Chapter Two

1.6K 18 0
                                    

Chapter Two:

        Lumapag ang helicopter na sinasakyan nila sa isang soccer field sa Benguet. Mula sa ere, bumungad na sa kanila ang bulubunduking tanawin ng lugar. Sinalubong sina Zyrene at Pepper ng malakas na ihip ng malamig na hangin pagbaba nila ng helicopter. Inalalayan kaagad sila ni Killan at ng mga kasamahan nito. Kahit pagod ang dalawa, kaagad silang dinala sa CAR Police Headquarters at doon nila pinag-usapan ang tungkol kay Vamp. Halatang seryoso ang lahat sa pagdating ng dalawa sa opisina.

"I am Insp. Killan Kinnear, I'm the one who will help in your investigation err... I mean in your searching operation," pakilala ni Killan habang silang tatlo nina Zyrene at Pepper ang naiwan sa loob ng opisina niya.

"Well... were glad..." medyo nahihiyang tugon ni Zyrene habang ine-eksamine ang loob ng opisina.

           Malinis ang opisina. Maayos na nakaligpit ang mga papeles at ibang dokumento sa pwesto nito. Halatang araw-araw rin itong linilinisan hanggang sa sulok-sulok ng kwarto. Medyo unusual iyon sa kanya, ang opisina kasi ni Michael, ang Head ng grupo nila, halos bahayan na ng gagamba sa dami ng sapot sa sulok-sulok nito.

"And there's more, feel free to ask me anything, anytime," dagdag ni Kilan sabay ngiti sa dalawang dalaga.

He has mischievous smile sabi ni Pepper sa sarili habang si Zyrene, hindi iyon pinansin at tuloy pa rin sa pagpansin sa kalinisan ng opisina.

"Emmm.... Inspector..." naudlot ang sasabihin ni Zyrene ng magsalita si Killan.

"Just call me Killan... please... I'm little irritated with Inspector only," putol ni Kilan na halatang pilit ang ngiti.

"O-okay... Killan, can I have a photo of Vamp Santibanez.... Emmm... I  forgot to get some photos from Micheal back when we are still in Manila," medyo nahihiyang sabi ni Zyrene. 

        Ngumiti si Killan at pumunta sa pinakamalapit na mesa at may kinuhang envelope. Sa envelope na iyon, may kumuha itong mga parisukat na puting photo paper. Pagkatapos niyang kumuha, hinarap niya muli sina Pepper at inabot ang kinuha. Pinagmasdan ni Zyrene ang larawan, kung pagmamasdan ang mukha ni Vamp, mas inosente pa ang mukha nito kaysa sa tuta, ngunit cool ang angas ng styles nito. Tumingin na rin si Pepper sa litrato. Parang namumukhahan ko siya ahhh.... sabi niya uli sa sarili.

"Well... Thank you, Killan, can I ask for a favor?" medyo naiilang na si Zyrene, hindi siya makapaniwala na ginagawa niya ito. Hindi kasi siya yung tipo na humihingi ng pabor o kahit ano para makausad sa isang bagay o malagpasan ang isang problema.

"Hmmm... go on," medyo nagtatakang sabi ni Killan. 

"Ehh... kasi unang araw pa lang namin dito ni Pepper at saka...." napahinto si Zyrene sabay lunok at nag-iisip kung itutuloy ba ang sasabihin. 

"Hmm" napaganun na lang si Killan ng hindi matuloy ni Zyrene ang sasabihin niya. Pero sa loob niya, nakyu-kyutan siya sa kinikilos ng babae. 

        Alam na ni Pepper ang sasabihin ni Zyrene kaya siya na ang dumakdak.

"Alam mo Sir Killan... mahiyain sa ganitong bagay si Zyrene kaya ako na," umubo si Pepper at kanyang itinuloy, "Pwede bang makitulog sa inyo habang nag-i-investigate tayo err... search pala at saka mukha kayong single kaya please pumayag ka na," mahabang sabi ni Pepper na walang hinga no hinto, napangiti pa siya sa sinabi niya.

        Napayuko si Zyrene. Si Killan halatang nabigla pero kaagad na sumeryoso ang mukha.

Ang pranka niya!!! sabay na sabi nina Zyrene at Killan sa loob nila

Hindi muna sumagot si Killan, nag-isip muna siya. Naalala niya si Vamp, nakatira at nagtatago ito sa bahay niya. Malaking problema pag nakita ng dalawa si Vamp. Kung tatanggihan niya naman baka sabihin ng dalawa na wala siyang hospitality. Ng walang ano-ano'y, may naisip siya kaagad.

"Sige ba... as Ms. Pepper said single naman ako ehhh... at saka mag-isa ako sa bahay... and don't worry I'm not like other guys out there," nakangiting sabi ni Kilan sabay tingin kay Zyrene 

Tuwing napapatingin si Killan kay Zyrene, may naaalala siya na kung anong bagay. Pero kung ano man yun, hindi siguro iyon ka-importante.

        Sa loob ng isang pribadong kwarto sa St. Luke's Hospital, may babaeng payapang nakahiga at nakapikit ang mga mata. Maraming apparatung nakadikit sa kanya. May isang ginang na nakaupo malapit sa kama at isang ginoo na nakatayo sa tabi naman nito. May mga pulis sa labas ng kwarto, mahigpit na binabantayan ang silid. Parang isang mahalagang dyamante ang laman noon.

"Kawawang bata... kung sino man ang gustong pumatay sa kanya ay sana maparusahan na," nagsimulang mag-salita si Ricardo, habang tinitignan pa rin ang payapang mukha ni Jimreen, na hanggang ngayon ay comatose

"Tama ka..." yun lamang ang sinagot ni Sue na parang di na aapektuhan.

"Mauna na ako Mrs. Andrada, marami po akong appointments," paalam ni Ricardo sabay labas ng kwarto.

        Hindi sumagot si Sue. Pero meron siyang pinagtataka, bakit laging binibisita ng Ricardong iyon si Jimreen ni wala naman itong relasyon sa dalagita, mag-amo lang naman sila eh. Gusto niyang mag-isip na may malalim na ugnayan ang dalawa ngunit tinanggal niya lang sa isipan niya ng  makitang pumasok ang mga doktor para i-check si Jimreen.

        Habang inaayos ni Michael ang papeles na nakapatong sa mesa, biglang may sumulpot na lalaki sa harapan niya. Aakalaing mong modelo sa gwapo at bihis nito. Malakas rin ang suot nitong pabango, na para kay Michael, nakakairita sa pang-amoy. Ang mga babae sa labas ng opisina at ang mga nasa kani-kanilang cubicle ay nagsisitayuan ng makita ang binata, halatang kinikilig.

"Oi demonyito... yung kakambal ni demonyitang si Zyrene, anong ginagawa mo dito huh?" tanong ni Micheal na may halong pang-aasar sa binata.

Hindi kaagad sumagot si Tyrone, luminga-linga muna siya. Parang may hinahanap.

"Si Zyrene?" tanong ni Tyrone kaysa sumagot ito. Malamig ang kanyang boses na parang walang pakialam sa mundo.

"Nasa Benguet siya," ngumisi si Michael sa sagot niya sabay balik sa pag-aayos ng papeles. Wala na siyang balak makipag-usap kay Tyrone dahil sa totoo lang wala silang pagkakapareha at alam naman nilang dalawa na ayaw nila sa isa't isa dahil sa kanya-kanyang ugali.

        Tinignan ni Tyrone si Micheal. May kinuha siya sa bulsa niya at tinapon sa mesa ni Michael.

"Galing ako ng Singapore. I visit some relatives... tip ko na iyan sa pagsabi mo kung saan si Zyrene," sambit ni Tyrone sabay labas ng opisina.

        Sa paglabas ni Tyrone sa opisina niya, narinig niya ang mga tawanan at gigilan ng mga babaeng employee ng unit niya. Napabuntung-hininga na lang siya. Nakulong ang mata niya sa hinagis ni Tyrone sa mesa niya. Halatang mabigat dahil may narinig siyang malakas na impact galing doon. Kinuha ni Micheal ang hinagis nito, nakabalot sa isang wrapper, hugis kahon. Binuksan niya iyon, relo, kaagad niyang nakita ang mamahaling tatak nito. Ngumiti siya.

Sabi ko na nga eh sabi niya sa sarili

 -------------------------------

Writer's Note: Mahina ako sa Tagalog... pero gusto kong magsulat so please just bare with it... and Thank You for Reading... :)

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon