47.

294 23 2
                                    

backread kayo sa chapter 35 (kung gusto niyo lang) para hindi kayo malito at saka tagal ko nang di nag-update huehue. sorry huehuehueHue may nagbabasa pa nito ?? :(

————

"Aether, remember me, please." Sabi ng isang babae na Aether's not familiar with. Hawak-hawak nito ang kamay niya.

Gustong magsalita ni Aether pero parang hindi niya maibuka ang bibig. Nilibot niya ang paningin niya, malinaw naman ang paligid pero noong ibinalik sa babae ang paningin ay malabo ang mukha. Hindi niya makita ng maayos.

"Mahal na mahal kita, alalahanin mo ko. Sabi mo mahal mo ko diba?"

"Sino ka ba talaga?" Kunot noong tanong niya dito. Nakapagsalita na rin siya.

"Ako 'to." Naramdaman niya na may tumulo sa kamay niya. Umiiyak ito.

"Ayaw mo namang sabihin ang pangalan mo." Ilang gabi na kasi niyang napapanaginipan ito.

"Remember me. Tumatakbo ang oras," Nagtaka siya sa sinabi nito. "Ha?" Sa ilang gabi, wala naman itong sinabi na ganto. Ngayon lang.

Kinurap-kurap niya ang mga mata, baka sakaling mamukhaan ng maayos ang dalaga. "Nixon?"

—————

"Dude! Tangina naman kasi bangon na! Patay ka na?" Nagmamaktol na sabi ni Syntax. Kanina pa kasi niya ginigising si Aether.

Bigla namang napadilat si Aether at bumungad sakanya si Syntax.

"Wow buhay pa pala. Kala ko patay ka na. Ayaw mong gumising eh." Imbes na sagutin si Syntax ay napatitig lang ito sa kisame. "Oy 7:05 na—"

"Bakit nasa panaginip ko siya?"

"Ano?" May sinasabi daw ata kasi si Aether.

"Tumatakbo ang oras?" Para bang bumalik siya sa wisyo at walang ano-ano'y bigla siyang bumangon para maligo. Kakausapin niya ang katabi niya. Si Nixon

———

WASSAAAAAP GUYS

aether Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon