Krystal's POV
*KRRIIIINNGGG!!! KRRIIIINNGGG!!!*
“Aishh!!!, 20 minutes nalang malalate nako. Ba’t naman kasi ngayon lang tumunog ang bwisit na alarm clock na’to.” sabay hagis ng alarm clock.
Pumasok na ako ng banyo, naligo at nagbihis after 10 mins tapos na ako.
Magdadalawang linggo pa lang nagsisimula ang pasukan tinatamad na akong pumasok, panu ba naman kasi parati na lang ako pinagtitripan ng mga kaklase kong kulang sa pansin. Di porket na saksakan ako ng bobo ay pwede na nilang gawin ang lahat ng gusto nila. I have my right you know! Uy, tama ba ko?, right or rights? Ah basta yun na yun.
*Creeeeeeekkkk...*
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nilock ko naman ‘yun kagabi ahh… at bakit ngayon ay bumukas ito.
“Good Morning ma’am nakahanda na po ang almusal niyo”
Haaayyyy...wala bang manners ang katulong na’to di manlang marunong kumatok, bigla bigla nalang pumapasok. IMBA lang eh!
“Ano ba!! di ka ba marunong kumatok ha?!?”
“Sorry po Ma’am, kanina pa po kasi ako tawag ng tawag sa inyo, hindi kayo sumasagot akala ko naman kong napano na kayo, kaya kinuha ko na lang ang ekstrang susi ng kwarto niyo”. Palusot pa ‘tong katulong na’to.
“Ay ma’am, may pasok ho kayo?”sabay titig sa suot ko
“Syempre naman po, biyernes pa lang ngayon may pasok pa kami”
“Eh M-aa’am a-no kasi… sabado ngayon, walang pasok”. Sabado ngayon?... Anong pinagsasabi neto?
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table at tinignan ang date ngayon'
Saturday June 15
“Ay, oo nga pala, hihihi” Nakakahiya!! -_____- halatang natatawa na siya.
“Sige na, iwan mo na 'ko susunod na lang ako pagkatapos ko dito.” At tuluyan na nga siyang umalis. Haayy naku ang bopols ko talaga.
Dahil nakaligo na nga rin ako, naisipan kong magmall na lang. Boring naman kasi dito sa bahay dalawa lang kami ng katulong kong engot ang magkasama. Isa pa di ko siya kilala, 1st day pa lang ng trabaho niya kahapon pero bukas baka sisisantihen ko na siya, di joke lang. Hindi ko naman talaga kailangan ng katulong eh dahil kaya ko naman ang sarili ko ang mga magulang ko lang ang may gusto nito para kahit papano daw ay may kasama ako at may nagbabantay sa akin pag wala sila.
Sa halip na magpalit ng damit pambahay ay nagsuot na lang ako ng Black na shirt with dangling necklace at nagskinny jeans, pinaresan ko nalang rin ng navy blue na vans at voila tapos na ako. (A/N: Picture ni Krystal sa side.)
Oo nga pala, hindi pa ako nakapagpapakilala. Ako si Krystal de Guzman, 16 years old, anak mayaman, suplada at heart, maganda naman ako sabi nila kaso bobo nga lang at nag-aaral bilang 4th yr. high school sa SM (Samuel Motenegro) Academy. Sa katunayan katatransfer ko lang last year dahil palagi na lang ako binubully ng mga kaklase ko dun sa dati kong school kaya lumipat ako. Pero maswerte pa rin naman akong matatawag dahil may bestfriends ako na makakaramay sina Sofia at Pauleen, maganda sila pero isip bata nga lang. Childhood friends ko sila kaya kilalang-kilala na namin ang isa’t-isa. Sila rin ‘yung pumili ng school na lilipatan naming at ang rason kung bakit SM Academy? Dahil marami raw gwapo dito at lalong-lalo na raw dahil dito rin nag-aaral ang EXO, grupo ng mga nag-gagwapohang lalaki. Weh??... Pero para malaman niyo kahit ilang buwan na akong nag-aaral sa SM Academy ay ni minsan hindi ko pa nakita ang pagmumukha ng EXO na’yan. Hindi ko man sila nakita sa personal eh, alam ko naman kahit papano ang mga pangalan nila sa araw-araw ba namang sinisigaw ng mga kababaehan dito sa school, ay nakakarindi ng pakinggan.
Speaking of Sofia and Pauleen, itext ko kaya sila para may kasama naman akong mag-mall.
To: BFF Sofia & BFF Pauleen
Pssst! May gagawin kayo? Punta tayo mall.
*Message Sent*
After 3 mins.
From: Pauleen
Sori, best may pupuntahan pa kami ni mama mamaya.
From: Sofia
Pass lang muna best, tinatamad ako eh. Sowee!
Naku naman! Ako lang mag-isa, ang boring kaya.
Pagkatapos mag-almusal ay nagpaalam na’ko sa katulong. At gora na.
*Mall*
Pagala-gala lang ako habang umiinom ng bubble tea. Wow, infairness ang daming tao ngayon ha. (Syempre naman weekend ngayon, walang pasok, Bobo ba talaga?) Tumahimik ka nga! Ang matalino kong konsenya nakikisabat na naman sa’kin.
Naisipan kong bumili ng bagong album ng 1D kasi kahapon lang yung album launch ng Midnight Memories nila. Sayang nga at hindi ako nakapunta pero okay lang naman basta ang importante eh makabili ako ng CD nila. Mga 15 mins. na siguro akong nasa labas lang ng astroplus sa katititig lang ng giant poster ng 1D, panu ba kasi ang ga-gwapo nila. KYAAAAAAAAHHH!!
Papasok na sana ako sa loob ng Astroplus ng maalala ko na bawal pa lang magdala ng pagkain o inumin sa loob. Oh ano matalino kong konsenya, bilib ka sa’kin nuh? Wahahaha!
“Pano ‘to meron pang laman, sayang naman kung itatapon lang maraming bata ang nagugutom sa Pinas. Pero….bahala na nga!” sabay hanap ng malapit na basurahan.
“Wow! Ayos! May trash bin dun." Maitapon nga ‘to dahil mahilig akong magbasketball at magaling magshoot (pabigyan na lang natin maghambog ang bobo)
“Three-points shot here we go!” sabay shoot ng lalagyan ng bubble tea sa basurahan.
Ooopss! Lagot na….(O_O)
A/N: Click the external link for picture of kai and krystal