61. nixon's

201 13 2
                                    

nixon's

I can't explain just how happy am I.

"Anong sabi niya?" Naeexcited kong tanong kay Kev. But at the same time kinakabahan ako kasi malalaman ni Aether may sakit ako.

Bakit naman kasi kung kelan naalala na niya ako saka lumala ang sakit ko. Feeling ko ang sama sama sakin ng buhay. Nung una okay eh. Masaya kami ni Aether dati, naaksidente siya dahil sa katangahan ko, tapos nagkaamnesia siya. Nakalimutan niya ako, then lumayo ako sakanya dahil sa stepmother niya. Hanggang sa napabayaan sarili ko dahil sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya, which is totoo naman.

Kaya ngayong may malala na akong sakit, ano pa bang magagawa. Siguro kahit makita ko nalang si Aether, kahit mayakap ko nalang siya at masabi sakanya kung gaano ko siya kamahal.

"Don't worry too much, tinext ko na siya and he's on his way here." Sagot naman niya. Feeling ko nanlalamig ang kamay ko. Gusto ko na siya makita, yayakapin ko agad siya hehe.

Nakatitig lang ako sa wallclock habang hinihintay siya and suddenly, para bang napakabagal ng takbo ng oras.

"Aether, pakibilisan please..." Bulong ko sa sarili ko tapos nirub ko ang kamay ko at hinipan ito. Parang ang lamig kasi, siguro malakas ang aircon.

"Kev pwedeng pakihinaan yong aircon?" Binaggit ko na sakanya kasi ang lamig talaga eh.

"Relax ka lang kasi." Sambit tapos then hininaan din yong aircon. Tapos lumapit siya sakin, hinimas niya ang noo ko saka leeg.

"Sht! Ang init mo!" Nagpanic siyang bigla, at makikita mo talaga ang pag-aalala sa mukha niya. Matotouched na sana ako pero yong gustong-gusto kong makita na tao eh...

"Ayos lang ako, Kev. P-Pakitext nga siya uli, pakisabi bilisan..." Nanghihina na ata ako, sabi ko kay Kev hinaan aircon eh. Nanlalabo rin mata ko.

"Wait, tatawag ako doctor! Please, Kisses, stay ka lang!" Lumabas siya ng room ko. Thoughtful talaga ng bestfriend ko.

Magstay daw ako, hindi naman ako aalis. I'm trying... ang bigat ng mga talukap ng mata ko at nanlalabo na paningin ko eh.

Pakibilisan, Aether...

Biglang bumukas yong pinto. And there, si Aether. I opened my eyes widely para makita siya. Hingal na hingal siya na para bang nagmamadali. Ang gwapo niya pa rin sa paningin ko. May sinasabi rin siya pero hindi ko na marinig.

Nginitian ko nalang siya. Sorry, Aether...

then nakatulog na siya.

malapit nang matapos guyuyys baka hindi na umabot ng 70 pero try ko medyo pahabain hehe. comments ayee

aether Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon