- 23.

696 68 26
                                    


Nakatitig lang si Aether sa kanyang phone tila may hinihintay na message— well, meron nga naman talaga. Pero parang di na naman siya nito imemessage. Dalawang araw na rin itong hindi nagpaparamdam.

Tinago na lang ni Aether sa bulsa ang kanyang phone dahil nagbell na rin kasi, tanda na tapos na ang lunch time.

Pagkapasok niya ng kanilang room ay wala pa namang prof at kokonti palang ang mga studyante na nasa loob.

Dumiretso nalang siya sa kanyang upuan niya at dudukdok na sana kanyang desk ng bigla niyang napansin na nagrereview ang katabi niya.

"Excuse me, may quiz ba?" Tanong dito ni Aether.

Palihim na napalaki ang mata ng dalaga sa biglaang pagsasalita ng binata.

Siya ang kinakausap nito diba? Wala naman ibang studyante na nakaupo sa row na iyon kundi sila lang dalawa.

"Uhm..." Saglit na napahinto si Aether dahil hindi pala alam ang pangalan nito. Tiningnan niya ang i.d nito, "Uhm yea, Nixon? May quiz?— Ah shit," Biglang sumakit ang ulo niya kaya napahawak siya dito at pumikit, ngunit sandali lang yon ng nakabawi siya at umayos ng upo.

Nitong mga nakaraang araw, madalas nang sumakit ang ulo niya.

Tuluyang napalingon sakanya ang babaeng katabi niya habang pakurap-kurap na para bang hindi makapaniwalang kinakausap niya ngayon ni Aether.

"Ah. O-oo, m-may quiz sa Economics," Sagot nito at bumalik na ulit sa pagrereview.

Napakunot ang noo ng binata na ngayon ay nakatingin pa rin sa babae. Matagal niya na itong katabi pero ngayon lang sila nag-usap at ngayon niya lang ito narinig magsalita. Lagi itong nakayuko, para bang may sariling mundo at hindi active sa klase. Ngayon niya lang din nalaman ang pangalan nito.

"Uh. Thanks." Sagot nalang ng binata at nilabas nalang notes para magreview.

"Nagkakilala na ba kami ng babaeng ito dati?"

————

shocks, hindi naman siguro lame ang kinalabasan nito diba? HAHAHAHAH.

aether Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon