CHAPTER 3
*Lightsaver Club*
Kai’s POV
Nandito ako ngayon umiinom kasama ang tropa sa paborito naming tambayan. At kanina pa ako naiinis dahil hindi ako makarelate sa pinaguusapan nila. Kanina kasi raw sa mall merong babae na sinigawan si Sehun at tinawag pang manyak sa harap ng maraming tao. Sayang nga eh, nakita ko pa sana ang reaksyon niya, galit na galit siguro ‘yun lalong-lalo na ayaw pa naman niyang sinasabihan siyang manyak kahit totoo naman talaga. Hahaha!
“Grabe ‘yung babae kanina sa mall ha, Amazona!” D.O.
“Oo nga, maganda pa naman sana, pero sinabihan si Sehun na Manyak! Wahaha!” Chanyeol *Derp face*
“Sana diniskartehan mo na kanina Sehun, sayang naman ang kinis na ang ganda pa. Gandang chicks!” Baekhyun
“Pwede ba tumahimik kayo!!, at ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko siya type, napakaplain kaya niya, kung gusto niyo sa inyo na lang” naiinis na sabi ni Sehun
Mga lalaki ‘tong talaga kapag babae ang topic alive na alive. Kaya nga magkakasundo kami eh.
“Uy ikaw Kai musta lakad mo kanina kasama ng mga chicks mo?” tanong sakin ni Suho sabay inom ng beer.
“Okay lang naman.” Sagot ko na lang sa kanya. Pero ang totoo niyan talaga ay ‘hindi okay ang lakad ko kanina, ikaw ba naman kasi ang pagsabihan ng “Asa daw ako”. Grabe lang ha, first time ko nasabihan ng ganun. Sayang nga eh, maganda pa naman sana ang babaeng yun.
*Next Day*
Still Kai’s POV
Nandito ako sa mall ngayon palakad-lakad lang gwapo eh.
*BOOOGSSHH!*
“Ooouuch!!, ang ulo ko! bulag ka ba?!” Aba! ako pa daw ang bulag eh siya nga ‘tong may kasalanan eh, naninisi pa. ( - __ - )
“Anong bulag ha, ikaw kaya ang nakabangga sa’kin...” sabay tingin sa taong nakabangga sa’kin. F*ck!, yung babae na naman kahapon, tadhana nga naman. Ngingitian ko na lang siya para ipamukha sa kanya na hindi ako nagulat na nagkita kami ulit pero siya naman ay halatang gulat na gulat talaga pano naman kasi eh namilog talaga ang kanyang mga mata parang perfect circle nga eh. Oh baka mainlove sakin ‘to mahiwaga pa naman ang ngiti ko kaya ‘yan rason kung bakit lahat ng kababaihan sa school namin ay nahuhumaling at naiinlove sa’kin.
“Ako pa ngayon ang may kasalanan ha?!!” hinimas-himas niya ang ulo niya. OA naman nito.
“Syempre oo, ikaw naman talaga ang may kasalanan ha!! Sabi na nga ba eh may gusto ka talaga sakin, kaya kunwari ay magpapabangga ka para mapansin kita noh? Diba tama ako?” Asarin ko kaya ‘to. Hahaha. Nakakatuwa ang itsura eh.
“Sinong nagpapansin? ako!?, kapal talaga ng mukha mo!” haha, pikon na.
“Sh*t!” napamura ako bigla, kung minamalas ka nga naman oh, nakita pa ako nina Brenna, Christy at Danica wala pa naman ako sa mood ngayong makipaglandian sa kanila. Kailangang makaisip ako ng paraan para makatakas. Papalapit na ng papalapit silang tatlo sa akin samantala ang babae naman sa harapan ko ay parang sasabog na bulkan na sa kasisigaw na masakit daw talaga ang ulo niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng maisipan kong…
Krystal’s POV
Linggo ngayon at bumalik ako ng mall para bumili na talaga ng album ng 1D, di kasi ako makatulog kagabi nang hindi ko nabibili ang CD nila. Haaayyy.
Kalalabas ko lang ng Astroplus at dahil hindi na ako makapaghintay na hindi mahawakan at makita and binili kong CD ay kinuha ko na lang siya sa plastic at habang tinitignan-tignan ko ito ay may nabangga ako, dahilan na nahulog ko ito.
“Ooouuch!!, ang ulo ko, bulag ka ba?!?” napasigaw ako dahil sa sakit ng ulo ko parang sasabog na ata lakas ng impact. Kahit alam ko na ako ang may kasalanan at ako ang hindi tumitingin sa dinadaanan ko, wala akong pakialam basta masakit talaga ang ulo.
“Anong bulag ha, ikaw kaya ang nakabangga sakin!!!” Aba, aba! Sinigawan ba naman ako. Aray ko po! ang sakit ng ulo ko, tinignan ko kung sino naman kaya ang walang manners na taong ‘to na sinigawan ako. At laking gulat ko (O _ O)
Yung lalaking kasama nina Britney na saksakan ng kagwapuhan pero makapal ang mukha ang nakabanggaan ko. At hindi lang dahil dun ang kinagugulat ko ngingitian ba naman ako ng makalaglag panty. Kyaaaahhhh!!! Ba’t ang gwapo niya? Erase.erase.
“Ako pa ngayon ang may kasalanan ha?!?” hinimas ko yung ulo ko ang sakit parin naman kasi, ba’t naman ang tigas ng dibdib niya?, dibdib niya ba talaga ang nabangga ko? Ewan. Ayaw umandar ang utak ko. (As if naman meron ka ‘nun).
“Sh*t!” grabe, nagmura pa talaga.
Kung marunong kang magmura pwes ako marunong sumigaw kaya naman sigaw lang ako ng sigaw rito dahil sa masakit talaga ang ulo ko. Bahala na kahit pagtitinginan kami ng mga tao dito.
Biglang may humila ng kamay ko at naramdam ko na lamang na may nakadampi na palang mga labi sa bibig ko…
“Hhhhmmmmmppphhhh!”
Waaahhhhhh!!! Ang first kiss ko wala na!! At napunta pa talaga sa demonyong lalaki na ‘to!!
Tinulak ko siya para makawala pero, WOW! The abs, nafeel ko ang kanyang abs, kaya pala ang tigas ng dibdib niya siguro ay dahil sa mga matitigas niyang pandesal. Tinulak-tulak ko ulit siya pero di ko kaya, napakalakas niya. Di ko alam kung matutuwa ba ako dahil feel na feel ko ang katigasan ng nakatagong tinapay niya o malulungkot dahil ninakaw niya ang first kiss ko.First kiss ko yun eh, alam ko hindi big deal sa kanya ang makipaghalikan sa iba’t-ibang babae pero sakin hindi pwede, Dapat ang first kiss ko ay nasa harap na ako ng altar kasama ang minamahal ko. Hindi tama ‘to. Hindi ko nga siya kilala, kahit pangalan niya di ko alam. Tapos, ganito lang ang mangyayari.
“Ay hindi pala siya” parang pamilyar ‘yung boses na nagsalita.
“Tara na girls! Were wasting our precious time here.” isa pang pamilyar na boses ang narinig ko.
Hindi ko namalayang may tumutulong luha na pala sa mukha ko, binitiwan niya na ako at alam ko nakita niya kong umiiyak. Oh ano Masaya ka na? dahil sa matinding galit ko ay…
*SSSLLLLLAAAAAAAAAPPPPPPP*
Sinampal ko siya ng napakalakas na kahit papano ay makabawi ako sa ginawa niya sa’kin.
Tumakbo na ako papalayo at pinahiran ang mga tumutulong luha sa mukha ko. Ang kapal niya talaga!! Aaaarggghhhh!!!