(BASED ON A TRUE STORY)
BY: PRECIOUSNICKS
COPYRIGHT ©2013 preciousnicks. All rights reserved. Don’t copy it without the writer’s consent. Plagiarized is a crime. Property of PRECIOUSNICKS. God Bless !
SILOG (PROLOGUE):
Naranasan mo na bang umibig? Umibig sa iyong best friend. Naranasan mo na bang umibig? Umibig sa isang taong alam mong kahit kailan hinding-hindi siya mapapasayo. Naranasan mo na bang umibig? Umibig sa isang taong hanggang kaibigan lang ang turing sa iyo. At naranasan mo na bang umibig? Umibig sa girlfriend ng kapatid mo.
Marahil base sa inyong mga nabasa’y alam niyo na ang kahihinatnan ng kuwento. At alam kong ang iba sa inyo ay relate na relate sa kuwento. Siguro dahil ang iba sa inyo’y naranasan na ang mga nabanggit ko kanina. Kung naranasan nyo na yan, pwes, naranasan ko na rin yan.
Ako nga pala si Nicko, 19 years old, 2nd year college student na ako mula sa secret university. Bakit secret? Siyempre baka puntahan nyo pa ako eh. Mahumaling pa kayo sa kagwapuhan ko. J Hindi naman sa pagmamayabang pero ako ng nagsasabi sa inyo na napakagwapo ko at kung tutuusin ay mas gwapo pa ako sa kuya kong si Mico.
Si Mico ay 20 years old na, gwapo rin siya at hindi na nag-aaral. Graduate na kasi siya at nagtatrabaho na ngayon bilang engineer. Marami rin namang nagkakagusto sa kanya nung college days niya kahit naman hanggang ngayon eh pero hindi parin niya kayang pantayan ang kagwapuhan ko. Although mas matalino siya pero mas gwapo parin ako.
Maraming nagkakagusto sa akin dito sa school. Maraming nagkakandarapa pero isa lang talaga ang pinakagusto ko at yun ay si Krissa or I prefer to call her as Issa. Si Issa ang best friend ko. At siya rin ang Girlfriend ng kuya ko. Magkababata kami, actually magkababata kaming tatlo nila kuya pero dahil matalino si kuya at pala-aral ay ako lagi ang kasama ni Issa. Magkasama kaming naglalaro, Nagtataguan at ako lagi ang crying shoulder niya sa tuwing nasasaktan siya.
Kung tutuusin, pwede niyo ng sabihing napaka martir ko dahil pumapayag ako na maging crying shoulder lang ng best friend ko pag nasasaktan siya. Eh, anong magagawa ko? Mahal ko eh. Siguro masasabi nyo rin na napaka torpe ko dahil hindi ko manlang masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ko maamin sa kanya. Ilang beses ko ng sinubukang aminin to sa kanya nuon pero sa tuwing nasa harap ko na siya, inuunahan ako lagi ng kaba.
Hindi niyo ko masisisi kung bakit hindi ko to masabi sa kanya which is wrong. Dapat pala, matagal ko ng sinabi sa kanya para nalaman niya. Hindi yung ganito, Naghahabol ako sa babaeng kahit kailan ay hinding-hindi na magiging akin.
A/N: Sana po nagustuhan nyo yung “SILOG” este, PROLOGUE pala. Sana po magustuhan nyo ang kuwentong toh. Pls read, like, vote and comment.
Basa-basa din pag may time!