CHAPTER 6 \\\

22 0 0
                                    

~~*

SA PARK ///

[KRISSA’S POV]

Nandito kami ngayon ng pinakamamahal kong si Mico, Di ko nga alam kung anong naisipan niya’t niyaya niya ko dito sa park eh. Hindi naman niya birthday, hindi ko rin birthday, Hindi rin naman namin weeksarry, Monthsarry, or kahit anniversary.

Wala talaga akong idea kung bakit kami nandito, tsaka akala ko ba dito yung bago niyang project? Akala ko ba pinasarado toh ng mayor? Eh, bakit ang daming lovers? Kung makapaglambingan wagas? Anong kalandian yan? Paki-explain nga! Lub you ..

Nandito kami ngayon sa park at nakaupo sa isang upuan. Magkatabi kami, siya nasa right side habang naka-akbay sakin, samantalang ako nakaupo lang.

Maya-maya biglang ..

“Hayop ka!” Galit na sabi nung girl sa boyfriend niya yata yun habang hinahampas nya ito.

“Ano ba! Tumahimik ka nga! Nakakasakit ka na ah?” Iritang sagot naman nung boy.

Teka? Anong nangyayari? Paki-explain nga! Lub you ..

“Tumahimik ah? Tumahimik? Sino yung babae na yun?” Galit na tanong nung girl habang hinahampas pa rin si boy.

So, kailangan mag-away sa harapan namin? Anung kalandian yan? Paki-explain nga! Lub you ..

“Wala nga sabi yun, may tinanong lang siya! Bat ba ang kulit mo?” Sagot nung boy.

Wow! Ano ba talagang nangyayari?

“Anong wala? Jusko naman Bhabe, 3 years na tayo pero nambababae ka parin? Maawa kanaman sakin! Binigyan na kita ng ilang chance pero bakit ba hindi ka parin makuntento sakin?” Pagmamakaawa ng girl habang napapaluha na.

Jusko! Ano na toh? Ayoko pa naman sa lahat ay yung sinasaktan yung girls eh, Ni minsan, hindi ako ginanyan ng bhabe ko.

Tsaka teka lang, bat pareho kami ng tawagan? Bakit bhabe rin tawagan nila? Bakit 3 years narin sila? Gaya-gaya lang?

“Kung sawa ka na sakin, mag break na lang tayo! Sawang-sawa na ako sayo puro ka nalang ta--“ Hindi na natapos nung boy yung sasabihin niya ng biglang ..

*PAK!*

Yan, nasampal ka tuloy. Ang dami mo kasing satsat eh.

Dapat ako talaga yung sasampal sayo eh, naunahan nya lang ako.

Bigla namang nagwalk-out yung boy at naiwan si girl na umiiyak habang nakaupo sa lupa.

*hikbi* *sob*

*hikbi* *sob*

*hikbi* *sob*

Grabe naman tong nangyari, lapitan ko na nga lang toh para kahit papano ma-comfort ko siya.

Ang sakit kaya nun!

Lalapitan ko na sana siya ng biglang ..

(NP/ THE GIFT)

Eh? Ano yun?

Bat may biglang tumugtog?

Teka, favorite song ko yun ah?

“Winter snow is falling down,

Children laughing all around,

Lights are turning on,        

Like a fairy tale come true”

Bigla nalang sumayaw yung mga lovers na naglalambingan kanina.

Yung totoo? Anong meron dito? Bat may ganyanan?

MY BROTHER'S GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon