67.

282 18 3
                                    

sorry natagalan ulit!!!! i'm so unmotivated :(  and!! hindi pa epilogue hihihi

vote & comments pls <3

reread chap43 if medj di matandaan sorry ang tagal na rin kasi ㅠㅠ

————

THE START

Nixon's

"Miss... miss. Gising." May nagpoke sa pisngi ko kaya naman nagising ako.

"Malapit na akong bumaba," Sambit ng lalaking katabi ko kaya naman bigla akong napaayos upo! Shit, nakatulog pala ako at nasandal pa ako sa balikat niya, sa stranger! Feeling ko namula tuloy pisngi ko. Antok na antok kasi talaga ako...

"Hala sorry, sorry!" Medyo nagpapanic kong sabi kasi feeling ko pulang-pula na ang pisngi ko realizing na ayun nakatulog ako sa balikat niya... tapos ang gwapo pa niya! Though mukhang suplado si kuya. Pero nakakahiya pa rin na nakatulog ako sa balikat niya!

"Okay lang mukhang antok na antok ka e." Sagot niya. Wait ang gwapo!!!!! Sa sobrang gwapo mapapasabi ka na lang sa sarili mo na "siya na ba puribir ku?"

"Hindi ka pa bababa?" Natigil inner kalandian ko, at napatingala sakanya, hindi ko napansin nakatayo na pala siya. Ang tangkad holy shh—Pero wait, "Ha? San?" Nagulat ako nang bigla niya akong hilanin sa braso pababa ng bus. Ano bang problema nito?!

Binitawan niya rin ako pagkababa ng bus. "Malelate na ako. Una na ako." Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

Iiwan niya lang ako dito?!

"Bakit? Hindi ka pa ba papasok? Kung aayain mo ko magcutting, no thanks." Sabi niya na mas lalo kong kinagulo! Ano ba ‘to.

Huminga ako ng malalim at, "Wait lang ha. Gulong-gulo na ako! Ano bang sinasabi mo? Malamang hindi ako magcutting at mas lalong hindi ko kita aayain dahil hindi kita kilala 'no!" Tinaliman ko siya ng tingin. Ang weird nitong lalaking 'to. Saka mukha ba akong rule breaker? Mabait kaya ako!

"Anong gulong-gulo? Hindi ka naman pala magcucutting kaya anong ginagawa mo dyan? Mag7 na oh."

"H-ha? Ito ba 'yong school? Schoolmate kita?!"

"Engeng ka ba?" Nakakunot na ngayon ang noo niya. And everything makes sense now... Hinila niya ako ng bus kasi ito na pala yong school. Baka naligaw at nalate pa ako kung hindi dahil sakanya!

"Hehehe hindi. Sorry, bago lang ako dito. Pwedeng pahatid ako sa room ko?" Sabi ko at nagpacute ng onti lang kasi nahihiya ako sakanya. Tumango naman siya so that means na sasamahan niya ako sa room ko.

Nakangiti ako na sumunod siya sakanya.

Kumarap-kurap ako dahil malabo lang ang nakikita ko. Nang luminaw, nilibot ko ang paningin ko. Ospital. Right. Oo nga pala.

I tried to get up but my body feels so weak. Napatingin ako sa kanan ko.

Oh my gosh... Si Aether ba ‘to? Natutulog at nakahawak sa kamay ko. Ilang araw na akong tulog? Anong nangyari? Nandito siya so that means, natatandaan na niya ba ako...?

Sumaya agad ang sistema ko sa naiisip. Namumuo na rin ang luha sa mata ko. Sana lang natatandaan niya na talaga ako.

“Nixon? Nixon! Shit—gising ka na!!” Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap, at hinalikan ang kamay ko. He's like in panic pero he treats me like a fragile glass sa bawat galaw niya. Para siyang hindi makapaniwala.

"Fu—Shit. Shit. You’re awake!” Niyakap niya ulit ako.

Napaiyak na lang ako at napangiti.

He remembers me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

aether Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon