CHAPTER 4 \\\

31 0 0
                                    

[MICO’S POV]

Nandito ako ngayon sa kusina at naghuhugas ng pinggan. Tapos na kasi kaming kumain ng lunch ni bhabe (Si krissa- yung girlfriend ko.) Pagkatapos kong maghugas ay bigla ko namang narinig ang malakas na pagsalita ni Nicko kaya naman pumunta ko agad dun para tignan kong anong nangyayari.

“O, anong nangyaari?” Tanong ko habang nakangiti.

Ang saya talaga nila. Halatang best friend sila. Sabagay mas madalas naman talaga silang magkasama nung mga bata pa kami.

 “Eh, ito kasi eh .. Pinaglalaruan nanaman yung gwapo kung mukha eh!” Sagot ni Nicko.

Ano daw?

“Weeh? gwapo ka? haha ..” Patawa tawang sagot ko.

Hhaha XD ang taas kasi ng confidence ng kapatid ko eh. Bilib na bilib sa itsura niya. Di manlang niya naisip na hanggant nabubuhay ako, pangalawa lang siya sa pinakagwapo.

“Oo .. hehe .. sipain kita eh!” Tinaas niya yung paa niya na parang sisipain ako pero syempre, alam ko naman na pabiro lang yun.

Nagkulitan lang sila ng nagkulitan hanggang sa matapos sila.

Mayaq-maya nagpaalam kami ni Krissa sa kanya para mamasyal sa park. Yeah, plano ko na kasing mag-propose sa kanya eh.

Nakaipon naman na ako. Tsaka na yung bahay. Pwede naman kaming mag honeymoon sa beach house namin eh o kaya next year nalang yung honeymoon para makapunta kami sa Paris at dun makapag honeymoon hehe J

~~*

SA PARK ///

Nandito kami sa park. Actually dapat sarado yung park dahil may pinapagawa yung city mayor dito na mini library daw at ako ang architect na namamahala pero dahil ako nga ang architect, napag-isipan ko nalang na dito na mag-propose.

Bakit? May plano kasi ako, Gagayahin ko yung mga usong proposal ngayun? Yung may mag-aaway muna tapos dun na ako mag-popropose. Get it?

Kung di nyo na gets, basahin nyo nalang toh para ma gets nyo ok?

So, nandito na nga kami sa park. Nakaupo kami sa isang upuan. Magkatabi kami at naka-akbay ako sa kanya. Syempre kinuntsaba ko yung mga carpenters ko. Pinadala ko sa kanila yung mga asawa’t girl friend nila at pinagmeetingan namin yung plano ko.

*Flashback*

“Here’s the plan .. Benjo!” Sabi ko.

“Yes, sir!” Sagot niya.

“Ikaw at ang girlfriend mo ang maga-acting na kunyari ay nag-aaway.ok?” Sabi ko.

“Sir, paano namin gagawin yun eh nagmamahalan kami? Hindi pa kami nag-aaway nito?” Tanong ni Benjo.

“Bast, isipin nyo nalang isa sa inyo yung nag cheet. Ikaw miss (yung girlfriend ni Benjo) isipin mo nalang nahuli mong may kasamang iba yung bf mo at gusto mo ng makipaghiwalay sa kanya dahil ilang bese mo na siyang binigyan ng 2nd chance pero di parin siya nadala. Ganun lang ..” Sagot ko.

“Pero, paano kung di namin magawa?” Tanong ni Benjo.

“Benjo, May tiwala ako sa iyo, sa inyo. Pls. do this for me. Bibigyan ko kayo ng bonus pag nagawa nyo ng tama.” Sabi ko.

“Oh, may bonus naman pala eh. Call ako jan, sir!” Sigaw ni Caloy.

“Good!” Sagot ko.

“Paano naman yung ibang partners sir?” Tanong ni kuya Norberto.

“Maglambingan nalang kayo sa kung saan saan dun.” Sagot ko.

“So, ganito na nga, pagkatapos mag-away, maghihiwalay sila. Magagalit ka benjo at magwa-walk out, samantalang yung girlfriend mo kunyari iiyak at uupo. Tapos kayo mang kanor, mula sa likod ng halaman, papatugtugin nyu yung speaker, yung tugtug na “a very special love by sarah Geronimo” tapos yung mga partners, magyayakapan at magsasayaw then dadalhin ko siya sa gazebo at dun ako magpopropose.” Sabi ko.

“Ano, naiintindihan nyo ba yung plano?” Tanong ko.

“Opo!” Sigaw nilang lahat.

*End of flashback*

Sana lang talaga, mag-work toh. At sana tanggapin nyo ang wedding proposal ko.

MY BROTHER'S GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon