Chapter Eight

507 11 1
                                    

        Nakatigin sa kawalan si Pepper. Napakamot tuloy siya ng ulo ng maalala kung nasaan sila. Ang nasakyan nilang bus ay dinala sila sa Ilocus Norte. Maling bus ang kanilang nasakyan. Dapat sa Ilocus Sur lamang sila. Napangiti tuloy siya ng mapakla. Buti  na lang may nahanapan silang matutuluyan pansamantala sa lugar. 

"Ayos ka lang?" narinig ni Pepper ang boses ni Vamp na kakapasok lang sa kwartong inuukupa niya.

May dalang dalawang soda can ang binata. Kaagad niya itong inaabot kay Pepper at nagpasalamat naman ang dalaga.

"Hindi eh. Nakakaloka lang isipin na napunta tayo dito. Tuloy, kailangan na muli nating magbiyahe bukas," sagot ni Pepper sabay inom ng soda.

"Siya nga pala, nakausap ko ang aking papa. Nagpadala rin siya ng pera para may gastusin tayo." 

Napatingin si Pepper kay Vamp, "Alam na iyong papa na nagtatago ka?"

"Oo. Hindi man kami malapit sa isa't isa, alam niyang di ako klase ng tao na iniisip ng karamihan," mapait na sambit ng binatilyo.

"Naalala ko, paano kayo nagkakakontak ng iyong ama? At saka paano siya nagpapadala ng pera sa iyo? Kasi kung sa bangko ang transakyon, matra-track kayo ng NBI,"

"Alam ni papa ang ginagawa niya. Gumawa siya ng dummy account ko sa bangko para makapagpadala siya ng pera ng di niyo natra-track. Sa komunikasyon naman, paiba-ibang sim at phone ang ginagamit niya para tawagan ako. Minsan pa nga'y sinisira niya ang mga ito bago sunugin."

Inayos ni Pepper ang pagkakaupo niya sa kama para makaupo sa tabi niya si Vamp. Agad naman umupo si Vamp ng bigyan na siya ng espasyo ni Pepper.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" muling tanong ni Pepper.

Iinumin na sana ni Vamp ang kanyang soda ngunit napatigil sa tanong ng dalaga, "Anong ibig mong sabihin?"

Unti-unting linapit ni Pepper ang kanyang mukha sa mukha ng binata at mahina siyang bumulong, "Ano ang nangyari sa araw ng krimen?"

Napalunok si Vamp. Umiwas siya kaagad ng tingin kay Pepper. Nahalata ng dalaga na bigla itong nanginginig, para bang may tinatago. 

___________________________

        "Anong nangyari?" agad na tanong ni Zyrene ng makitang may nagkukumpulan na grupo ng pulis sa labas at loob ng kwarto ni Jimreen.

Agad naman na lumapit sa kanya si Michael ng makita siyang parating, "Bad News. Doon tayo sa loob ng kwarto mag-usap."

Pagpasok nila sa kwarto ay unti-unting lumabas ang mga taong nasa loob ng kwarto maliban sa isang doktor, nars at ang dalawang pulis na nagbabantay sa kwarto. Halatang maasim ang ekspresyon ni Michael. Napahaplos pa ito sa baba niya. Naulingan ni Zyrene na may nagyayari nga na di kaayaya. Napatingin siya sa kama ng kwarto, wala na ang nakahimlay na si Jimreen. Gising na kaya ito?

"Nasaan si Jimreen?" kaagad na tanong ni Zyrene sabay mata sa doktor at nars.

Di sila sumagot kaya napatingin si Zyrene sa dalawang bantay ng kwarto ngunti di rin sila sumagot.

"Linipat siya ng kwarto," si Michael ang sumagot, linagay ang dalawang kamay sa kanyang bewang, "Di pa siya gising, Zyrene."

"Ano?! Akala ko ba ay gising na siya?" gulat na gulat na reaksyon ng dalaga sabay tingin sa kanyang leader.

"Sandali makinig ka muna!" napalakas na sabi ni Michael ng maramdaman ang bugso ng emosyong ni Zyrene, "Hindi ito simpleng problema Zyrene, may gustong tuluyan ng matulog ang iyong kapatid."

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon