Chapter Nine

488 10 0
                                    

        

        Mabigat na hinga. Yun ang naririnig niya. Nakaupo si Pepper mag-isa sa loob ng rinentahan nilang sasakyan ni Vamp. Bumilos ang kabog ng kanyang puso ng maramdaman na may palapit. Mas lumakas ang naririnig niyang paghinga. At kung kaninuman iyon, inaamin niya na siya ay napapalibutan ng takot dahil roon. Sa labas lamang ng sasakyan, may kumatok. Kinilabutan si Pepper. Gabi na nun at iniwan siya ni Vamp pansamantala upang bumili ng makakain, ilang kanto mula doon. Sigurado siyang hindi si Vamp iyon dahil sa suot nito.

"Buksan mo," narinig niyang malumanay na utos ng lalaki sa labas habang patuloy na kinakatok ang pinto ng sasakyan.

"A-ayaw ko!" pasigaw na sagot ni Pepper sabay labas ng kanyang baril na nasa cupboard lang ng sasakyan.

Pagtingin niya muli sa may binatana, nawala na ang lalaki. Nawala rin ang katok. Akala niya umalis na ito at agad na linapag muli ang baril sa cupboard ng biglang may sumakal sa kanya mula sa likuran ng sasakyan. Napalingon si Pepper konti. Di man niya talagang nakita ang mukha ng lalaki, sigurado niyang nasulyapan niya ito at nakita ang isang sugat sa kanang pisngi nito.

"Sabi ko sa'yo buksan mo. Iyan tuloy," sabi ng lalaki sabay halakhak.

Nararamdaman ni Pepper na nawawalan na siya ng hininga ng makaramdam siya na para ba siyang kinukuyog.

"Pepper... Pepper... gising! Binabangungot ka ata!" narinig niya ang pamlyar na boses ni Vamp.

Minulat ni Pepper ang kanyang mga mata. Panaginip lang pala. Pala. Nakita niya agad ang mukha ni Vamp na kanina pala siya kinukuyog para magising. Narinig kasi ni Vamp mula sa kabilang kwarto ang mahinang sigaw ni Pepper.

"Aalis na tayo ngayong araw. Ayos ka lang ba na magbiyahe ngayon?" tanong ni Vamp nang makita niya ang pagmulat ni Pepper ng kanyang mata..

Napa-upo sa pagkakahiga si Pepper, "Oo, ayos lang," matamlay niyang sagot sabay haplos sa kanyang noo.

Sa mga oras na iyon, napapa-isip tuloy si Pepper sa panaginip na iyon. Pakiwari niya may nagpaparamdam sa kanya. Napatingin siya kay Vamp. Ang amo talaga ng mukha ng lalaki. Naalala niya tuloy yung CD na kinuha niya sa luggage case nito. Hindi pa niya ito napapanood dahil baka mahuli siya ni Vamp. Hinihintay niya lang tamang panahon. Gusto niyang malaman kung demonyo ba na nakabihis anghel si Vamp o inosente talaga.

__________________

        "Gising na siya," bulong ni Zyrene sa sarili. Dalawang araw ng nakakaraan nang nangyari ang aksidente sa ospital. Napabuntong-hininga na lang siya.

Habang nagmamadaling inaasikaso ng mga doktor at nars ang nanghihina niyang katawan, walang pikit na pinagmamasdan ni Jimreen si Zyrene na nakatayo sa tabi ng pintuan ng kwarto niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Dapat nga ba siyang maging masaya dahil meron ito? Umiwas na lang siya ng tingin at linipat ang pansin sa tanawin sa labas ng bintana. Muling napabuntong-hininga si Zyrene sa nakitang inasta ni Jimreen. Hindi pa nila itong pwedeng interbyuhin dahil mahina pa ito, pati'y pagsasalita nahihirapan ito. Lumabas ng kwarto si Zyrene ng biglang tumunog ang kanyang phone. May tawag siya. Unknown number.

"Hello," sambit niya pagkatapos pindutin ang accept button.

"Zyrene," pamilyar ang boses na iyon. Boses ng matandang lalaki na minsan tinawagan siya at sinabing siya raw ang totoong ama niya.

"Bakit ka na naman tumawag? Huwag mo na akong lokohin, ibaba ko na ito,"

"Huwag," matigas na tanggi ng boses, "Nandito ako sa labas ng ospital kung nasaan ka. Lumabas ka at magharap tayo," at siya naman ibinaba ni Zyrene ang phone.

