CHAPTER 1 \\\

87 1 0
                                    

[NICKO’S POV]

Nandito kami ngayon sa kotse ko at nagda-drive ako pauwi kasama ko si Krissa/ Issa, ihahatid ko kasi siya pauwi sa kanila. Bale, nakaupo siya sa tabi ko, sa may tabi ng driver’s seat. Gets nyo ba?

Habang nagda-drive, kuwento siya ng kuwento tungkol sa nagyayari sa kanila ng Boyfriend niya which is my eldest brother. Tawa pa siya ng tawa habang kinikwento yung part na nanliligaw sa kaniya si kuya.

“Hahaha .. Eto, alam mo ba yung day na inamin niya sakin na may gusto siya sakin? Alam mo, ayun ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Alam mo kung bakit? Kasi, sa wakas, nalaman ko na mahal rin pala ako ng lalaking mahal ko.” Sabi ni Krissa.

OUCH!

Ang sakit ah?

Pwede na ba siyang tumigil? Ang sakit na eh. Kanina pa siya kuwento ng kuwento tungkol sa kanila ni kuya. Bakit? Sa tingin niya hindi ako nasasaktan?

Tsk. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan. Kung pwede lang Ibalik yung nakalipas. Promise, sasabihin ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman pero paano? Alam kong hindi na mangyayari yun. Sa mga palabas lang nangyayari yun.

“Eto pa! Yung 1st day na manligaw siya sakin alam mo ang saya-saya ko nun. Napakasaya ko. Kasi, pag pasok ko ng room ko, sa school ay may nakita akong malaking teddy bear sa upuan ko at may pink roses pa which is my favorite.” Sabi ulit niya.

OUCH!

Tagos sa buto!

Ang sakit talaga .. Hindi ko na kaya.

“Tsaka, ito pa al--“ Sya.

Hindi na niya natapos yung sasabihin niya ng bigla kong hininto yung sasakyan at bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

Tsk. Bakit ngayon pa? Oy! Hindi ako bakla ah? Sadyang ang sakit lang.

“B-bakit?” Nagtatakang tanong ni Issa.

“W-wala!” Nauutal na sagot ko.

“Nicko, U-umiiyak ka ba?” Tanong niya ulit.

Marahil nakita niya na ang tumulo na luha sa mata ko kaya dali-dali kong pinunsasan ng braso ko.

“W-ala toh! Napuwing lang ako!” Sagot ko.

Yeah! Ang galing ng palusot ko nuh? Imposible namang mapuwing ka sa loob ng sasakyan eh hindi naman nakabukas ang bintana ng sasakyan.

Ang tanga mo talaga Nicko! Gagawa ka nalang ng dahilan, yung hindi pa kapani-paniwala.

“Napuwing? Nicko, ang tagal na nating magkaibigan. Kilalang-kilala na kita at alam ko kung may problema ka. Now, tell me, what is it?” Sabi niya habang hinahawakan ang chin ko at hinarap sa kanya.

Tinabing ko naman ang kamay niya.

“WALA NGA! BAT BA ANG KULIT MO!” Sigaw ko.

Natahimik siya sa sigaw ko at hindi na muling nagsalita. Nag-drive na ulit ako  hanggang makarating kami sa kanila. Ngunit bago siya bumaba ..

“Nicko, kung may problema ka, wag mong sarilinin. Best friend tayo diba? I’m always here for you.” Sabi niya at bumaba na.

Yeah! Kaibigan. Kaibigan lang, ang ranggo ko jan sa puso mo. Pero ako? Iba na nararamdaman ko sayo eh.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang makapasok siya sa bahay niya.

Nang makapasok na siya. Dun ko inilabas ang lahat ng sakit na kanina ko pa gustong-gustong ilabas.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang makatulog ako sa sasakyan ko ..

A/N: Sana po nagustuhan niyo ang chapter 1. Tangkilikin niyo lang po at sana magustuhan niyo ang mga susunod na chapter. I love you all guys.

Pls. read, like, vote and comment.

Basa-basa din pag may time!

MY BROTHER'S GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon