CHAPTER 12
Krystal's POV
*naglalakad papuntang Cafeteria*
Lintek na demonyong manyak na Kai na 'yun. Ang kapal ng mukha!!! Arrrrggghhh!!!Lakas ng loob ipasabi 'yun sa'kin. Bwiset!.
*TING!*
Teka... Hindi naman ako nagpakilala kanina kaya hindi nila malalaman kung sino ang nagsasalita. Wahahaha!!! Ang talino ko!
*CAFETERIA*
"Pauleen! Sofia!" patakbo akong pumunta sa table nilang dalawa nang may biglang humila ng kamay ko.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" pinilit kong makawala mula sa mahigpit na kapit ni Britney.
"Kai, eto 'yung babaeng nagpahiya sa'yo sa buong school." Oh well dinala lang naman ako ng babaeng ito sa manyak na Kai na kasama ang EXO.
"Anong gusto mong gawin namin sa kanya? Matapos ng ginawa niyang pagtatapat sayo in public, it such a shame on your part!" inis na sabi ni Chloe.
Tinignan lamang siya ng manyak walang anuman may humatak sa kamay ko. Bakit parati na lang may humahatak sa'kin??
"Hindi ko alam na patay na patay ka pala sa'kin na nakaya mong gawin ang ganoong bagay?" sabi ng demonyong titig na titig sa'kin idagdag niyo pa na ang lapit ng mukha namin buhat ng paghatak niya sa'kin.
Duh?? Ikaw kaya ang may pakana ng lahat ng ito. Tinignan ko siya ng masama, yung titig na mapapatay ko na siya.
"Bitawan mo nga siya Kai!" galit na sigaw ni Britney sabay hila ng kamay ko na hawak-hawak ng demonyo.
"Shut up bitch. This is nothing to do with you." Mahinahong sabi ni Kai.
Tumahimik naman si Britney at halatang naiiyak na.
"At ikaw Krystal De Guzman am I right?" tumingin ako sa demonyong nagsalita. Muli niyang nilapit ang mukha niya sa'kin as in malapit na malapit. Ano bang balak na gawin ng demonyo na'to sakin. Pigilan niyo ko mapapatay ko 'to.
"OMG. This is not happening"
"Huwag mo siyang halikan, Kai"
Dinig na dinig ko ang mga reaksyon ng mga babae sa loob ng cafeteria. Ilang sandal lang may naramdaman akong hininga sa kanang tenga ko.
"Congrats! You pass the audition, you are now a member of the Theatre Club" bulong sa'kin ng demonyo.
Umalis na ang EXO syempre pati si Kai sa Cafeteria. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Saan tayo pupunta? Akala ko ba kakain pa tayo Kai! Gutom na kaya ako!" Chanyeol.
"Krystal!" Pauleen.
"Halika na alis na tayo dito nawalan na ako ng gana." Sofia
"Sige, hindi naman ako gutom" tanging sagot ko na lang.
Nang papaalis na kami biglang sumulpot sa harapan namin sina Britney.
"Im not done with you Bobo girl, tandaan mo yan" sabi niya tsaka umalis kasama yung dalawang ewan niyang kaibigan.
"Huwag mo ng pansinin Krystal, sadyang may sakit sa pag-iisip lang ang mga 'yun" Pauleen.
*2 WEEKS LATER*
Kai's POV
"Shit. Sarap suntukin 'yung teacher walang silbing magturo" pabulong na sabi ni Baekhyun.