Chapter Twelve

399 11 0
                                    

        Nagising si Killan dahil sa mga naririnig na ingay sa labas ng kanyang bahay. Napatingin siya sa cellphone niya. Alas-sais na ng umaga. Napa-unat siya ng kamay pagka-upo niya mula sa pagkakahiga. Tumayo siya at sumilip sa kanyang bintana para tignan ang ingay sa labas. 

"Aahh," bulong niya sa sarili, "Mga tourista na naman."

        Dumiretso sa banyo si Killan at nagmadaling naglinis ng sarili. Katulad ng normal niyang rotina, sinuot niya ang uniporme niyang pampulis. Ngunit kung iniisip niya na isa na namang normal na araw iyon, nagkamali siya. Biglang nagvibrate ang cellphone niya na nasa bulsahan ng pantalon niya. Agad niyang tsinek kung anong meron. May nagtext sa kanya. Unknown number.

"Hi! Kumusta ka na?" basa ni Killan sa text.

        Kaysa replayan ang text, tinawagan niya ang number. Pakiramdam niya kasi si Vamp iyon. Sa oras na rin iyon, gusto niya rin kumustahin ang kaibigan.

"Hello," sumagot ang kabilang linya. Di inaasahan ni Killan ang narinig na tinig. Babae ang sumagot. Sigurado siya na hindi ito si Pepper o si Zyrene, kilala niya ang boses na iyon, matagal na rin iyon di narinig.

"Sa-sandali... si Jimreen ba ito?!"

"Killan," umubo muna ang dalaga bago nagpatuloy. Halatang hindi pa ito magaling, "Kumusta ka na? Si Vamp?"

"Jimreen..." Napasinghap na lang si Killan dahil hindi pa rin siya makapaniwala, "Kailan ka pa nagising?"

_____________________

        

        Nakasandal ang ulo ni Pepper sa kaliwang balikat ni Vamp. Nakasakay sila ngayon sa isang roro. Di alam ni Pepper kung saan siya dadalhin ni Vamp, basta ang alam niya, doon ligtas si Vamp. Mahina ang alon at kalmado ang dagat kaya kahit kakalabas ng ospital at mahina pa, di nase-sea sick si Pepper. Sa kabilang banda, pasimpleng pinagmamasdan ni Vamp ang dalaga sa kanyang tabi. Naamoy niya ang ginamit na shampoo ng dalaga. Mint iyon, at para kay Vamp nakakarelaks ang amoy. Simula nang sumakay sila ng roro ay di pa sila nag-iimikan. Simple lang naman ang rason, dahil sa video na pinanood ni Pepper sa ospital. Alam niyang naliniwan ang dalaga, ngunit sigurado rin si Vamp na may pangamba pa rin ito.

_____________________

        "Nasaan siya?!" di mapigilan isigaw ni Zyrene pagkatapos ibalita sa kanya na nawala si Jimreen sa binabantayang kwarto sa ospital.

        Si Michael naman ay nakasandal sa padir na parang walang pakialam. Sigurado rin ang iba na nag-iinit na rin si Michael dahil sa kapabayaan ng mga pulis na nagbabantay sa kwarto ni Jimreen. Hanggang ngayon di pa rin makapaniwala si Zyrene na nawala si Jimreen sa kanyang kwarto na nasa ika-limang palapag ng gusali at gwardyado ng limang sekyuriti. Wala naman fire exit o fire ladder ang kwarto kaya napaka-impossible na makatakas si Jimreen. Para na lang itong naglahong parang bula.

"Ma'am, sorry talaga... Sigurado naman po kami na yung mga authorized personnel lang ang mga pumasok eh," paliwanag ng isa sa mga sekyu na nagbantay sa kwarto.

        Napakunot noo na lamang si Zyrene sa rason ng bantay. Tinapik ni Michael sa balikat ang dalaga, binibigyan babala na wag siyang magalit o kaya'y magwala. Huminga ng malalim si Zyrene, ngunit buwisit na buwisit pa rin.

"Sir," wika ng isang pulis na nagmamadaling lumapit sa kanila. May hawak itong maliit na laptop at saka agad na pinakita kina Zyrene at Michael ang screen nito, "Sir, ito po yung video na nakuhanan ng surveillance camera dito sa floor na ito."

"Magaling," komento ni Michael, "Sige i-play mo na."

        Katulad ng inaasahan, mga staff lamang ang mga pumasok at lumabas ng kwarto. Finast forward na ni Michael ang video ng mapansin walang masyadong importanteng detalye. Ngunit sinet niya muli sa normal speed ng mapansin ang pumasok na nurse na may tulak-tulak na trolley. Di man lang tsinek ng gwardiya ang ilalim nito na natatakpan ng puting cloth sheet. Sa ibabaw kasi nito ay pagkain na ibibigay sa nanghihinang si Jimreen. Muli ay iniskip iyon ni Michael at pinanood ang parteng lumabas na ang nurse na tulak-tulak pa rin ang trolley at wala na ang pagkain. Halatang inilapag na nito sa mesa sa loob. Napansin ni Michael ang sumisilip na hospital gown sa ilalim ng trolley. Gustong itapon bigla ni Michael ang laptop ng makita ang trick ng pagkuha kay Jimreen. Agad hinarap ni Michael ang pulis na nagpapanood sa kanya ng video.

"Itong mukhang ito, itong nurse na ito," turo ni Michael sa naka-pause na video, sa mukha ng nurse na nagtulak ng trolley, "Hanapin niyo kung sino siya."

        Mabilis na kumilos ang pulis, hawak-hawak ang maliit na laptop. Hinarap ni Michael si Zyrene. 

"Siguro alam mo na kung paano nakalusot ang kapatid mo?" pasimpleng tanong ni Michael sa nag-iinit na si Zyrene.

"Hindi ko siya kapatid... Pero sigurado ako na sa trolley siya nagtago para makalabas, base na rin sa video," wika ni Zyrene sabay talikod kay Michael.

"Iba na ang inaasta ng batang ito," napabulong tuloy si Michael sa sarili, "Ano kaya ang nangyari noong nakaraang araw at nagkakaganito ito?"

_______________________

        Sa loob ng kanyang silid-aklatan, pinagmamasdan ni Ricardo ang mga larawan ng isang batang babae na nakalagay sa isang photo album. Napapangiti siya tuwing lipat niya ng pahina ng album. Matagal niya rin hindi ito nakita. Matagal niya rin di nakaka-usap ang batang babae. Ah, mali pala, ni minsan ay di niya ito naka-usap. Inaasam niya na pagdating ng araw ay mayayakap niya rin ang batang babae na nasa kanyang photo album. Balang araw ay babalik ito sa kanya at tatawaging siyang ama.

_____________________

        "Maraming salamat!" mahinang wika ni Jimreen sabay abot ng pera sa nurse na nagtakas sa kanya palabas ng ospital.

        Nasa apartment siya ngayon ng nurse na tumulong sa kanya. Nahihiyang inabot ng nurse ang pera. Halatang medyo nakokonsensya pa ito.

"Huwag kang mag-alala, pagkatapos dumating ng damit na pinabili mo sa kapatid mo, aalis na ako dito," nanghihina pa ring wika ni Jimreen ng masulyapan ang malungkot na mukha ng nurse.

"Hi-hindi naman iyon eh. Nagtataka lang ako, ba't gusto mong takasan ang mga pulis? Baka balikan ka ng gustong pumatay sa iyo," bawi ng nurse sabay tingin diretso sa mata ni Jimreen.

"Mahabang kwento... mahaba..." yun na lang ang nasambit ni Jimreen sabay iwas ng tingin.

_____________________

Yes! Malapit ng ma-unravel ang mystery ng attemted murder ni Vamp. Salamat po sa suporta. Please show your support until I finish the story. Thanks! Please leave any comment and give it a star. :)

        

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon