Chapter Five

663 10 0
                                    

Chapter Five:

        "Oi! Halos dalawang araw na kitang tinatawagan. Buti naman at sinagot mo na," saad ni Tyrone ng sagutin na ni Zyrene ang tawag niya.

        Hindi na lang pinahalata ni Zyrene na nalulungkot siya, hindi dahil sa hindi niya pa nakikita ang kakambal, ngunit sa kadahilan na nakukulong pa rin siya sa sitwasyon tungkol sa kaso ng kapatid nila sa labas na si Jimreen.

        "Pasensiya na Tyrone. Busy kasi kami sa kaso ngayon. Hayaan mo, babawi na lang ako sa iyo," sagot naman ni Zyrene, nakaupo sa higaan ng kwarto nila ni Pepper.

        Hindi pa sila umaalis sa bahay ni Killan. Bukod sa ayaw ni Pepper umalis hanggang hindi sila magkaka-ayos ni Killan, gusto rin ni Zyrene na simpleng mag-imbestiga sa bahay ng inspector.

        "Talagang babawi ka!" Medyo demanding ang tono ni Tyrone, "Puntahan mo ako ngayon dito sa Camp John Hay, nandito ako sa Country Club."

        Medyo nagulat si Zyrene. Di niya inaasahan na nandito sa Baguio ang kakambal. Napangiti siya, "Sige, hintayan mo ko."

___________

        "Grabe ang kati nung balbas ng prostectics na pinagamit mo sa akin," reklamo ni Vamp habang naglakakad sila ni Killan sa Burnham Park.

        Maaga pa naman kaya nagdesisyon si Vamp na tanggalin ang prostetics niya. Malamig ang simoy ng hanggin at palabas na ang araw mula sa likuran ng mga gusali ng lungsod. Marami ang nag-ja-jogging ng mga oras na iyon. Yung iba naman nag-ae-aerobics. Yung iba naman nag-ba-bike.

        "Sanayin mo na ang sarili mo. Pagtitiyagan mo pa yun ng matagal," tanging sagot ni Killan, halatang walang mood.

        Napansin naman ni Vamp, "Si Zyrene ba ang bumabagabag sa iyo?" Di napigilan ni Vamp itanong.

        Di inaasahan ni Killan ang tanong ng kaibigan pero compose pa rin ito. May ilang segundo rin itong natahimik bago sumagot, "Oo. Pakiramdam ko, minamanmanan niya ako. Vamp, di ko gusto yung babaeng yun. Parang siya ang magtatapos sa kalayaan mo."

        Natawa ng mahina si Vamp. Tinignan na lang siya ni Killan ng mapakla. Pakiwari kasi ni Killan na siya pa ang mas nag-aalala sa sitwasyon ng kaibigan.

        "Killan, susuko na lang ata ako," mahinang sabi ni Vamp. Medyo nakayuko ang ulo nito, pero may bakas ng ngiti ito sa labi.

        Napahinto si Killan sa paglalakad dahil sa sinabi ng kaibigan. Pinahinto niya rin si Vamp sa paghawak sa kaliwang braso nito.

        "Nasisiraan ka na ata ng ulo. Noon, ayaw mong magpakulong ngayon, oo! Anong meron Vamp?" Napalakas na wika ni Killan.

        Tinignan na lang ni Vamp si Killan. Maaliwas ang mukha ni Vamp at halatang naguguluhan na ang kaibigan niyang si Killan sa kanyang inaasta. Huminga na lamang ng malalim si Killan.

        "Killan," simula ni Vamp, "Pag nalaman mo palang may na pwepwerwisyu ka ng buhay, nakokonsensya ka, kahit di mo kasalanan. Sobra, Killan, nung nakita ko yung mukha ni Zyrene nung kinompranta ka niya kamakailan dahil sa kin. Naramdaman ko na nahihirapan na siya ng sobra."

        Katahimikan. Hinintay muna nila ang isa't isa na makapag-isip. Tinignan muli ni Killan ang kaibigan. Nauulingan niya dito ang konsensya at pagsuko.

        "Sigurado ka ba? Di ba inosente ka? Paano kung sa huli pagsisihan mo ang desisyon mo?" Tuloy-tuloy na tanong ni Killan, sinisiguro na nasa tama pang pag-iisip si Vamp.

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon