CHAPTER 3 \\\

38 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag nang araw na nangagaling sa bintana ng kuwarto.

Umaga na pala. Anong oras na ba?

Tumingin ako sa orasan sa side table ko.

12 noon na pala ..

Medyo napahaba yung tulog ko ah?

Siguro dahil sa puyat toh.

Anyways, since wala namang pasok ngayon, bumangon na ako at pumunta sa CR upang maghilamos at mag toothbrush .. After that lumabas na ako ng kuwarto ko para bumaba at kumain.

Pababa na ako ng biglang ..

Shit! Tama ba tong nakikita ko?

Si kuya at si Issa magkayakap at naghahalikan pa.

Shit lang!

Ouch! Ang sakit!

Tagos sa bones yung feeling ko ngayon. Nasasaktan ako. Parang gusto ko ng kainan ng lupa sa kinatatayuan ko. Bakit ganito? Ang ganda-ganda ng gising ko tapos ang una kong makikitang tao ay sila?

Well .. di na iba sakin yun, pero ang nakakagulat ay itong nakikita ko .. magkayakap sila at naghahalikan pa?

I mean, natural lang sa kanila yun pero bakit dito pa? Oo hindi nga PDA dahil wala namang tao bukod sa amin pero ang sakit talaga eh ..

Sa sobrang sakit na naramdaman ko ay tumango nalang ako at umakyat ulit sa taas at pumasok sa kwarto ko. Umupo lang ako sa kama ko.

Hays! Ganito ba epekto ng in-love? Nasasaktan ka?

Sana iba nalang minahal ko ..

After ilang minutes na pag kukulong sa kwarto ko, nag-decide na rin akong lumabas tutal, wala namang mangyayari sa akin kung magkukulong lang ako dito eh.

Pag baba ko ng kuwarto ay bumaba na ako ng hagdan at umupo saglit sa hagdan.

Bigla namang dumating si Issa at umupo sa tabi ko.

Na-iinlove nanaman ako sa kanya pero, lagi nalang nagfa-flashback yung kissing scene na yun.

“Kakagising mo lang?” Tanong niya.

“O-oo” Sagot ko.

“O, bat parang sad ka? May problema ka ba?” Tanong niya.

Bakit masama na bang maging sad lalo na kung nakita mo yung taong mahal mo na nakikipaghalikan sa kapatid mo?

“W-wala!”Sagot ko.

“Ngumiti ka nga! Parang biyernes santo yang mukha mo eh.” Sabi niya ng nakangiti.

Heto nanaman siya, pinaglalaruan nanaman niya ang napaka gwapo kung mukha.

Heto, gumagawa siya ng smiling face. ini-smile nya yung mukha ko kahit ayaw ko then suddenly, nagflashback nanaman yung kagabi..

*flashback*

“Hahaha .. Eto, alam mo ba yung day na inamin niya sakin na may gusto siya sakin? Alam mo, ayun ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Alam mo kung bakit? Kasi, sa wakas, nalaman ko na mahal rin pala ako ng lalaking mahal ko.”

“Eto pa! Yung 1st day na manligaw siya sakin alam mo ang saya-saya ko nun. Napakasaya ko. Kasi, pag pasok ko ng room ko, sa school ay may nakita akong malaking teddy bear sa upuan ko at may pink roses pa which is my favorite.”

*end of flashback*

Sa inis ko, tinabing ko nalang yung kamay niya.

Bakit kasi nagfa-flashback pa yun eh.

Pero kahit tinabing ko na ung kamay niya sige parin siya sa panggugulo sa mukha ko.

Sa inis ko, tinabing ko ulit ung kamay niya at sinigawan siya.

“PWEDE BA! TIGILAN MO NGA YUNG MUKHA KO!” Inis na sigaw ko.

Pero , di siya natinag at tumawa nalang. Bumaba sya at tumakbo. hahabulin ko na sana siya kaso saktong pag baba ko bigla namang dumating si kuya at nagyakapan nanaman sa harap ko?

Grabe na! Pinagseselos ba talaga nila ko?

“O, anong nangyaari?” Tanong niya habang nakangiti.

Ito naman si Issa binelatan pa ko pero, swear ang cute nya talaga.

“Eh, ito kasi eh .. Pinaglalaruan nanaman yung gwapo kung mukha eh!” Sagot ko.

“Weeh? gwapo ka? haha ..” Patawa tawang sagot ni kuya.

“Oo .. hehe .. sipain kita eh!” Tinaas ko yung paa ko na parang sisipain siya pero pabiro lang..

Tumingin siya kay Issa tapos si Issa naman nakatingin sakin at ako naman tinignan ng masama si Issa. Yung *YARI KA SAKIN!* look.

Nag-asaran lang kami ng nag-asaran hanggang sa matapos na ..

A/N: Sana po nagustuhan niyo ang chapter 2. Nakarelate ba kayo? Tangkilikin niyo lang po at sana magutughan niyo ang mga susunod na chapter. I love you all guys.

Pls. read, like, vote and comment.

Basa-basa din pag may time!

MY BROTHER'S GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon