Chapter 6

121 5 0
                                    

CHAPTER 6

……

Kaya pumunta ako sa harapan ni Kai at niyakap siya ng mahigpit, yes niyakap ko siya naramdaman kong nagulat naman siya sa ginawa ko pati na rin ‘yung dalawang babae na kalandian niya at ‘yung dalawang manyak.

“Kai” Mahina kong sabi habang yakap yakap ko parin siya ng mahigpit

“Gago, tol boyfriend niya pala ‘yung leader ng EXO” sabi nung isa sa mga manyak kanina.

“Yari tayo nito” sabi pa nung isa.

“Ay girl taken na pala siya, how sad naman.” Malandi no. 1

“Yeah right, naunahan tayo sis! Iba na lang” Malandi no.2 sabay titig sa dalawang manyak na sa likod nila. Nagbibigay motibo??

TING!!!

Bumukas bigla ang elevator at lumabas na kami ni Kai. Huwag niyo ng itanong kung anong posisyon naming dalawa habang lumalabas ng elevator basta ang awkward (alam niya ang salitang awkward, palakpakan!!)  iimagine niyo na lang na nakapatong yung paa ko sa mga paa niya okay na? ipagpatuloy ko na ang kwento?

.

..

….

“at hanggang kailan mo pa akong balak na yakapin panget?”

Nak ng! Oo nga pala nakayakap pa rin ako sa kanya, humiwalay na ako. Kung hindi lang dahil dun sa mga manyak na ‘yun hinding-hindi kita yayakapin nuh as if gusto ko naman, slight lang XD.

“Ewan ko sa’yo, tara na nga baka lumala pa ‘tong binti ko.”

Lakad lang kami ng lakad NA NAMAN. Ba’t kasi ang laki ng Ospital na’to? Ang sakit pa naman ng binti ko, Haiisssttt! Biglang nagsalita ang demonyong nasa unahan ko.

“Pano hindi mamanyakin ang iba diyan ay ang ikli ng suot.”

“Ako ba ang pinariringgan mo ha?” tinanong ko siya.

“Sino pa ba?, sino pa kaya dito ang nakasuot ng ubod na ikli na short at nakasleeveless”

“Kasalanan mo naman eh, bigla mo na lang ako binuhat kanina kaya hindi ako nakapagpalit na ng damit, remember?”

 Tumahimik siya. Hahaha mabuti ‘yan para alam niya na siya talaga ang may kasalanan. Ilulugay ko na lang nga ‘tong buhok ko para matapnan kahit papano ang harapan.

At sa wakas matapos ang isang dekadang paglalakad ay pumasok na kami sa isang kwarto.

“Oh Kai, ikaw pala anong kailangan mo?” tanong nung doctor

“Napilayan ata ‘yung kasama ko” sabi niya sabay tingin sa akin. Nakita ko sa mukha niya na medyo nagulat siya ng makita ako, medyo lang naman. Ano kayang meron sa mukha ko? May dumi ba? Titig na titig kasi siya uh.

“Oh. Ba’t mo nilugay niyang buhok mo panget?”

“Wala ka ng pakialam dun.”

Ngumiti siya pagkatapos ng nakakaloka.

...

..

.

“Aaaaaaaaaahhhhhhhhhh, kaya mo nilugay yang buhok mo para matapnan ang harapan mo nuh?” mind reader ba siya?

“Hindi nuh!! trip ko lang kaya na ilugay ang buhok ko.”

He's a Bad boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon