CHAPTER 10 \\\
~~*
THE WEDDING ///
[MICO’S POV]
Ayan na!
Malapit na!
Ayan na!
Malapit na!
Yan na ..
Ahhhhhhhhhhhhh …
Sa wakas, bumaba narin si Krissa sa karwahe at nagsimula ng maglakad sa gitna together with her father. Ang ganda ganda talaga ng mapapang-asawa ko. I love her so much ..
Hindi maipinta ang mukha ko sa tuwang nararamdaman ko ngayon. Now is the day ..
Nagsimula naring tumugtug ang kantang Detiny by Jim Brickman.
(NP/ DETINY)
“What if I never knew,
What I never found you,
I never had this feeling
in my heart”
Ang ganda ganda talaga niya. Nagpapasalamat ako sa diyos sa magandang bagay na binigay niya sakin. Thanks bro!
“How did this come to be,
I don’t know how you found me,
But from this moment I saw you,
Deep inside my heart I knew.”
Nandito na siya sa harap ko. Nakangiti siya at binigay na sakin ni tito or I should say, papa ang kanyang kamay. Nanlalamig ang kamay ni Krissa siguradong kinakabahan siya.
Pumunt na kami sa harap ni Father para magumpisa na.
“Baby you’re my detiny,
You and I we’re meant to be,
With all my heart and soul,
I’ll give my love to have and hold,
And as far as I can see,
You we’re always meant to be,
My destiny.”
Nagpalitan na kami ng vows at ng rings at syempre ang pinakahinihintay ng lahat, ang “KISS.”
[END OF MICO’S POV]
[NICKO’S POV]
Natapos ang kasal ng Masaya.
Mabuhay ang bagong kasal!
Mamatay ang single na si ako.
Hhaa .. Grabe noh? Nagagawa ko pa ring tumawa sa kabila ng mga nangyari. Baliw na nga siguro talaga ako.
Nandito ako ngayon sa roof top ng house at nagiisa. Ayokong makisali sa party-party nila sa baba dahil alam kong masasaktan lang ako kung makikita ko sila.
Feeling ko ngayon sasabog ang mundo ko, ang puso ko dahil sa nararamdaman kong sakit. Sana talaga hindi nalang si Krissa ang minahal ko. Ang hirap mag-move on.
Nag-iisa ako ngayon dito sa roof top ng biglang dumating si Kuya.
“Nandito ka lang pala!” Sabi ni kuya.
“H-huh?” Sagot ko.
“Kanina pa kaya kita hinahanap.” Sabi ni kuya.
Hindi ako sumagot.
“Ano bang ginagawa mo dito?” Tanong niya.
“W-wala lang.” Sagot ko.
“Anong wala lang? Tara na nga, bumaba na tayo!” Sabi niya sabay higit sa kamay ko.
“Ayoko, kayo nalang dun!” Sabi ko.
“Tara na! Hinahanap ka ni Krissa, Malulungkot yun pag di nya nakita bet friend niya.” Hinigit na ko ni Kuya.
Huh? Hinahanap niya ko? Yeah, best friend nga lang pala ko.
Bumaba na kami at pumunta sa harap. Lintik na yan! Papa-picture lang pala sila kasama ako inistorbo pa ako sa taas.
Nagpa-picture kaming tatlo, bale, pinapagitnaan namin si Krissa.
After nun, iniwan ko na sila at pumunta sa kuwarto. Wala akong panahong makipagsaya sa kanila kaya natulog nalang ako ..
zzzzZZZ (U_______U)
~~*
AFTER A WEEK ///
Gabi ngayon, anadito ako sa kotse ko.
Anong ginagawa ko? Ito, Umiiyak habang nakatitig sa picture naming tatlo nung wedding nila kuya.
Hindi parin talaga ko makapag move on,. Ang hirap talaga. Sobrang sakit ng nararamdaman ko.
OUCH!
Umiyak ako ng umiyak.
(NP/ ONE LAST CRY)
Habang tinitignan ko ang larawan niya, bigla akong napatingin sa tabi ko, naalala ko nanaman ang mga sandaling hinahatid ko pa si krissa pauwi pero ngayon hindi na.”
Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ang hirap magpanmggap sa harap nila na hindi ako nasasaktan at Masaya ako para sa kanila.
Bigla kong hininto sa may tabi ng kalsada ang sasakyan ko.
Nakatingin ako ngayon sa picture at umiiyak hindi ko mapigil maiyak sa tuwing titignan ko ang larawang ito.
Maya-maya hindi ko namalayang napunit kop ala ang litrato, yung punit na ang matitira nalang sa picture eh yung magkatabi kami ni Krissa, napunit yung part ni kuya at itinapon ko. Isipin nyo ng bitter ako pero ganito talaga siguro pag nagmamahal ka lalol na kung ang minamahal mo ay yung minamahal ng kapatid mo . Yung à My Brother’s Girlfriend ..
*END OF SEASON 1*
A/N: Sana po nagustuhan niyo ang kuwentong ito. Kahit short story siya, Masasabi nating maganda? At relat na relate tayo dahil hindi natin maikakaila na talagang nangyayari ito sa totoong buhay. May mga bagay talaga na sadyang hindi para sa atin at may mga taong pinagkakait sa atin ng diyos dahil hindi naman sila nakatadhana para sa atin pero magkagayun man, Ating tiisin parin kahit masakit dahil lahat ng sakit na mararamdaman mo sa unang pagkasawi ay mapapalitan ng ngiti kung maghihintay ka lang sa takdang panahon. Kung maghihintay ka lang ng tamang tao na magmamahal sayo at iibigin mo.
Sana po nagustuhan ninyo, nawa’y magsilbing ideya sa mga pusot isipan nyo ng hindi ito maganap sa inyo dahil mahirap mapunta sa position ni Nicko.
keep reading, like, vote and comment lang po. Pag maraming nag vote at nag comment ng magagandang feedback. gagawin ko naman ang Season 2. Sana po magustuhan niyo.
Para sa inyo po ito! Mga kapatid, kapamilya, At kapuso .. <3
Kamsahamnida! Saranghaeyo <3
Anyeong …