~~*
AFTER 3 YEARS ///
[NICKO’S POV]
After 3 years, marami ng nangyari .. Grumaduate kami ni Issa, nag debut ako sa 21st birthday ko pero di ako nag celebrate, uminom lang ako ng uminom sa bar kasama ang mga classmates ko. Ayokong mag-celebrate lalo pa’t alam kong ikakasal na ang babang mahal ko sa kuya ko.
Oo, ikakasal na sila next month. Ang bilis noh? parang kelan lang nung nagpropose si kuya sa kanya, parang kelan lang nung mga bata pa kami’t nalalaro sa buhanginan, parang kelan lang nung kasayaw ko siya nung debut niya at ngayon, ikakasal na siya.
Masasabi nyong martyr ako kung sasabihin kong Masaya ako sa paqgpapakasal nila dahil hindi naman talaga ako Masaya. Kung pwede ko nga lang pigilan ang kasal eh. Gagawin ko pero hindi maaari dahil ayokong masaktan ang kuya ko na tinuturing ko na pangalawang magulang.
Siguro, magiging Masaya nalang ako para sa kanila, hindi ko na lang sila guguluhin, tutal, alam ko namang nagmamahalan sila eh, tsaka ang mahalaga sa lahat at Masaya ang babaeng mahal ko. Ang pinakamasayang bagay para sakin ay ang makitang Masaya ang babaeng mahal ko, Kahit masakit, titiisin ko wag lang masaktan ang babaeng pinakamamahal ko.
(T__________________T)
Tama na nga ang iyakan! Wala ng drama!
Kasalan na magdadramahan pa?
~~*
Nandito ako ngayon sa Garments store kasama si Krissa, sinasamahan ko siyang pumili ng susuotin niyang wedding gown sa kasal niya at syempre, yung susuotin ko na rin since ako nga ang best man nila. Yes, ako ang napili nilang best man at ang maid of honor ay classmate ni Krissa. At sinasamahan ko ngayon si Krissa dahil may project si Kuya na tinatapos.
Kasalukuyan ng nagsusukat ng gown si Krissa sa fitting room samantalang ako nakaupo lang sa isang tabi dahil nakapili naman na ako ng susuotin. Simple lang ang sinuot ko tutal hindi naman aking kasal toh eh, best man lang ako sa isang kasal na ayaw kong daluhan dahil alam kong masasaktan lang ako.
Kanina pa siya pili ng pili ng gown at tinatanong sakin kung maganda daw ba, pro ang sagot ko lang ay isang simple “OO” . Eh, ano ba dapat kong isagot? Hindi? Edi, nalungkot siya.
Maya-maya, lumabas na siya sa fitting room at pinakita ang gown niya sakin.
“Ayan, Ma’am, mas bagay sa inyo!” Sabi nung sales lady.
Oo, lahat naman ng isuot niya bagay sa kanya eh, sadyang di lang ako sumasagot ng maayos kaya kanina pa siya palit ng palit. Ewan ko ba, para kasing wala ako sa mood ngayon.
“Nicko, bagay ba?” Tanong niya.
“Oo.” Sagot ko.
Bagay naman kasi talaga sa kanya eh. Wala lang talaga ko sa mood ngayon. Pasensya.
Lumapit siya sakin.
“Nicko, Is there something wrong?” Tanong niya.
“Wala naman, bakit?” Sagot ko.
“Kasi, kanina pa ako tanong ng tanong sayo pero oo lang sagot mo. May problema ba? Tell me. You can trust me! Best friend tayo diba?” Sabi niya.
“W-wala nga! Alam mo, kahit ano pang isuot mo, babagay sayo. Hindi mo na kaylangan magtanong sakin dahil alam kong ikaw ang pinakade-best na fashion girl sa buong mundo.” Sagot ko with a courage eyes.
Ngumiti naman siya. Ngumiti rin ako para di na siya mag-isip ng kung ano-ano.
Pinapili niya nalang ako kung ano sa lahat ng sinukat niya ang pinakamaganda. Pinili ko naman yung pangatlo niyang sinukat.
After nung pagpili na yun, Pumunta naman kami sa bilihan ng shoes para Makabili na siya ng bibilhin niyang shoes.
After an hour, Pumunta na kami sa Catering services na mag-aayos sa reception at pinagplanuhan kung ano yung mga foods na ihahanda at kung ilang tables yung Ilalagay sa reception.
Pumunta narin kami sa simbahan para magpahanda na para sa kasal. So, ang napili nilang venue ay Beach Wedding na gaganapin sa Beach na pagmamay-ari ng magulang namin. Private beach toh na pinaparentahan sa mga gustong mag beach wedding. Dito rin kami nagbabakasyon nila kuya dati tuwing Christmas vacation at summer vacation.
Naalala ko tuloy yung mga araw na nandito kami ni Issa at naglalaro nung mga bata pa kami..
*flashback*
Nakahiga kami ngayon ni Issa sa buhanginan habang pinapanuod ang sunset.
“Ang ganda pala talaga ng beach niyo nu?” Sabi ni Issa.
“Ah, oo, Binili ito ni Papa nuon para kay mama. Regalo to ni papa kay mama nung wedding anniversary nila.” Sabi ko.
“Ang sarap siguro magpakasal dito nuh?” Tanong niya.
“Oo naman, ang dami kayang nagaarkila nito para sa beach wedding.” Sagot ko.
“Wow beach wedding? Ang ganda nun. Ayon ang pinakagusto kong concept ng wedding” Sabi niya.
“Ah, so, kung ikakaal ka, gusto mo dito?” Tanong ko.
“Oo, naman, pupunta ka sa kasal ko ah?” Sagot niya.
“Oo naman. Sino bang papakasalan mo?” Tanong ko.
“Si Mico!” Sagot niya ng nakangiti.
“Eh, si kuya?” Tanong ko.
“Oo, bakit? may problema ba?” Sagot niya.
“Papayag naman kaya magpakasal sayo si kuya? Eh, ayaw nga nya sayo diba?” Tanong ko.
“Oo naman! Basta, mangyayari yun. I promise!” Sagot niya.
*end of flashback*
Hindi ko parin makalimutan yun dahil tinupad niya ang promise niya dati.
Hays, after namin dun nagpasya na kaming umuwi.
[END OF NICKO’S POV]
A/N: Sana po nagustuhan niyo. Maraming salamat po. Malapit na po toh matapos. Hanggang chapter 10 lang po ito. Short story lang po kasi to eh. Pero if maraming magre-read, like, vote and comment, gagawa po ako ng season 2 nito. Tungkol naman sa love story ni Nicko. Ating subaybayan po hanggang sa huli .. kamsahamnida.
Mag-comment po kayo para malaman ko yung feedback niyo. pag maraming magagandang feedback, Gagawa po ako ng season 2.
Saranghae <3