala sila. Dapat nating isipin ngayon na ang bokasyon na tinawag ng Panginoon sa kanila ay ang bokasyon ng pag-aasawa. Hindi makakarelate ang mga single-blessed at consecrated na mga indibidwal.

Sa puntong ito ating baguhin ang mga karakter, nang umangkop sa sitwasyon:

Ikaw  si Adan.

Si Eva naman ang natatanging bokasyon na tinawag ng Diyos sa iyo. Sabihin na lang nating pagpapari (dahil ako naman ay nagpapari rin).

At sino naman ang mga kabit ni Adan? Sila ang mga elemento na maaaring maging sagabal para si Adan ay maging matapat sa kanyang Eva. Maaaring sila ay mga personal na babae, o pamilya, o career, o mga ambisyon, o ang panahon mismo. Maaaring sila'y maging kagustuhan rin ni Adan (dahil wala namang nagiging kabit na hindi kaakit-akit) ngunit sila'y mananatiling pansamantala, hindi nararapat at hindi orihinal. Si Eva ang bokasyon ni Adan at walang dapat pumalit sa kanya--dahil mismong Diyos ang nagbigay ng Eva kay Adan. Hindi si Adan ang unang pumili kay Eva, at hindi rin si Eva nag unang pumili kay Adan. Walang iba kundi ang Diyos ang unang nagpili para sila ay magkatuluyan sa bandang huli.


Ngunit babalik tayo sa kasalukuyang sitwasyon..kung saan hindi kasiguraduhan ang meant-to-be--- at malimit ang linyang meant-to-break-my-heart.

Mananatili pa rin ang nangungunang katanungan:

Paano nga ba kung nagkaroon ng mga kabit si Adan?


please vote tenk u =)

Paano kung may kabit si AdanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon