CHAPTER 7
KINABUKASAN…
Krystal’s POV
*yawn*
“Hay naku, inaantok pa ako kulang kasi ang tulog ko. Sana matapos na ang araw nang makapagpahinga na ako.”
“KRYSTAL!!!!” sina Sofia at Pauleen. Ang aga-aga eh sumisigaw na.
“Ano?!?”ako
“Anong club ‘yung sasalihan mo? Sa School paper ka ba ulit?”tanong ni Sofia
“Hindi na ako sasali.”ako
“Hindi sasali? Required kaya lahat ng 4th yr students na dapat merong sasalihang club.” Pauleen
“Ayaw ko ngang sumali sa mga club-club na ‘yan”
“Bahala ka, hindi ka gagraduate niyan.” Sofia
“At kahit gustuhin ko pang sumali ulit sa School paper ay hindi naman ako pakakapasok dun”
“At bakit naman, last year nga nakapasok ka dun kahit hindi ka pani-paniwala tapos ngayon hindi na.” Oo nga hindi ka paniniwala kung alam mo lang sana Pauleen ang rason kung bakit naging staffers ako ng School Paper last year.
“Pssst! Ano na? Share-share naman jan!” Sofia
Hayy. Siguro tamang oras na para sabihin sa kanila kung bakit ako nakapasok sa School Paper namin.
“Sige na nga. Eto ‘yun kase”
*FLASHBACK*
“Aiiissshh! Sana eto na ‘yung room ko.” Kanina pa ako palibot-libot sa kakahanap ng classroom ko. Hindi naman ako nagtry na magtanong kasi wala pa akong kilala dito, bago eh! Absent pa ‘yung dalawang timang ko na kaibigan.
“Anu ba naman ‘yan Miss EIC? Hindi parin kumpleto yung mga Staffers ng School Paper natin?! October na! Nangangalahati na ang School year. Hala sige! Humanap ka ng kukumpleto jan!”
“Sorry po maam hindi pa po namin mafinalize ang mga nakapasa kasi nawala ‘yung mga entry na sinulat nila.”
“Wag mo akong madaan-daan sa palusot mo na ‘yan Miss Sumagaysay. Basta bago mag lunch break ay dapat mapasa mo na sa’kin ang complete list of staffers this year.”