[NICKO’S POV]
Nandito ako ngayon sa sala nakaupo, katapat ko si kuya at si Issa.
Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito, basta nalang tinawag ako ni kuya at sabi niya may sasabihin daw sila ni Issa sakin na iportanteng mahalaga.
Hindi ko alam kung ano yun pero ngayon palang parang kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ko gusto ang manyayari.
Magsasalita na sana ako ng biglang ..
“Bhabe, sabihin na kasi natin!” Nakangiting sabi ni Issa.
Grabe ang ganda talaga ni Issa. Nahuhumaling ako sa ganda niya pero alam kong hindi pwede tong nararamdaman ko dahil may mahal na siya at kailanagan kong magpaubaya para sa kuya ko. Ayokong masaktan siya dahil ang laki ng utang na loob ko sa kanya lalo pa’t sya ang nagsilbing tatay/nanay ko mula ng mamatay sila mama’t, papa.
“Sa tingin mo ba ito na talaga ang tamang oras?” Tanong ni kuya kay Issa.
Teka? Ano bang nangyayari?
Hello? Nage-exist ako dito.
“Nicko!” Tawag sakin ni Isa ng nakangiti.
“H-huh?” Utal na sagot ko.
“Engaged na kami!” Masayang sabi ni Issa.
(O____O) Huh? Tama ba tong narinig ko? E-e-engaged na sila?
“H-huh?” Utal na sagot ko.
Yan nalang ang naisagot ko mula ng sabihin niya ang pinaka-ayaw kong marinig na salita.
Grabe, ang sakit!
OUCH!
Para akong sinasaksak ng paulit-ulit.
“Sabi ko, engaged na kami!” Ulit na sabi ni Issa habang masayang pinapakita sakin ang singsing niya.
Pinakita rin sakin ni kuya yung singsing niya.
“K-k-kelan pa?” Utal na tanong ko.
Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa mga narinig ko. Ang sakit-sakit ..
“Last week lang!” Masayang sagot ni Ia.
Ang bilis naman (T_______________T)
“T-teka, parang ang bilis naman yata? I mean, ang babata pa ninyo ah? 20 ka palang kuya, at 18 palang si Issa.” Tanong ko.
“I know, kaya nga hindi muna kami magpapakasal eh .. “ Sagot ni kuya.
Ngumiti ako (^________________^) *fake smile*
“So, kelan ang kasal?” Tanong ko.
“After Krissa’s graduation!” Nakangiting sagot ni kuya.
I know matagal pa pero kung paulit-ulit kong iisipin parang ang sakit, Gusto ko ng umalis pero hindi ako makahanap ng tiyempo. Ayoko namang umalis nalang bigla.. Baka mamaya isipin pa nila na nasaktan ako sa sinabi nila ..
*No one else come close to you,
No one--“
(Message alert tone ko yan. Yan din ang Incoming ring tone ko.)
Sakto, tumunog yung Cell phone ko.
Tinignan ko agad yung cell phone .. May nag gm pero ito na ang gagamitin ko para makaalis dito, dahil ayoko na talagang marinig tong mga sinasabi nila. Nasasaktan ako!
It hurts, You know?!
“Sige kuya, alis na muna ko, may pupuntahan pa ako eh.” Sabi ko.
“Sige, ingat ka!” Sagot niya.
Hays, buti nalang, hindi nakahalata.
Tumakbo ako palabas ng gate at pumunta sa isang park sa loob ng subdivision namin. Umupo ako sa swing at dun nilabas ang kanina ko pa pilit na tinatago.
*Hikbi**sob*
Ayokong ilabas toh sa harapan nila. Ayokong malaman nila na may gusto ako kay Issa.
Ayokong masira ang relasyon nila.
Hays! Ano bang gagawin ko?
(T________________T)
[END OF NICKO’S POV]
A/N: Nabasa nyo ba?? Nabasa nyo ba? Nabasa nyo ba? Kung hindi pa, basahin nyo na! Maganda ba? Maganda ba? Maganda ba? Kung hindi, basahin nyu ulit at pag hindi pa kayo nagandahan, sabihin nyo sakin nang mapaslang ko kao sabay-sabay. Get it? Clear?
Pls. still read, like, vote and comment, sabihin nyo po yung feedback nyo sa story para malaman ko kung nagagandahan kayo. Pag nagandahan kayo, promise, after nito, gagawa naman ako ng part 2.
Salamat sa lahat ng readers .. Kamsahamnida J