Chapter 5

127 5 0
                                    

CHAPTER 5

“Uy, Sehun diba siya yung nagsabi sayo na manyak ka.” Yung pinakamatangkad sa kanila ang unang nagsalita.

“Tumahimik ka nga Chanyeol kung ayaw mong masaktan” sabi naman ‘nung  Sehun daw.

“Oh bakit ganyan ang itsura niya? Ba’t and dumi-dumi niya?” yung pinakamaputi sa kanila naman ang nagsalita.

“Baka nadapa lang kaya natapunan ang damit niya ng pagkain Suho” sabi nung maputi na gwapo with eyeliner?.

“Tumabi ka nga, nakaharang ka sa dinadaanan namin.” Masungit na sabi nung nagnakaw ng first kiss ko.

“Bakit, sino ka ba?, sa’yo ba ‘tong cafeteria ha??” nilakasan ko na yung boses ko. Kahit malapit na akong umiyak dahil sa nangyari kanina ay tinatagan ko parin ang loob ko.

“Pano kung sabihin kong sa akin nga.”

“Eh di kainin mo. Sayong sayo na!” hindi naman siguro sa kanya ‘tong cafeteria diba? Bahala na at umalis na ako sumunod naman sina Sofia at Pauleen sa’kin. Nakita ko rin na parang natatawa ang mga kasama niya kaso pinipigilan lang nila.

*GYM*

Kung nagtataka kayo kung bakit nandito kami sa gym ay dahil kailangan kong maligo at magpalit ng damit may shower kasi dito at isa pa nandito rin nakalagay ang student’s locker kaya madali lang para kay Pauleen na kunin ang ipahihiram niyang uniform sa’kin.

Lumabas na ako ng banyo at nagsuklay na ng buhok, tinago ko rin yung marumi kong damit sa locker ko mamaya ko na lang kunin pag uwian na.

“Krystal, okay ka lang ba talaga?” nag-aalalang tanong ni Pauleen

“Oo okay lang ako, tara na may klase pa tayo” paganyaya ko sa kanila

“Hihingi sana ako ng first aid kit sa clinic para gamutin yang sugat mo kaso sarado eh, pasensiya ka na ha.” Malungkot na sabi ni Sofia

“Ano ka ba Sofia wala yun, Tara na nga may klase pa kaya tayo”

Habang papunta kami ng classroom. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong kung sino ‘yung mga lalaki kanina.

“Uyy A-ano… kilala niyo ba kung sino ‘yung mga lalaki kanina sa cafeteria?”

“Ahh, yung sinigawan mo kanina??” Pauleen

“Oo sino sila? Ba’t parang hari sila kung umasta lalo na ‘yung nagnakaw ng first ki..” Sh*t nadulas ako.

Tinignan nila akong dalawa na may pagtataka. Lagot na.

“Sino nagnakaw ng first ki mo? Ano nga yun?” nagtatakang tanong ni Sofia

“Ah wala, ang ibig kong sabihin ay kung sino yung first kid kanina. hehehe” palusot ko na lang sa kanila

“Aaahhhhhh” sabay nilang sabi. Sabi na nga ba, may pagkabobo rin sila.

“Oh, sino yung mga yun?” muli kong tanong .

“Ahh yun! Sila lang naman ang nag-gagwapohang EXO” proud na proud na sabi ni Pauleen at dinescribe niya pa isa-isa sakin kung sino-sino sila. Yung pinakamatangkad ay si Chanyeol. Yung may cute na mata ay si D.O yung pinakamaputi sa kanila naman ay si Suho yung gwapo na maputi with eyeliner ay si Baekhyun at yung sinabihan ko ng manyak ay si Sehun.

He's a Bad boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon