CHAPTER 4:
Krystal’s POV
Lunes na nga ngayon at papasok na ako ng school at hindi ko parin makalimutan ang nangyari kahapon. Waahhh! Ang first kiss ko!!!..huhuhu… okay, stop na ang drama.
Papunta na ako ng classroom ng marinig ko ang mga usap-usapan ng mga estudyante. Wow ha ang aga aga eh nagtsitsismisan na naman.
“Kyaaahhhh!!, ang gwapo ng bagong transferee.” Girl 1
“Oo nga, kaso nga lang 4th year na siya at Section A pa talaga!” girl 2
“eh di Masaya yun kaklase niya pala ang EXO” Girl 3
“Ah basta akin na siya ha, wala ng aagaw!” Girl 1
“Anung sayo? akin kaya siya, mas nauna ako sayo noh!” Girl 3
“Sige sa inyo na lang siya,basta akin na si Kai.” Girl 2
“Hoy!! Ang daya mo naman!, share-share na lang kaya tayo?” girl 3
“Ummm,. Well…Pag-iisipan ko pa muna.” Girl 2 Grabe lang eh noh, feeling pagmamay-ari nila ang mga lalaki dito sa school..
“oh, ayan na raw siya!!!! KYYAAAAHHH!!” girl 1
“OMG let’s go girls!!!” girl 3
At nag-uunahan na silang pumunta dun daw sa transferee na ‘yun. Hay mga babae talaga eh ano kung may bagong transferee kailangan talaga sumigaw? Makapunta na nga lang ng classroom.
Nakakahiya mang sabihin na out of 6 section sa fourth year ay nasa last section ako kabilang ang Section F o mas kilala sa tawag na ang Section Flirt, bakit? kasi yung mga kaklase kong babae ay lahat malalandi maliban lang syempre saming tatlo nina Sofia at Pauleen. Halos lahat ata ay nakatikim na. Mga liberated eh. Yung mga kaklase naman naming mga lalaki ay mga siga na feeling gwapo na di naman talaga.
*KRRRIIIIINNNNGGG!*
Sakto lang pala ang dating ko, kabebell lang. Pumasok na ako ng classroom at umupo na, syempre katabi ko ang mga pinakamamahal kong kaibigan.
“oh, anong nangyari sayo ba’t ganyan ang itsura mo?” sinalubong ako ng tanong ni Pauleen.
“Yung mga babae kasi kanina, sigaw ng sigaw”
“Uy Krystal alam mo ba na may bagong transferee sa school natin?” si Sofia naman ang nagtanong sa’kin.