CHAPTER 10
Krystal’s POV
“Baba na!” Kai
“Ano???”
“Ang sabi ko baba na, bingi ka ba?!”
“Ewan ko sayo hindi ako bingi kaya huwag mo akong sigawan. Teka nga nasaan ba tayo? Anong lugar ‘to?”
“Bahala ka diyan sa buhay mo!” at bigla na lang siyang bumaba ng sasakyan. Bwisit!
“Hoy! Teka! Hintay.” Ang bilis maglakad, ‘panu kase ang haba ng binti. Aaaissshh.
Sinundan ko siya, pumasok kami sa isang bar nakasulat sa labas *Lightsaver Club* dito siguro ‘yun parati tumatambay. Pagpasok na pagpasok namin may nakasalubong kaming dalawang babae. Eww. Kadiri. Naghalikan lang naman sila yung laplapan pa. Una sa babaeng nasa kanan niya pagkatapos naman yung sa kaliwa naman niya. Right and Left. Sabay sabay.
“Oh hon, sino siya? Katulong mo?” tanong nung babaeng nakasuot ng napakaikling palda.
“Admirer kong patay na patay sa’kin” wow lang ha! Admirer ako??? Ewww.
“Sige bye! Mamaya na lang ulit!” paalam ng manyak.
Hay naku! San naman kaya ‘to pupunta. Walang anuman nakarating kami sa isang corner ng bar na medyo elevated ang sahig. Kung hindi ako nagkakamali VIP section ‘to siguro. Nandito rin umiinom ang mga kasama niyang ungas. Walang iba kundi ang EXO.
“Krystal?? Anong ginagawa mo sa lugar na’to?”
“Aaa-ah..” hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Suho.
“Huwag niyo na nga siyang tanungin di rin naman niya maiintindihan eh.”
“Grabe ka naman Kai, hahaha. have a sit?” sabi ni baekhyun saka ako pinaupo sa tabi niya. Syempre sinunod ko siya. Umupo na ako.
Bale nasa malaking table kami nasa harapan ko ang manyak na lalaki may kaakbay na dalawang babae, sa pagkakaalala ko iba ‘to sa dalawa kanina na nakasalubong namin. ‘Yung iba namang EXO may kasama ring mga babae. Pati ‘tong katabi ko na si baekhyun may kasama rin naghaharutan sila.
Hayyy.. ano naman kaya ang gagawin ko dito.
*AFTER 15 MINUTES*
Ang boring…
*TING*
May nagtext! Sino kaya ‘to?
From: Unregistered number
Krystal okay kalang? Asan ka? Andrei pala ‘to. Txtback pls.
Huwaw! Napangiti ako. Hihi. Tumingin ako kay Kai. OMG. Nagkatinginan kaming dalawa mga 5 seconds siguro nang may hinagis siya sa’kin’yung jacket niya. Yes. May jacket siyang dala kanina.
“Pakihawak!”
“Hindi naman ako katulong mo ahh?!? Ikaw magtago ng jacket mo! At pwede ba, gusto ko ng umuwi!”
“Kung gusto mong umuwi susundin mo lahat ng sasabihin ko!” natahimik nalang ako. Kinuha ko ‘yung jacket niya at nilagay sa binti ko. Parang ginawa kong pangtapon sa legs ko, hindi kase ako nakapagpalit ng damit suot-suot ko parin yung damit kong ginamit kanina sa audition kaya medyo maikli. Kahit papano may silbi rin pala ‘to.
Ay wait hindi ko pa pala nareplyan si Andrei.
To: Unregister number
Okay lang ako Andrei. Uy san mo kinuha ‘yung no. ko?