Agad niyang pinatay ang kanyang cellphone. Wala siyang pakialam. Baka kasi isa lamang iyon prank call. Palabas na ng ospital si Zyrene nang makita ang ama at ang kakambal na si Tyrone sa tabi ng entrance ng ospital. Linapitan niya ang mga ito. Kahit casual ang pakikitungo niya sa kanila, may nararamdaman siyang 'awkwardness' pag nakikita o nakakasama ang kakambal na si Tyrone, mas lalo na pag naalala niya ang nangyari sa Baguio.

"Zyrene, kanina ka pa namin inaantay," wika ng kanyang ama na si Marcus.

Tumingin laman sa kanya si Tyrone. Kita sa mata ng binata at sabik na maka-usap siya ngunit halatang tinitikum ang bibig. Di na lang pinansin ni Zyrene ang binata.

"Ano ho ba ang meron?" tanong ni Zyrene ng makita ang hindi matahimik na kilos ng ama.

"Tara at sa labas tayo mag-usap," yun na lamang ang sagot ni Marcus sabay labas ng ospital.

Sumunod na lamang sina Zyrene at Tyrone. Sinundan nila ang kanilang ama sa may parking lot malapit sa isang silver Lexus na nakaparada. Sa may sasakyan, may nakatayo ritong matikas na lalaki na may katandaan na, ngunit halatang napakalakas pa rin. Napatingin ang lalaki kay Zyrene, biglang lumiwanag ang nakakunot na noo nito.

"Zyrene," wika ng lalaki ng makalapit na sila sa kanya.

Nagulantang siya sa narinig. Iyon ang boses na narinig niya sa phone niya kanina. Di siya makapaniwala na hindi pala iyon prank call. Tahimik na lamang si Marcus ng makitang naguguluhan si Zyrene. Pati si Tyrone ay tahimik na lang nagmamasid sa tabi ng dalaga.

"Anong nangyayari dito?" muling napatanong si Zyrene. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"Zyrene... ito si Karl Wu... ang iyong ama," diretsahang pakilala ni Marcus.

Tumawa ng malakas si Zyrene. Hindi niya alam kung mababaliw siya sa narinig. Parang ang bilis naman ata. At anong kalokohan ba iyon.

"Hay naku, Pa... nagising lang si Jimreen, nagkaganyan ka na. Pinamimigay mo na ako. Pa... hindi ko siya kilala... hindi ko nga alam ang pangalan niya... Ngayon ko nga lang siya nakita eh," sumasabog na sabi ni Zyrene sabay rolyo ng kanyang mga mata.

"Zyrene... Zyrene... makinig ka. Totoo lahat ng sinasabi ko," at may linabas na brown envelope si Marcus sa kanyang laptop case, "Ito, nandito lahat ng patunay... Zyrene... patawarin mo kami... akala ko kasi... Kasalanan ko lahat..." nanginginig na wika ni Marcus ngunit patuloy na nagsasalita, "Nandiyan lahat ng kailangan mong malaman... kung bakit kita tinago... Kasalanan ko Zyrene... nagkamali ako," naiiyak na si Marcus.

Inaamin niya, di katulad ng kababata niyang si Karl, mahina si Marcus kahit matalino. Iyakin siya kahit lalaki at matanda na. Pinalaki kasi siya na mahina. At sa oras na iyon, nanghihina na siya. Gulong-gulo siya. Inabot naman ni Zyrene ang envelope at agad tsinek ang laman nun. May laman itong mga larawan, dokyumento, liham at iba pang mga papeles. Sa di mabilang na impormasyon na laman nito, di niya alam kung saan siya magsisimula.

"Bi-bigyan niyo ako ng oras," si Zyrene naman ang biglang nanghina. Siya rin ay naiiyak sa biglaang pangyayari. "Aalis muna ako."

"Samahan na kita," offer ni Tyrone ngunit tumanggi si Zyrene at nagmadaling tumakbo palayo sa lugar. Tuluyan bumagsak ang luha na nasa kanyang mga mata. Biglaan lahat. Na-me-mental distort siya. Emotional Breakdown. Pinawi niya na lang ang kanyang mga luha.

Masakit makita na sa una nilang pagkikita pagkatapos ang mahabang panahon, ganoon ang mangyayari. Di kayang tanggapin ni Karl na napalayo na ng tuluyan ang anak sa kanya. Ang sama ng kanyang pakiramdam. Kumukulo ang kanyang dugo, at biglang nanikip ang kanyang dibdib. Nang di malaman na rason, biglang nandilim ang kanyang paningin at walan ano'y natumba sa kinatatayuan.

_____________________

Sorry Late update! Exams eh... Anyways Thanks for readeing.. leave any comment.. or give it a star..

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon