Chapter Fourteen

812 17 11
                                    

        Di alam ni Pepper ang nararamdaman. Matagal-tagal na rin niyang nakasama si Vamp. Kaysa pagka-poot ang maramdaman niya dito, mas nararamdaman niya ang paghanga dito. Nakasakay sila sa isang pribadong sasakyan na pinadala ng ama ni Vamp. Nasabi na rin ni Vamp ang balak sa ama, at rinerespeto nito ang desisyon niya. Alam na rin nila ang pagkagising at pagkawala ni Jimreen. Halatang naghalo-halo ang emosyon ni Vamp. Napapakunot-noo na lang siya pag naalala ang sinabi ng ama.  Sa kabilang dako, habang mabilis na minamaneho ng driver ang sasakyan, sa tabi ni Vamp, malayang nag-iisip si Pepper. Mula sa nagsisiwalaang larawan ng puno sa kanyang paningin, napadpad ang kanyang isipan sa panahon na pinakita ni Vamp ang bidyu.

Sa ospital...

        Walang ulirat na tinignan ni Pepper na plinay ni Vamp ang video sa may laptop. Di niya alam kung magsasaya siya o magagalit dahil ngayon lang pinakita sa kanya ng binata ang bidyu. Ngunit, ngayon na nanakit ang buong katawan niya sa nangyari sa computer shop, wala na siyang pakialam. Nagsimula and sequence ng video sa pagpasok ni Vamp at ng dalawa niyang kasama sa loob ng condo unit. Mukhang masaya silang lahat ng batiin sila ni Jimreen sa pagdating. Finast forward ni Vamp ang video. Wala lang naman kasing kwenta ang sumunod na eksena. Nag-inuman lang naman sila. Pagkatapos plinay ni Vamp ang video sa normal speed. Halatang lasing na ang dalawang kasama ni Vamp. Tumayo si Vamp. Mukhang nagpaalam kay Jimreen na gagamitin ang banyo. Tumango lang ang dalaga. Ang sumunod na nangyari ay di na inasahan ni Pepper. Pagkawala ni Vamp sa eksena, nagmadaling naglabas ng matulis na bagay mula sa kusina si Jimreen at pinagsasaksak ang dalawang lasing na bisita. Mukhang di pa ito nasiyahan at saka hinampas ng bote ng alak ang mga mukha nito. Biglang nagulat si Jimreen sa biglang pagsulpot ni Vamp sa harapan niya. Halatang nasindak ang binata sa nakikita. Susugurin sana siya ni Jimreen ngunit napigilan ni Vamp ang kamay nito. Sumisigaw si Vamp, ngunit walang audio ang video kaya di marinig ni Pepper ang pinagsisigawan ng dalawa. Sumigaw naman pabalik si Jimreen at tinulak ang sarili palayo kay Vamp. Hawak-hawak ang kutsilyo sa kamay nito, tangka sana ni Jimreen na sasaksakin ang sarili ngunit muli siyang napigilan ni Vamp. Dahil sa pagpupumiglas niya, aksidenteng natulak ni Vamp ang kutsilyo sa tiyan ni Jimreen. Kaagad itong natumba sa sahig. Napamaang ang binata sa nangyari. Nakasulat sa buong mukha nito na di niya alam ang gagawin. Kinuha ni Vamp ang kutsilyo at nagmadaling lumabas ng unit. Doon na nagtapos ang video.

Di alam ni Pepper ang sasabihin. Ang buong akala niya si Jimreen talaga ang sumaksak sa sarili. Hindi pala. Napabuntong-hininga na lang siya. Nakita niya na lang ang sarili na nakatingin sa malungkot na mukha ni Vamp.

"So," basag ni Pepper sa katahimikan pagkatapos ng video, "Nasaan yung murder weapon?"

"Nadispose na namin. Hindi ko nga alam kung saan. Si Killan ang nagtapon," sagot ni Vamp sabay patay ng laptop.

"Kanina ka pa nakatingin sa akin. Problema mo?" biglang nagising sa katotohanan si Pepper ng marinig ang boses ni Vamp.

"Ah... wa-wala," pilit na ngiti ng dalaga sabay tingin muli sa labas ng sasakyan.

Katahimikan. Tuloy pa rin ang mabilis na biyahe ng driver. Wala pa rin nagsasalita sa kanilang dalawa.

"Pepper," tawag sa kanya ni Vamp.

Medyo nasorpresa si Pepper. Di niya maalala kung kailan siya huling tinawag ni Vamp sa pangalan.

"Ba-bakit?"

"May naghihintay ba sa'yo? Baka naman may nag-aalala sa'yo dahil dinala kita dito," may pag-aalangan sa boses ni Vamp.

"Si Zyrene and Boss Michael lang ang nag-aalala sa akin. Wala na akong pamilya," medyo malumanay na sagot ni Pepper sabay tingin muli sa binata.

Tinignan naman siya ni Vamp pabalik, "Nasaan na sila?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon