Prologue

5.5K 70 7
                                    

PROLOGUE:

        Habang bumabagsak ang ulan galing sa madilim na kalangitan, kandarapang tumatakbo si Karl habang may karga-kargang sanggol sa kanyang braso. Basang-basa ang dalawa, giniginaw at gutom na gutom. Bago pa lumakas ng todo ang ulan ay narating ni Karl ang destinasyon niya. Sa isang malaking bahay sa loob ng isang mamahaling subdibisyon. Pinagbukas kaagad siya ng pinto ng katulong at agad kinarga ang batang hawak-hawak niya. Umiyak ang sanggol ng mapahiwalay sa basang katawan ni Karl. May lumapit na lalaki kay Karl, ang kababata niya at asawa ng kapatid niya, si Marco.

"Ka-Karl... anong nangyari?" gulat na tanong ni Marco habang nakapako ang tingin niya sa basang lalaki sa kanyang harapan.

        

        May kinuhang papel na nakaplastic si Karl sa bulsahan ng jacket niya at saka inabot kay Marco. 

"Basahin mo na lang ang laman ng liham na ito," huminga muna si Karl ng malalim  bago siya nagpatuloy, "Alagaan mo ang aking anak, Marco... protektaham mo siya ng buong buhay mo. Sa iyo ko lamang siya maipagkakatiwala."

"Bakit ba? Ano ba iyon Karl?" nagtatakang tanong ni Marco, ngunit pag-aalala at pangamba ang naghahari sa kanyang dibdib dahil sa pinagsasabi ng kaibigan.

"Basta ipangako mo sa'kin Marco," sabay tapik sa balikat ng kaibigan at agad umalis ng walang sabi sabi.

       

         Lumusong sa malakas na ulan si Karl. Walang paki sa lakas ng ihip ng hangin o sa masakit ng pagbagsak ng ulan sa kanyang likuran. Ang kanyang hangad lamang ay makalayo sa lugar. Yun lamang...

        Huminga na lang ng malalim si Marco. Laging ganoon ang kaibigan niya. Hindi nagpapaliwanag kung anong nangyayari o nagkwekwento kung anong meron. Lumapit sa kanya ang asawa niyang si Sue, buhat buhat ang isang taong gulang nilang anak na si Tyrone. Narinig niya ang usapan ng dalawa mula sa sala. Hindi na siya nagmadaling lumapit sa kanila kanina dahil alam niyang hindi rin magpapaliwanag ang kanyang kapatid.

"Sabi ni Karl... iiwan muna niya ang bata sa atin," medyo mahinang sambit ni Marco sa asawa. 

        Tahimik lang si Sue, parang walang narinig. Ngumiti na lang siya bilang sagot. Pinagmasdan niya ang sanggol na nasa braso pa rin ng katulong. Umiiyak pa rin ang sanggol ngunit kapansin pansin dito ang mamula-mula nitong pisngi.

'Napakagandang bata,' bulong ni Sue sa sarili.

 

        Kinuha ni Marco ang sanggol sa katulong at agad itong inutusan kumuha ng tuyong kumot para sa bata. Sa mga oras na iyon, di alam ni Marco ang mararamdaman o iisipin, basta ang alam niya... aalagaan niya ang bata.

_____________________________________________

Don't forget to vote and leave comments kung meron man kayong gustong sabihin... Lol XD

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon