CHAPTER 8
FRIDAY, AUDITION DAY
Krystal's POV
"Ready ka na para mamaya Krystal?" Pauleen
"Medyo, kinakabahan talaga ako eh"
"Ano ka ba kaya mo 'yan"
*toot*
"Oh, Krystal kailangan na natin pumunta sa Audiovisual room. Nagtext na sa'kin si Sofia nang mamake-upan ka na at mabihisan." At pumunta na nga kami ni Pauleen sa backstage.
"Krystal!!! Sandali!!" May tumatawag sa'kin pagtalikod ko.
"Oh Andrei."
"May pupuntahan ka?"
"Ahh oo eh, mag-au-audition kasi ako para sa Theatre Club"
"Wow naman! Anong oras ng audition mo?"
"2pm mag-stastart eh." Napansin ko may dala siya parang tube na kulay itim.
"Ano 'yang dala mo?"
"Ah eto. Nagpascreening kase ako maging cartoonist ng School publication" sabay pakita sa hawak na tube.
"Magaling ka mag-drawing???" Nakisingit si Pauleen. Nakalimutan ko nandito pala siya.
"Ah Andrei si Pauleen pala Kaibigan ko, Pauleen si Andrei."
"Nice to meet you Pauleen"
"Nice to meet you too Andrei" Tinignan naman ako ni Pauleen na tara-na-girl look.
"Ah Andrei mauna na kami malapit na kase mg 1pm baka malate pa kami."
"Ah sige! Goodluck at alam kong kaya mo 'yan"
"Salamat"
.....
"Uy kailan kayo naging close ni Andrei, Krystal?" pagtatanong sakin ni Pauleen
"Ewan ko nga eh. Kahapon?"
"Type mo?" Pauleen
"Anong pinagsasabi mo jan Hindi nuh!, Baka ikaw."
"Gwapo siya oo pero hindi ako mahilig sa lalaking mabait. 'Cause good boys are no fun" manonosebleed ata ako neto sa kanya.
"In Short krystal, Boring sila..Tissue oh. Ipahid mo sa ilong mong dumudugo."
*Auditorium*
"De Guzman, Krystal. Please be ready ikaw na ang susunod." Sabi nung staff na babae.
"okay po." Andito ako sa gilid ng stage naghihintay na matapos 'yung babaeng nagsasayaw na parang ewan ang haba-haba ng performance. Halatang bored na ang manunuod maingay na kase.
"Wag kang kabahan Krystal, Kaya mo yan Hwaiting!!" sabi ko sa sarili ko.
*APPLAUSE*
Yay! Tapos na siya ako na ang susunod.
"Next is De Guzman, Krystal" isang boses lalaki ang tumawag ng pangalan ko kaya lumabas na ako at unang-una kong ginawa ay hanapin si Sofia at Pauleen sa Audience. Nice! Ayun sila nakasmile ng Wagas may banner pang dala na *GO KRYSTAL!*
"So... Krystal right?"
Napatingin naman ako sa nagsasalita.
O_____O
(A/N: Pauleen and Sofia on the right ===>)