Chapter Seven

500 11 2
                                    

        

        "Saan siya, Marco? Saan ang anak ko?" pag-uulit na tanong ni Karl habang humahapit ang paghawak niya sa tasang hawak niya.

Ngumiti si Marco, "Antayin mo, Karl. Pauwi na siya."

Nasa sala sila ng mga Andrada. Nakaupo lang si Marco sa tabi ng kanyang asawang si Sue sa sofa, habang si Karl naman ay parang lalagukin ang isang baso ng mainit na tsaa sa isang inuman lang. Napabuntong hininga si Sue. Napatingin naman si Marco sa kanya.

"Sabihin mo na kay kuya," pabulong na sabi ni Sue sa asawa.

Si Marco naman ang napalalim ng hininga. Inantay niyang matapos si Karl sa kanyang iniinom bago siya nagsalita.

"Karl," simula ni Marco, "Ang totoo kasi... tinago namin sa anak mo ang tunay niyang pagkatao."

Ilalapag na sana ni Karl ang baso niya pero naudlot dahil sa narinig niya, "Anong ibig mong sabihin?" medyo nakangisi na tanong ni Karl at unti-unti ng binaba sa mesa ang baso.

"Kuya," si Sue naman ang nagsalita, "Sinunod lang namin ang gusto mo sa letrang binigay mo noon. Di ba't sabi mo na kailangan namin pangalagahan ang anak mo, kaya't tinago namin sa kanya ang pagkatao niya. Kuya, patawad ngunit, binigyan namin siya ng bagong pagkatao. Di na siya ang anak mong si Emma Wu, siya na si Zyrene Andrada. Kuya, nakatalaga na kaming bilang mga magulang niya."

Napatawa ng pilit si Karl. Di makapaniwala. Nagtinginan lamang ang mag-asawa.

"Di ba, sabi ko... itago niyo lang siya, protektahan... ngunit wala akong sinabi na angkinin niyo siya!" napalakas na sambit ni Karl sabay tayo sa kanyang kinauupuhan.

Halatang nagulantang ang mag-asawa. Napapikit si Sue dahil hindi niya maatim na makita ang kanyang kuya na sumasabog sa galit. Napatawa pa ng malakas si Karl, sarkastikong tawa. Hindi gusto ni Marco ang kanyang naririnig kaya muli siyang nagsalita.

"Karl, huminahon ka. Aking kakausapin si Zyrene, ipapaliwanag ko sa kanya ang katotohanan."

Napatingin ng matalim si Karl sa matagal ng kaibigan, "Ano sa tingin mo ang iisipin niya, Marco? Simple lang, iisipin niyang hinayupak ako dahil iniwan ko siya. Pinaubaya ko siya sa inyo Marco para alagaan siya at iparamdam ang mga magiging pagkukulang ko. Hindi ko siya iniwan para palitan niyo ako sa buhay niya. Wala akong sinabi na itago niyo ako sa kanya. Wala akong sinabi na palitan niyo ang pagkatao niya. Marco, gusto ko lang pangalagahan mo ang anak ko. Marco! Naiintindihan mo ako!" sabay sipa nito sa mesa. 

Nahulog ang mga basong nakapatong sa mesa at nabasag pagkabagsak sa marmol na sahig. Agad napahagulgol si Sue sa sigaw ng kapatid. Blanko lamang na nakatingin si Marco sa kaibigan. Halatang nagtitimpi lang ng galit si Karl. Ipagpapatuloy pa sana ni Karl ang kanyang sasabihin ngunit naputol nang biglang bumukas ang pinto. Isang matangkad na binata ang nagpakita pagkabukas ng pinto. Agad itong nagulat sa naabutan. 

"Ma, Pa, a-anong meron?" nauutal na tanong ni Tyrone habang palapit sa kanila.

Napatitig naman si Karl sa binata na agad naman ginantihan ni Tyrone ng pagtatakang tingin.

"Tyrone," bulong ni Karl, "So, ikaw pala."

_______________________________

        Isa lang ang alam niya. Dapat na silang magsimula. Napahigpit siya ng kapit sa bag na nakalapag sa kanyang mga hita. Sa kanyang tabi, napatingin sa kanya ang dalaga. Napabuntong hininga si Vamp. Nasa bus terminal sila ng Victory Liner sa Baguio. Naisangla nila ang sasakyan para di ma-trace nina Zyrene ang kinalalagyan nila. Buti at kahit papaano natakasan nila ang mga pulis na naghahanap sa kanila. Muling napabuntong hininga si Vamp.

"Ayos ka lang?" tanong ni Pepper.

Tumingin ang binata sa kanya, "Bakit mo pala ginagawa ito?"

"Uulitin ko ba uli ang sinabi ko sa'yo noon. Naniniwala akong inosente ka,"

"Paano mo nasabi?"

Di nakasagot ang dalaga. Diretso lamang ang titig niya sa mga mata ni Vamp. Ngayon niya lang na-appreciate ang mga iyon. Noong una niyang nakita ang mga litrato ng binata, hindi niya inaasahan na ganoon pala kagwapo ito at katingkad ang mga mata nito. Walang suot na prostetics si Vamp maliban sa bonet na kahit papaano ay nagtatago sa kabuuan ng kanyang mukha.

"Bakit di ka sumasagot?" basag ni Vamp kay Pepper.

Medyo nabigla si Pepper, ngunit sumagot agad, "Na-narinig ko kasi ang usapan niyo ni Killan sa Burnham Park nang minsan. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko, inosente ka talaga. Hindi ka naman siguro itatago ni Killan pag di ka niya pinagkakatiwalaan di ba?"

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong muli ni Vamp, hindi makapaniwala sa kanilang ginagawa.

Napatingin si Pepper sa grupo ng tao sa kanyang harapan, "Pangarap ko lang sa buhay ay magbigay hustisya at pag-asa sa mga taong inosente talaga, at naniniwala ako na inosente ka Vamp. Tutulungan kita pag tutulungan mo ako. Sabay natin lilinisan ang pangalan mo."

Hindi alam ni Vamp ang kanyang sasabihin. Tumahimik na lang siya at napalunok. Pakatapos na noon ay wala ng nagsalita sa kanilang dalawa.

__________________________

        Linabas ni Killan ang kanyang cellphone. Pinalabas na siya nina Michael at Zyrene mula sa pagkaka-detain niya sa opisina nila. Balik siya muli sa Benguet. Nag-iisip siya kung kokontakin niya sina Vamp, pero bakit pakiramdam niya may nagmamasid sa kanya. Mula sa kanyang bakuran, pinagmasdan niya ang kanyang paligid. Nang makasiguradong walang nagbabantay sa kanya, umupo siya. I-ko-call na sana niya ang number ni Vamp ng makaramdam uli ng masamang kutob. Di niya muna itinuloy at pinatay niya ang kanyang phone. Binuksan niya ang likuran parte ng kanyang cellphone. Tinanggal niya ang battery at nakita niya nga ang kinababahalaan niya. May nakakapit ditong tracking device. Agad niya itong tinanggal. Dahan-dahan niya itong hinugot para di magalaw ang signal. Linagay niya ang device sa isang pot. Linagay niya sa pot ang tracking device para di maghinala ang mga naglagay nito sa phone niya. Agad niyang inopen ang kanyang phone at tinawagan sina Vamp.

_________________________

        Sa ospital, dahan-dahan kinukuha ng nurse ang mga status ng comatose na pasyente. Habang sinusulat ang mga resulta sa papel niya, napansin ng nurse na gumagalaw ang mga daliri ng pasyente. Kaagad tinawag ng nurse ang doktor. Pagkalabas ng nurse, pumasok naman ang araw-araw na bisita ng pasyente, si Ricardo. Halatang gulat ang lalaki at minataan ang katawan ng dalaga mula sa kinatatayuan niya.

"Ang bilis mo naman magising, Jimreen," bulong ni Ricardo sabay hatak ng isang bagay sa kanyang bulsa.

Lumapit siya sa pasyente. Itinurok niya ang isang dose ng medisinang pampatulog sa katawan ng dalaga. Tinakpan niya ang turok ng injection bago muling binalik sa kanyang bulsahan.

"Matulog ka muna. Hayaan mong tapusin natin ang palabas," muling bulong ni Ricardo sabay labas ng kwarto.

_________________________

        "Anong meron?" tanong ni Zyrene ng makitang nagmamadaling lumabas ng opisina si Michael.

"Gising na daw si Jimreen!" sagot ni Michael at binilisang umalis.

Agad naman sumunod si Zyrene pagkatapos balutin ang sarili sa makapal na coat niya. Pero bago pa siya makalabas ng opisina, tumunog ang kanyang cellphone. Agad naman niya itong sinagot.

"Hello?" 

"Si Zyrene ba'to?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Oo, bakit at anong kailangan nila?"

Tumawa ng mahina ang lalaki sa kabilang linya, "Tsk... Zyrene, di ikaw si Zyrene. Emma, Emma ang pangalan mo."

Napamura ng mahina si Zyrene, nabwibwisit sa lalaki, "Ano bang kailangan mo at nagmamadali ako? Sino ka ba?"

"Ako ang tunay mong ama, Emma."

____________________________________

YES! BIG ACHIEVEMENT! SHOW YOUR LOVE, PLEASE LEAVE A COMMENT AND GIVE IT A STAR :) 

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon