Chapter Four

767 12 3
                                    

CHAPTER FOUR:

        Agad hinablot ni Pepper ang nakatutok na baril kay Killan. Nabigla si Zyrene sa ginawa ng kaibigan. Napanganga naman si Killan. Hindi na lang kumilos si Vamp sa kinakatayuan niya. Ayaw niyang madamay sa nangyayaring eksena.

"Zyrene, di tama ang ginagawa mo. Malay mo walang kinalalaman ang taong ito," mga salitang lumabas sa bibig ni Pepper. Tinago ng dalaga ang baril sa loob ng leather handbag nito.

        Tinaasan na lang ni Zyrene ng kilay ang kasama at agad minataan si Killan. Kalmado lang ang mukha ni Killan kahit parang nahihirapan ng huminga. Ngayon niya lang naramdaman ang siya ang inuusisa na parang kriminal. Ngayon alam niya na ang pakiramdam ng mga taong ini-interrogate niya; sinisigawan at tinutukan ng baril tuwing inuusisa nila sa opisina. 

"So, Killan, gusto namin malaman, nasaan si Vamp Santibanez? Simple lang naman ang tanong, sana naman madalian rin ang sagot mo," halatang naiirtang sabi ni Zyrene.

        Kahit masama ang pagka-mata sa kanya ni Zyrene, sa gilid ng mata ni Killan, nakikita niya ang mukha ni Pepper na parang di naniniwalang pwedeng magsinungaling ito sa kanila. Alam niyang maniniwala si Pepper sa lahat man ng sasabihin niya.

"Wa-wala akong alam," mahinahon na sinungaling ni Killan.

        Agad siyang sinapak sa mukha ni Zyrene. Kaagad naman na hinawakan ni Pepper si Zyrene. Hinarap muli ni Killan ang dalaga. Namula ang kaliwang pisngi nito. At aaminin niya, napakasakit noon.

"Parang awa mo na, sabihin mo ang totoo para matapos na ito," nangingiyak na sabi ni Zyrene. Nanginginig ang boses nito dahil sa poot, inis at irita.

        Nagulat si Killan sa nakikita. Namumuo ang luha sa mga mata ni Zyrene. May hindi ba siya alam? Nang hindi na makayanan bumalik sa loob ng bahay si Zyrene, pinipigilan ang luhang pumatak. Dinaanan lang niya si Vamp sa may pintuan. Alam ni Vamp bakit nagkakaganun ang dalaga. Kapatid niya ang biktima ng krimen, ano ba dapat ang maramdaman niya?

        Linapitan ni Pepper si Killan. Nagpa-umanhin. 

"Apektado si Zyrene sa kaso, kapatid niya ang biktima. Wala siyang paki sa kapatid niya, ngunit alam kong mahal niya ito," paliwanag ni Pepper.

        Hindi na lang nagsalita si Killan.

        "Sagutin mo ang tawag ko," mahinang bulong ni Tyrone sa sarili habang pinipilit tawagan ang out-of-reach na phone ni Zyrene.

        Nasa Baguio Country Club siya at doon muna nagpasamantalang magpahinga. Pero hindi siya matahimik dahil hindi sinasagot ng kakambal niya ang mga tawag niya. Muli niyang tinawagan ang numero ng kakambal pero biglang namatay ang phone niya. Nakalimutan niya pa lang i-charge pagdating niya sa hotel.

"Sh*t!" mura niya sabay tapon sa phone niya sa kama.

        Dumungaw siya sa terrace at nagpahangin. Kilalang-kilala niya si Zyrene. Ni minsan di siya nito inignore kahit sa call or text, kaya alam niyang may nangyayari na dapat siyang kabahan.

        Malakas ang yabag ng paa niya habang naglalakad patungo sa kwarto ng kanyang bibisitahin sa ospital. Huminto na lamang siya ng nasa harapan na siya ng kwarto. Tinignan ni Michael ang dalawang pulis na nagbabantay sa kwarto ni Jimreen.

"Sir, di niyo kami binalaan na darating kayo ngayon," sabi ng isa sa mga gwardiya.

"Wala na akong oras, pwede niyo ba akong papasukin?" sagot na lang ni Michael.

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon