Chapter Thirteen

484 13 1
                                    

        "Gising ka pala," saad ni Pepper kay Vamp pagkalabas niya ng hardin ng tinutuluyan nilang bahay. 

        Walang ideya si Pepper kung nasaan sila. Ayaw rin sabihin ni Vamp. Pagkatapos ata nitong ipakita ang video sa dalaga, eh medyo nabawasan ang tiwala nito sa kanya. Nakaupo si Vamp sa isa sa mga metal na upuan sa hardin. Umupo naman sa katabing upuan si Pepper. Sabay nilang pinagmasdan ang pagsikat ng araw.

"So," muling nagsalita si Pepper, "Anong gagawin natin? May naisip ka ba?"

        Di sumagot si Vamp. Tumunganga lang ito sa sumisikat na araw. Parang napahiya naman si Pepper dahil di man lang sinagot ni Vamp ang common sense na tanong niya. Napakamot siya sa kanyang leeg at nagtatangkang tumayo nang biglang nagsalita si Vamp.

"Babalik tayo ng Maynila sa susunod na linggo," at tumingin siya sa dalaga.

"Ano?" mahinang sambit ni Pepper. Di niya mabasa kung ano ang balak ng binata at biglaan ata ang pagdedesisyon niyang bumalik sa Maynila.

___________________

        Tinapon ni Zyrene ang inabot na papeles sa kanya ng isa sa mga pulis na nakaassign sa paghahanap kay Jimreen. Halatang nagulat ang pulis at nagmadaling iniwan si Zyrene dahil pansin dito na kailangan nitong mapag-isa. Hinawakan ni Zyrene ang kanyang ulo. Di niya alam kung mababaliw siya. Kinidnap ang kaibigan niyang si Pepper, nawawala si Jimreen at di pa rin umuusad ang imbestigasyon nila tungkol sa nangyaring attempted murder. Ang ibang biktima kasi ng kaso ay comatose pa rin kaya ang pag-asa sana nila ay si Jimreen, ngunit kung tinamaan nga naman ng lintik.

"Relaks lang, Andrada, baka mabaliw ka," biglang basag ni Michael sa kanya ng palapit ito.

        Tinignan ni Zyrene ang kanyang lider at agad na inaayos ang sarili. Ayaw niyang magmukhang tanga sa harapan ng boss niya.

Muling nagsalita si Michael, "Tungkol kay Jimreen, may ideya ako kung saan siya pwedeng pumunta."

"Saan ho?" agad na tanong ni Zyrene sabay lapit dito.

Sumeryoso ang ekspresyon ni Michael, "Kay Ricardo Santos, ang amo niya."

"Ha?" di makapaniwala si Zyrene, " Bakit naman sa kanya? Pwede naman sa bahay nina Papa... ay hindi, nina Mr. Marcos Andrada pala."

Nauulingan na ni Michael ang nangyayari sa dalaga, "Bata, sabihin mo nga, ano ba ang nangyayari sa iyo?"

        Nagdadalawang-isip si Zyrene kung sasabihin niya ba o hindi ang tungkol sa pagiging anak ng kapatid ng umampon sa kanya. Ngunit sa huli, nadulas ang kanyang dila.

_______________________________

        "Tyrone!" sigaw ni Sue ng makitang umaalis na naman ang anak.

        Huminto si Tyrone at hinarap ang halatang nagagalit na ina. Napa-ikot na lang ang kanyang mga mata. Hinablot ng kanyang ina ang kanyang braso. Mahigpit ang pagkakahawak nito.

"Saan ka na naman pupunta?" tanong ng ina, nanginginig sa galit.

"Pupuntahan ko si Zyrene," walang pakeng sagot ni Tyrone sabay tanggal ng kamay ng ina sa kanyang braso.

        Hahabulin pa sana ni Sue ang anak ngunit nakasakay na ito sa kanyang sasakyan at nagmamadaling pinaharurot ito. Kaysa maiyak si Sue sa nangyari katulad ng dati, napupuno na siya ng galit. Hindi dahil sa anak, ngunit dahil sa kanyang asawa na si Marcos at ang walang kwentang ampon na si Zyrene. Nagdadabog bumalik si Sue sa loob ng bahay.

"Walang hiyang buhay ito! Sinira ng asawa ko ang pamilya ko! Mas lalo na ang Zyrene na iyon! Hindi naman iyon tunay na anak ni Kuya Karl!!! Ampon lang naman iyon! Ampon!!!" napasigaw na wika ni Sue habang tuloy-tuloy sa sala.

        Ngunit di niya alam, nasa likuran niya si Karl. Narinig nito lahat. Kakarating lang nito. May gusto sana siyang linawin kay Marcos. Ngunit parang nasagot na ang tanong na gusto niyang linawin.

"Totoo nga," halos hangin na lang ang lumabas sa kanyang bibig, "Hindi si Zyrene ang anak ko. Akala ko mali lang ang naramdaman ko... ngunit, hindi talaga siya."

        Napatulala na lang si Karl at biglang napaluhod dahil nanghina ang kanyang mga binti.

_____________________________

        "Buti at di ka nasundan ng pulis," wika ni Ricardo sabay abot kay Jimreen ng isang baso ng red wine.

        Nasa loob sila ngayon ng isang private rest house ni Ricardo sa Tagaytay. Agad naman inabot ni Jimreen ang inoffer na wine ng kanyang boss. Ininom niya ito hanggang maubos. Di niya iyon inubos dahil matagal na siyang di nakakainom, pero para pawiin ang kabang kanyang nadarama. Matagal na kasing di niya nakita si Ricardo. At alam niyang, may malaki siyang utang dito. 

"Mukha atang Jimreen, sumablay ka sa plano," muling nagsalita si Ricardo ng umupo ito sa leather sofa na kaharap ng inuupuang silya ni Jimreen.

Di nakaimik si Jimreen. Napalunok na lang ito.

"Oh... so wala kang balak magsalita?" halatang naiinis na tanong ni Ricardo habang iniikot-ikot ang wine sa loob ng glass.

Agad na nagsalita si Jimreen, "So-sorry po. Ha-hahanapin ko po si V-Vamp."

"Hayaan mo na," muling nagsalita si Ricardo, "Ang pulis na ang bahala sa kanya. Ang importante ay nandito ka para di nila malaman ang kailangan nilang malaman."

        Napatahimik si Jimreen.

______________________________

        Sinusundan pa rin ni Tyrone si Zyrene kahit na sinabi na ng dalaga na layuan siya nito. Pursigedo si Tyrone na maka-usap at makatulong dito. Kumuha na nga rin siya ng assistans mula sa AFP para tulungan sina Zyrene sa hawak nilang kaso.

"Aso ka ba?! Bakit mo ba ako sinusundan?" galit na tanong ni Zyrene pagkaharap niya sa lalaki.

        Nasa labas lang sila ng isang fast food restaurant. Buti na lang, pasarado na ang restaurant kaya walang gaanong tao. At saka, mag-a-alas nuebe na rin ng gabi.

"Di ba sabi ko, gusto kong tumulong. Tinawagan ko na rin ang support unit ng AFP para maka-assist sa investigation niyo," sagot ni Tyrone, malumanay.

        Napangisi si Zyrene, "So gusto mo akong magpasalamat? Eh di Thank You!!" 

        Lalakad muli sana ito palayo ng biglang hinablot ni Tyrone ang kanyang kamay at agad na yinakap. Kinulong niya ito sa kanyang mga braso. Di napapitlag si Zyrene dahil sa labis na pagkagulat.

"Di ko naman ito ginagawa dahil lang sa iyo Zyrene, kapatid ko pa rin kahit papaano si Jimreen. Pero, higit sa lahat, ayaw kitang nakikitang nahihirapan... dahil... dahil... mahal na mahal kita Zy," bulong ng binata kay Zyrene.

        Nakaramdam kaagad ng ibang emosyon si Zyrene... emosyon na pwede niyang ihambing sa pagkapoot. Tinulak ni Zyrene si Tyrone papalayo. Muntik ng natumba ang binata ngunit napanatili nito ang balanse niya.

"Baliw ka ba?! Pinsan mo ako Tyrone! Pinsan!" huling sigaw ni Zyrene bago tumakbo palayo.

____________________

Another Chapter DONE!! Thank you Thank you so much for reading!! Please support the story by voting! And why not leave any comments below... Masaya pong marinig ang mga opinions niyo.

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon